I'M COURTING HER
Mabilis kong in-off ang alarm clock nang tumunog ito. Ilang minuto pa ang inilaan ko sa paghiga bago ko napagdesisyunan na bumangon na. Muli kong sinilip ang cellphone ko. Binuksan ko ang mensahe na galing kay Clay. It was sent hours ago.
Kinapa ko sa aking paanan ang bedroom slippers at mabilis ko itong sinuot. Bahagya ko pang tinitigan ang aking mukha sa salamin bago tuluyang naglakad patungo sa aking kabinet. Kinuha ko ang tuwalya at mabilis na pumasok sa loob ng banyo. Bago ko isara ang pintuan ay narinig ko pa ang pagtunog ng aking cellphone. Someone is calling.
Inayos ko ang aking gamit nang natapos ako sa pagbibihis. Inisa-isa ko ang mga kailangang dalhin lalo pa at may praktis na naman kami ngayon. Nakapamaymang kong tinanaw ang mga gamit na nasa ibabaw ng higaan ko. Nang wala na akong nakalimutan ay sinilid ko na ang mga ito sa loob ng aking gym bag.
Sinuot ko sa aking pulso ang aking relo. Isinabit ko sa aking balikat ang bag at mabilis na dinampot ang cellphone na nasa kama. Walang paliguy-ligoy kong tinahak pababa ang aming hagdan. Tanging si manang lang ang natanaw ko mula sa itaas ng bahay.
Dapat ay nasasanay na ako sa ganitong kapaligiran. Days from now, aalis na sila mommy at daddy. Ang tanging maiiwan na lang kasama ko ay si manang.
Bumuntong hininga ako nang nakarating na ako sa kusina. Doon ay mabilis kong kinain ang pagkain na nakalagay sa pinggan ko.
Ilang sandali pa ang nakalipas ay muling tumunog ang cellphone ko. Sinagot ko ito kaagad nang hindi tinitingnan kung sino ang natawag.
"Hey. Nasa labas kami ng bahay ninyo." Ani ng boses sa kabilang linya. Kunot noo kong tiningnan ang screen. It's from an unsaved number.
"Lisette?" Nang binanggit niya ang pangalan ko ay agad kong napagtanto na si George ang nasa kabilang linya. Ano ang ginagawa niya sa labas ng bahay? Sino ang kasama niya?
Tumayo ako habang dala ang pinagkainan patungo sa lababo. "George?" Nagtataka kong tanong.
"We can wait." Kalmadong tugon niya sa akin.
Pinatay ko kaagad ang tawag na iyon. Tumungo ako sa common toilet room na nasa unang palapag ng bahay. Doon ay nag-ayos ako ng sarili.
"Manang! Alis na po ako!" malakas kong paalam habang dala-dala ko ang aking gym bag.
Sa labas ng bahay ay nandoon ang van nila George. I'm wondering kung sino ang mga kasama niya at bakit sila nandito.
Naglakad ako palapit kay George na naghihintay sa labas ng sasakyan. Narinig ko pa ang mumunting tawa na nanggagaling sa loob ng van.
"Hi, Lisette!" Napatingin ako sa bintana ng sasakyan at doon ay nakita ko si Kevin na nakadungaw. Tumango ako at ngumiti sa kanya.
"Bakit kayo napadaan?" tanong ko kay George nang binalingan ko siya habang humahakbang papunta sa pintuan ng van.
BINABASA MO ANG
Hello Goodbye
Teen FictionMaybe there is really good in goodbyes. Enjoy reading!!! :)