GOOD NIGHT
Naramdaman ko ang pag-vibrate ng cellphone ko sa aking bulsa. Nang nakita ko kung sino ang natawag ay agad ko itong sinagot.
"Sorry, mom. I forgot to make a call." Sabi ko kay mommy na nasa kabilang linya. Tinatahak ko ngayon ang daan patungo sa pool side kung nasaan sila George. Sa gilid ko ay si Eurie na tahimik lang na nakikinig.
"Where are you?" tanong ni mommy sa akin.
Huminto ako sa paglalakad nang mapagtanto na malapit na kami sa table nila George. Si Eurie naman ay dire-diretso lang sa paglakad.
"I'm with Eurie. Nandito kami kila George." Sagot ko habang sumusulyap sa mga nagtatawanang mga lalake. May kung ano na naman sigurong kalokohan ang pinag-uusapan ng mga iyon kaya wagas kung makatawa.
Sumulyap sa akin si Clay ng nakakunot ang noo. Nag-iwas ako ng tingin sa kanya. Dahil kung hindi ko iyon gagawin, baka hindi ko makausap ng maayos si mommy.
"It's okay, honey. Just make sure you're at home by eight."
Tumango lang ako kahit na hindi naman ako nakikita ni mommy. I don't want to abuse the freedom she's giving me. Tumingin ako sa relos ko at napagtantong alas-syete na pala ng gabi. Ang bilis ng oras.
"I'm going home, mom. See you. Bye!" mabilis kong sinabi sa kanya atsaka pinatay ang tawag. Hindi ko na hinintay na makapagsalita si mommy dahil alam kong magtatanong lang siya kung sino ang maghahatid sa akin sa bahay.
Alam naman niya kung sino. Si George lang naman ang laging naghahatid sa akin kahit na pwede naman akong maglakad pauwi. It's safe in the village, anyway.
Mabilis akong naglakad patungo kina Eurie para makapag-paalam. I had so much for this day.
"I have to go. Tumawag na si mommy." Pagsisimula ko.
Nakita ko pa ang panghihinayang sa mukha ni Eurie. Ngumiti na lang ako sa kanya at nakita siyang nakanguso.
"Nagsisimula pa lang, Lisette. Uuwi ka na agad?" ani Kevin sa akin.
Tumawa lang ako sa kanya. "May pasok pa bukas. Ayokong ma-late."
"Uuwi din naman. Look! Ang saya kaya dito." Pangungumbinsi pa ni Kevin sa akin.
Sorry. Kung mag-stay pa ako dito ay baka ikamatay ko pa iyon. I heard a lot from Clay just for this day. Kapag nakita ko pa syang nakipag-usap sa Chelsea na iyon ay baka hindi ko na kayanin. Mas maigi na itong ganito. Iwas sakit sa kalooban.
"May next time pa naman." Sana ay makalusot para 'wag na nila akong kulitin pa.
Pagkatapos ng mahabang pagpapaalam sa kanila ay tumayo na din si George. Alam kong ihahatid niya ako kaya kampante akong uuwi ng wala ng araw.
"Let me drive her home." Napatigil ako sa paggalaw nang narinig ko na naman na nagsalita si Clay.
Bahagya ding napatigil si George at bakas sa mukha nila Kevin, Mikel at Eurie ang pagkagulat dahil sa sinabi ni Clay.
Ano na naman ba ito? Pagkatapos akong masaktan kanina dahil sa babaeng iyon, heto naman at binabawi ang sakit na naramdaman ko. Mabilis ang pintig ng puso ko habang sinusundan ko siya palabas ng bahay.
Hindi na niya hinayaan na makapagsalita kahit sino kila George dahil nagdire-diretso siya sa paglalakad. Iniisip ko tuloy kung kinuha ba niya ang susi ng sasakyan ni George dahil kahit iyon ay hindi ko na nabigyan pa ng pansin.
May iilang sasakyan ang nakaparada sa tapat ng bahay nila George. Nagulat pa ako nang nilampasan namin ang sasakyan nito. Sa halip ay huminto siya sa isang kulay asul na sasakyan. Naghuhumiyaw ang isang BMW sport coupe na nakaparada sa harapan namin. Pinatunog niya ito at pinagbuksan ako ng pinto.
Nag-aalinlangan pa ako kung papasok ba ako sa loob ng sasakyan o tatanggihan ang paghahatid niya sa akin. Minsan lang ito, kaya sige na, pagbibigyan ko naman ang sarili ko na maging masaya kahit ngayon lang.
"I insist." Matigas na saad ni Clay.
Madali akong pumasok sa loob ng kotse at agad niyang sinarado ang pinto nito. Pinagmasdan ko siya na naglakad patungo sa driver's seat. Pagkaupo niya ay agad niyang pinaandar ang kotse.
Gusto ko sanang magtanong kung kanino itong gamit niya na kotse pero pinili ko na lang na manahimik. George can drive kahit third year high school pa lang kami. Hindi pa pwede ang ganitong age pero dahil malakas ang impluwensya ng pamilya nila ay nagagawa pa din niyang mag-drive.
Tahimik lang ang naging byahe. Bukod sa hindi naman kalayuan ang bahay namin mula kina George, isang beses lang na nagsalita si Clay at 'yun ay para tanungin kung ano'ng street ba kami liliko. Pagkatapos nun ay hindi na ulit siya nagsalita pa.
Nag-iisip ako kung bakit biglang naisipan ni Clay na ihatid ako sa bahay namin. Unti-unti ay umuusbong na naman ang pag-asang minsan ay nawala na sa akin.
Nang nasa tapat na kami ng bahay ay narinig ko siyang tumikhim. Agad akong nakaramdam ng kaba.
"Sorry." Diretsong lumabas sa bibig niya.
Napakunot ang noo ko dahil doon. Sorry for what, Clay? Dahil alam mong umaasa ako sa'yo at nagso-sorry ka kasi hindi mo kayang suklian kahit kaunti ang nararamdaman ko para sayo? Mariin akong napapikit dahil sa ideyang iyon.
"Sorry for being harsh on you at times." Pagpapatuloy niya nang di ako nakapag-kumento sa una niyang paghingi ng paumanhin.
Tumango lang ako sa sinabi niya, dahil ang totoo, hindi pa man siya humihingi ng sorry ay pinatawad ko na siya.
Agad siyang lumabas ng sasakyan at muli pa akong pinagbuksan ng pintuan.
"Thank you, Clay." Ang tanging lumabas sa bibig ko. Natatakot ako na baka kapag nagsalita ako ng madami ay mapatili ako sa harap niya.
Tumango siya at nakita ko ang pamumungay ng kanyang mga mata. Nakatingin lang ito sa akin na para bang ano mang oras ay maari akong mawala sa paningin niya. Bahagya pa siyang lumapit at marahan akong hinalikan sa noo. Isang dampi lang ngunit naramdaman ko ang pangangatog ng tuhod ko dahil doon.
"Good night, Lisette." Malambing niyang sinabi atsaka agad na pumasok sa kotse.
Naiwan akong tulala doon ng ilang minuto, pagkatapos paandarin ni Clay ang sasakyan. Nananaginip ba ako? Dahil kung oo, ayoko nang magising pa.
BINABASA MO ANG
Hello Goodbye
Teen FictionMaybe there is really good in goodbyes. Enjoy reading!!! :)