Chapter 40

9.7K 201 7
                                    

JUST THE TWO OF US

Nakatulugan ko ang pag-iisip sa mga bagay na bumabagabag sa isipan ko. Kinabukasan ay nagising ako dahil sa malakas na katok na nagmumula sa labas ng aking kwarto. Bahagya ko pang sinilip ang orasan na nasa tabi ng aking kama. It's just almost six in the morning. 

Tamad akong tumayo at nagtungo sa pintuan para silipin kung sino iyon. 

"Ihahatid ka ng mommy mo. Bilisan mo daw ang paggayak, hija." Si manang ang bumungad sa akin sa labas ng kwarto ko. 

Kinusot ko pa ang aking mga mata atsaka dahan-dahan na tumango sa kanya. Nanatili akong nakatayo sa pintuan habang pinoproseso ang mga sinabi ni manang. Nagpakawala ako ng malalim na hininga atsaka nagsimula sa paggayak. 

Kapag nagkaayos kami ni mommy ay atsaka ko siya kakausapin tungkol kay Clay. Ngunit sa ngayon, kailangan ko munang tumahimik at makiramdam sa kanya. Gagawin ko 'yun para makuha ko kung ano ang gusto ko. Para maging maayos ang lahat. 

Nang natapos ako sa pag-aayos sa aking sarili ay mabilis kong kinuha ang aking bag. Dinampot ko pa ang aking cellphone sa ibabaw ng aking kama atsaka pumihit palabas ng kwarto ko. Agad kong tiningnan kung may mensahe ba ako. Ngunit laking gulat ko nang makita ang ilang missed calls mula kay Eurie. 

Marahil ay mahimbing ang pagkakatulog ko kagabi kaya't hindi ko na napansin pa ang kanyang tawag. For sure, she just wants to end this sister quarrel thing. After all, I have to apologize to her because I accused her. 

Sa kusina ay bumungad sa akin si mommy at daddy na masayang nag-uusap. Muli ay nakaramdam ako ng panibagong kaba sa dibdib ko. Kailan nga ba mawawala ang mga bumabagabag sa akin? Kailan nga ba ako magiging malaya sa sarili kong nararamdaman? 

Bago ako tuluyang nagpakita sa kanila ay huminga muna ako ng malalim. Diretso akong nagtungo sa pwesto ni dad para hagkan siya pagkatapos ay kay mommy. 

Naramdaman ko ang mainit na pagyakap sa akin ni mommy habang ako naman ay hindi mapakali dahil ano mang oras ay maari niyang banggitin iyon kay dad. Nang kumalas ako sa pagkakayakap niya ay hinawakan niya ang magkabila kong pisngi atsaka ngumiti sa akin. 

With that, I breathe a sigh of relief. Ngumiti ako pabalik sa kanya. "Go, honey. Take your seat." 

"So how's school?" pagsisimula ni dad. Tumunghay pa ako para tingnan si mommy. Ngumiti siya sa akin. Kung nung mga nakaraang araw ay batid kong malamig ang pakikitungo niya, ngayon ay hindi na. Because this time, I know she's taking my side. 

Yes, it took almost a week but I know it's worth the wait. Gone is the agony when I saw her smiled at me. 

Muli kong ibinalik ang tingin ko kay dad. "Okay lang po. Not less than a month ay examination week na namin. Tapos ay preparations for prom." Tugon ko. 

"Anak, wala kami sa mga panahon na 'yan. Are you sure you can handle things on your own?" nahimigan ko ang pag-aalala sa boses ni mommy. 

Malapad akong napangiti nang marinig iyon. Napagtanto ko na malaki ang posibilidad na mananatili ako sa Pilipinas. Kaya ko naman, e. At kakayanin ko para lang makasama si Clay. I know it's unfair. 'Yung unahin ang sarili kong kasiyahan kaysa makasama ang mga magulang ko. It's now or never, because not everyone deserves a second chance. At ayokong ipagsapalaran ang pagkakataon na mangyari kaming dalawa. 

Hello GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon