Chapter 14

11.4K 303 33
                                    

PURSUE HIM

Ang kaninang mahigpit na hawak niya sa braso ko, ngayon ay unti-unting kumakalas. Ang kamao niyang nakakuyom kanina ay dahan-dahan niyang inilalagay sa kanyang bulsa. 

Nag-angat ako ng tingin sa kanya. Nakita kong tumingala siya at mariing pumikit. Ano'ng iniisip mo, Clay? Ano ang nararamdaman mo? Gusto kong malaman. Kahit na masaktan ako ng paulit-ulit ay gusto ko pa din malaman. 

Ibinaba niya ang tingin niya sa akin. Nakita ko kung paano nag-igting ang kanyang panga. Nagpakawala siya ng malalim na hininga atsaka nag-iwas ng tingin. 

I can't stand right in front of him and see him running out of words. Tulad ko ay alam kong nangangapa din sya ng tamang salita. Ilang minuto din kaming ganoon ang lagay. 

Nakatunghay ako sa kanya at naghihintay ng kung ano man ang nais niyang sabihin. Habang siya naman ay tila nag-iisip at nangangapa ng mga salita. 

Come on, Clay. You will not chase me here for nothing. Alam kong gusto mo lang pagaanin ang loob ko. 

Muli kong kinagat ang labi ko. Kahit isang salita ay hindi niya magawang ibigay sa akin? Pero bakit nga ba ako naghihintay ng paliwanag galing sa kanya? You're silly, Lisette. You are just nothing so stop waiting in vain. 

Umatras ako ng isang hakbang. Gusto ko na lang mawala sa harapan niya. Pumihit ako para talikuran siya. Bago ko pa man maihakbang ang mga paa ko paalis doon, ay narinig ko na siyang nagsalita. 

"I'm sorry." Naibulalas ng bibig niya. "That was just nothing." 

Damn that word "sorry". Pagkasabi niya ay tamad ko siyang hinarap ulit. 

"Hindi mo kailangang humingi ng paumanhin, Clay." Matapang kong tugon. "Wala namang tayo, hindi ba?" dugtong ko. 

Ang marinig ang mga salitang iyon galing sa sarili kong bibig? Masakit. Dahil alam ko mismo sa sarili ko kung saan ako dapat na lumugar. 

Malamig ang ekspresyon ng mga mata niyang nakatingin sa akin. "Yeah. Walang tayo. Dapat ay hindi ka nasasaktan ng ganyan." Walang paliguy-ligoy na sinabi niya. 

Napanganga ako. Mas masakit pa lang marinig sa kanya ang mga salitang iyon. Parang gusto ko na lang na lamunin ako ng lupa ngayon. 

Naramdaman ko ang kirot sa kalooban ko. Wala na ba akong karapatan na masaktan? Walang kami pero hindi ibig sabihin nun ay hindi na ako maaring masaktan. 

Pinilit kong ngumiti sa harapan niya. Kahit na unti-unti nang namumuo ang tubig sa gilid ng mga mata ko. Damn, Clay! You are giving me hard time again. 

And now, I'm running out of words. 

Mabilis ko siyang tinalikuran. Dumadami na ang mga estudyante sa locker's area. Sana lang ay walang nakarinig o nakakita sa kung ano man ang nangyari kanina. 

Tumungo ako sa locker ko para kunin ang mga libro na gagamitin ko para sa mga natitirang subjects namin ngayong araw. Wala sa sarili na dinampot ko ang lahat ng iyon. Tumingin ako sa paligid at nakitang wala na si Clay sa kinatatayuan niya kanina. 

Ano ang inaasahan ko? Na pagkatapos niyang sabihin ang mga iyon sa harapan ko ay hihintayin pa niya ako? Na madadatnan ko pa din siyang nakatayo doon para hintayin ako? At para mag-sorry ulit? 

Dream on, Lisette! Dream on! 

Tiningnan ko ang aking relo sa aking pulso. May ilang minuto pa para magsimula ang susunod na klase. Mabilis akong naglakad patungo sa room namin. Ngunit mabagal kong tinahak ang hagdanan pataas. 

Imagining Clay inside the room, smiling to his friends he used to talk to, I suddenly feel uncomfortable. Ano na lang ang mukhang ihaharap ko sa kanya ngayon? Pagkatapos niyang ipamukha sa akin na wala akong karapatan na masaktan dahil sa kanya ay hindi ko na alam. 

Hello GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon