Chapter 46

50 5 0
                                    

Tyrone's POV


Paggising ay parang sobrang bigat ng katawan ko at sobrang sakit rin ng ulo ko. "Ugh. Sakit ng ulo ko." habang hinihilot hilot pa ang sintido ko.


I check my phone at laking gulat ko nang makitang 9 na ng gabi kaya bigla akong napatayo.


"Puta?! 9 pm na?!" hiyaw ko. Tangina 13 hours akong natulog. Sa super puyat at pagod ko, ang laking tulog ang hiningi sa akin ng katawan ko.


Agaran kong chineck kung may message ba sa'kin si Adel pero nanlamya ako nang makita kong ni isa ay wala. Wala ring missed calls. Ganito rin kaya katagal ang tulog niya? Napatanong na lang ako sa sarili ko.


She still active yesterday. So, ang ibig sabihin hindi pa rin niya ginagamit ang phone niya.


I checked all my messages. It's from the group chat at personal message galing kina Josh, Lance at Kyle.


From: Josh

"Galit ka pa rin ba sa akin, Ty?"

4:05 pm received.


"Don't wanna let our friendship ruined because of that. Please reply.."

8:28 pm received.


From: Lance

"Tol, okay ka na ba?"

5:06 pm received.


"Inom tayo, gusto mo?"

6:00 pm received.


"Hmu when you need me, okay?"

7:30 pm received.


From: Kyle

"Ty, buhay ka pa ba?"

6:19 pm received.


"Sabihan mo ako pag patay kana, ha."

6:20 pm received.


Kahit kaylan talaga puro kalokohan ang alam ni Kyle. Alam kong concerned siya pero dapat hindi halata para cool pa rin siya. I appreciate all their message. Pero ang hinihintay kong message ay galing kay Adel. Pero ni isa wala man lang.


Miss ko na siya. Miss na miss na.


I also checked the messages sa HGS group chat pero tanungan lang kung kumain at nakatulog ba ng maayos. Wala rin ni isa pa ang nagoopen-up tungkol sa nangyari kanina.


Siguro ang lahat ay nagrerecover pa sa pagka-shocked sa nangyari.


Ano na kayang nangyari sa mahal ko? Kumain na kaya siya? Nakatulog kaya siya ng maayos? Iniisip niya pa rin kaya lahat ng 'yon? Ano kayang nararamdaman niya? Sa kaiisip ay biglang tumunog ang tiyan ko dahilan ng pagkagutom.

Don't Play With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon