Tyrone's POV
Pagtapos ko mag toothbrush ay agad na akong tumabi kay Adel.
"Yown! Dumating din! Magyoyosi na lang napakatagal pa," ani Kyle kaya nagkatitigan kami ni Lance.
"Saang part na ba kayo?" tanong ko kay Adel.
"Hindi pa kami nagsimula, kakahiya naman kasi sa inyo, eh." sarcastic na sagot niya.
"Hahaha, sorry." I said and kissed her forehead.
"Ano?! Game? Game na! Game na!" sabi ni Lexi habang may hawak na malaking Cheetos.
Napagkasunduan ng mga girls na ang papanoorin namin ay Kissing Booth. Hindi sila pumayag na series ang panoorin dahil ngayong gabi lang naman daw kami may time para manood. Mabibitin lang daw sila. Hindi na kami nakapalag dahil kung ayaw daw namin 'yon panoorin edi lumipat na daw kami ng hotel. Nanakot pa nga.
Sila Lexi kasi ang may-ari ng hotel na 'to at wala kaming binayaran kahit na ano o magkano.
Nakalapag lang ang mga beer cans at snacks sa lamesa. Bago pag mag-start ay kumuha na kami ng sari-sariling beer at snacks. Pinatay din namin ang ilaw na para bang nasa sinehan lang kami. Lahat ng phone namin ay nakababa. Oras lang talaga naming lahat 'to.
"Nag toothbrush ka ba?" bulong sa'kin ni Adel.
"Yes po." bulong ko din sa kaniya.
"Good!" she said and kissed my lips. Kita mo wala pa kami sa kalahati ng iniinom at pinapanood namin ganiyan na siya.
"Tsansing!" bulong ko habang tinatago ang kilig ko.
"Kilig ka naman," pang-aasar niya na nagpangiti sa'kin. Habang nakaupo ay nakadantay ang mga paa sa'kin ni Adel habang hawak ko naman ang bewang niya. May hawak siyang Doritos kaya pagkatapos niyang subuan ang sarili niya ay ako naman ang binibigyan niya.
Habang nanonood kami ay tinitigan ko siya. Hindi ko alam na may palagi pa lang nagmamatyag sa mga kilos mo. Hindi ko kasi makita sa kaniya na natatakot siya araw-araw dahil panigurado tinatago niya lang ito sa bawat ngiti at tawa na ginagawa niya.
Naalala ko yung sinabi sakin ni Lance kanina sa veranda, nagtataka lang ako dahil imposibleng nadala sila sa usapan saka nakabalik pa sa'min si Adel ng maayos. Napaisip tuloy ako kung sinaktan ba siya ng mga 'yon.
"Are you okay?" tanong ko sa kaniya kaya napalingon siya.
"Ha? Oo naman." nagtatakang tanong niya dahil out of nowhere ang tanong ko. "Bakit naman hindi?" tanong niya.
"Wala. Gusto ko lang malaman kung okay ka." sagot ko habang pinipisil ang bewang niya.
"Bakit naman hindi? Eh, kasama kita." aniya na nagpangiti sa'kin. Basta pagdating sa pagpapakilig kuhang-kuha niya 'ko, e.
BINABASA MO ANG
Don't Play With Me
Roman d'amourSi Adeline Vallejo ay laging may 'target of the day'. Kahit saan man mapunta o kung anong oras man basta may matipuhang lalaki makukuha at makukuha niya. Kumbaga everything she wants, she gets. What if her 'target of the day' rejected her? Will she...