Adeline's POV
"MASTER!" sabay-sabay nilang sabi. So, ito pala ang may pakana ng lahat.
Mabagal ang bawat paghakbang niya. Parang bawat tapak niya sa lupa ay dinadamdam niya. Dumiretso siya sa harap ng kaniyang kotse at crossed legs na inupo ang puwet dito.
Pamilyar ang kotse niya. Inaaalala ko kung saan ko nakita 'yon pero hindi ko matandaan. Tinitingnan ko rin siyang mabuti pero hindi ko makita ang buong mukha niya.
Dahan-dahan na niyang itinaas ang ulo niya at pagka-angat nito ang mga mata niya ay seryoso at diretsong nakatingin sa mga mata ko.
"Hi, baby." aniya at kung ngumiti ay parang demonyo. "Miss me?" pagdugtong niya.
"Fuck you." madiin na sabi ni Ty. Lalapitan sana siya ni Tyrone pero hinarang at hinawakan siya ng mga tauhan nito.
"Ty!" sigaw ko. Lalapitan ko sana siya ng bigla siyang sumigaw.
"Diyan ka lang!" sigaw sa akin ni Tyrone na ikinagulat ko. Ngayon ko lang siya nakita na ganiyan kagalit sa akin.
"Bitaw." madiin na pagkakasabi ni Tyrone sa mga nakahawak sa kaniya.
"Paano kung ayaw namin?" sabi 'nung isang tauhan dahilan ng pagtawa nilang lahat.
Napangiti yung lalaki habang si Tyrone ay hindi nagbago ang reaksyon ng mukha. "Bitaw." pag-uulit niya.
"Tyrone, dito ka lang.." pagpigil ko sa kaniya. Alam kong malakas siya dahil lalaki siya pero hindi niya kakayanin ang mga 'yan dahil sa dami nila. Lalo na't ang mga yan ay basagulero at trabaho na ang makipag basag-ulo. "Please.." dugtong ko.
"Walang bibitaw?" seryosong tanong niya.
"Sino ka para sundin namin 'yang sinasabi mo?" natatawang sabi ng isa kaya nagtawanan na naman silang lahat.
"Tsh." pag-iling ni Tyrone. Nagulat na lang ako ng duraan niya ang mukha ng nasa kaliwa habang sinuntok niya naman ang panga ng nasa kanan niya.
"Tyrone!" sigaw ko. Argh! Ano bang ginagawa niya??!! Padalos-dalos ang kilos niya! Nanlaki ang mga mata ko ng maglabas ng baril ang boss nila na agad tinutok kay Tyrone.
Agad kong kinuha ang key chain knife ko sa bulsa ko na handa ko na paliparin papunta sa kamay niya ng magsalita ang master nila. "Tumigil kayong lahat." aniya at naglakad malapit sa boss na sinasabi nila. "Ibaba mo 'yang baril mo. Hindi pa ito ang tamang oras para gamitin 'yan." He said while grinning.
"Demonyo." seryoso at madiing sabi ko.
"Ano 'yon? May sinasabi ka, baby?" baling niya sa akin habang nakangiti.
"Demonyo." pag-uulit ko.
BINABASA MO ANG
Don't Play With Me
RomanceSi Adeline Vallejo ay laging may 'target of the day'. Kahit saan man mapunta o kung anong oras man basta may matipuhang lalaki makukuha at makukuha niya. Kumbaga everything she wants, she gets. What if her 'target of the day' rejected her? Will she...