Chapter 8

381 18 2
                                    

Adeline's POV

Pagkaalis ko sa locker ng mga basketball players ay dumiretso ako sa parking lot. Hingal na hingal dahil sa pagmamadaling maglakad. Hindi pa rin maalis sa isip ko yung pagkapahiya ko sa harap nila Vince at ng Ysabel na 'yon. Sana maniwala sila sa sinabi kong magkaaway lang kami kaya tinanggi ni Vergara na hindi niya ako kilala.


Bwisit na Vergara 'yon! Hindi nakiride sa sinabi ko. Aba kung ibang lalaki 'yon, e, baka hinawakan pa ako sa bewang at hinalikan pa sa harap nila. Hindi ko naman alam na may pa choosy pa palang lalaki ngayon.


Biruin mo tumanggi sa Blessing? Take note, first time may tumanggi sa karisma ko!
Tumanggi sa Cassy na, Adeline pa at higit sa lahat VALLEJO pa, hays!


Hindi ko ugaling maghabol ng lalaki, except kay Vince NOON. Lalaki ang palaging naghahabol sa akin. Mark my words, bukas yung Vergara na 'yon ang siya namang hahabol sa akin.


Tatawagan ko sana sila Thea at Lexi para sabihing uuwi na ako dahil masama ang pakiramdam ko nang may nakita akong lalaking nakatingin sa'kin na biglang nagtago sa likod ng kotse.


Alam kong kanina pang may apat na pares na matang nakatingin sa'kin. Isa mula roon sa ferrari na kotse na nagtatago sa gilid. Isa mula sa ford na kotse na nagtatago din sa gilid. Isa mula sa mustang na nagmamatyag sa'kin mula sa loob at isa na nakasakay sa motor niyang Honda XRM125 Motard na kunwari'y may inaayos sa motor niya.


Okay, I'm impressed. Expensive and beautiful cars and motor. Tiningnan ko ang mga sasakyan nila pero tila'y aligaga sila.


Hindi ko na pinatagal pa at pumasok na'ko sa kotse ko at pinaharurot ito. Hindi ko ito diniretso sa bahay kung saan ako nakatira ngayon dahil alam kong susundan at susundan ako ng mga 'yon. Exciting! this is roadtrip yahoooo!


Yung alam kong wala nang nakasunod sa'kin ay saka ako umuwi ng bahay.


Pagkarating ko ay dumiresto agad ako sa kwarto at hinagis ang sarili ko pahiga sa kama.


"Haaay! Sarap!" sambit ko nang mahiga ako sa malambot kong kama.


*11 NEW TEXT MESSAGE*


From: Thea

Ibang cr ata napuntahan mo at napakatagal mo.

Hoooy!

Cassy

Adeline

Vallejo

Nalabas mo na ba lahat ng dumi sa katawan mo?

O nilinis mo na 'yang buong cr?

Saan ka na huy!


From: Lexi

Asan kana?

Baliw ka! Alam kong umalis ka kasi akala mo kasama namin si Vince.

San kana?

Wow! Hinahanap ako ng mga friendz ko samantalang kanina iniwan nila ko para sa mga lalaki nila.

Don't Play With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon