CHAPTER 9

6K 152 12
                                    


It’s been 4 days simula ng dumating kami dito sa rest house ni Clyde. Tulad ng sinabi ni Manang hindi muna namin inisip ang hinaharap.

“Babe!” dinig kong tawag ni Alex sa akin. Kasama ko ngayon si Manang, nagaayos kami ng mga halaman dito. Masaya palang gawin ito, nakaka presko ng utak.
Hinanap ko kung nasaan ito, pero hindi ko makita. Tsk, pinagtitripan na naman ako. Ibinalik ko na lang ang atensyon ko sa ginagawa ko, nang tawagin ako ulit.
“Babe!”
“Alex! Hindi ako nakikipag biruan sa’yo! Lumabas ka na nga diyan psh.”
“Nakakatuwa kayo tingnan, bagay na bagay kayo, sayang at magkapatid lang kayo,” si manang.
Napabuntong hininga na lamang ako at hindi na pinansin ang sinabi ni Manang.
“Sa may puno tingin ka!”
Kagaya ng sinabi niya ay tumingin ako sa puno na malapit sa pwesto namin at doon ko nakita si Alex na nakaupo na abot tenga ang ngiti. Tumalon ito at naglakad papunta sa direksyon namin.
“Here.”
“Bakit may ganyan?” I asked. May hawak kasi itong mga Roses at iniaabot niya sa akin ngayon. Tinanggap ko ang bulaklak at inamoy. Ang bango naman..
“Flowers for my soon to be wife,” he said and winked at me.
My cheeks turned into red, so I looked away. Nakakahiya kay manang nakita pa niya akong kinikilig.
“Loko ka talaga! Baka magalit si Manang, kinuha mo mga bulaklak niya.”
“Nagpaalam na ako sa kanya. Hindi ba manang?”
Tinigil sandali ni Manang ang ginagawa niya sabay harap sa amin na nakangiti.
“Sabi kasi ni Alex ay hindi ka pa raw niya nabibigyan ng bulaklak simula ng naging kayo, kaya pinayagan ko siyang kuhanin ang mga Rosas na inaalagaan ko.”
“Nakakahiya naman manang..”
“Ano ka ba okay lang ‘yon, ang mahalaga ay makita ko kayong masaya.”
“Thank you Manang,” saad ko at niyakap ito na agad din niyang ginantihan.
Ang sarap sa pakiramdam na may taong sumusuporta sa relasyon n’yo. Hindi namin kailangan magpanggap.
“Oo nga pala iho, ang sabi sa akin ni Sir Clyde ay pupunta siya dito para bisitahin kayo.”
“Ganun po ba? Sige po salamat manang.”
“Anong gusto n’yo pagkain ? Para ‘yon ang lulutuin ko.”
“Ikaw na po bahala manang- ah manang hiramin ko po muna si Babe ah,” aniya.
Natawa na lamang si Manang bago tumango. Hinila ako ni Alex papalayo. Ano na naman kayang pakana nitong lalaki na ‘to.
“Saan mo ba ako dadalhin?” tanong ko dahil hanggang ngayon ay naglalakad pa rin kami. May kalayuan na rin ito sa bahay.
“Dito,” anito.
Inilibo ko ang paningin ko sa paligid.
“Ang ganda..” tanging nasambit ko.
Mula dito sa pwesto namin ay kitang kita ang malawak na lupain nina Clyde. Wala ka makikita kun’di ang mga iba’t ibang bulaklak na nakatanim. Si manang siguro ang may gawa nito, ang galing niya mag alaga ng mga halaman.
“Bakit mo ako dinala dito?”
“Gusto lang kita masolo ngayon babe..”
Humarap ito sa akin,” I just realized na wala pa pala akong nagagawa sa’yo. Kaya naghanda ako ng ganito,” aniya.
Hindi ko napansin na may round table pala doon, at may mga pagkain na nakahanda. Napaluha na lang ako. A simple date with my man.
“Thank you so much babe…”
“Lahat gagawin ko para sa’yo Akisha..”
Ipinaghila ako nito ng upuan at umupo ako. Ipinaglagay ako ng pagkain sa plato ko.
“Kumain ka ng marami.”
“Ayoko, baka tumaba ako,” I pouted my lips. “Baka ipagpalit mo ako sa iba dahil pangit na ako.”
He chuckled, “I don’t care if you’re fat, mahal kita at hindi magbabago ‘yon. Kumain ka na alam ko napagod ka sa pagtulong kay Manang.”
“Ikaw nagluto nitong lahat?”
He nodded. Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Hindi kasi ito marunong magluto kahit ang simpleng hotdog lang ay nasusunog pa niya.
“I know what you thinking psh. Nagpaturo ako kay Manang.”
Lumawak ang ngiti ko. Siya na ata ang lalaking nakilala ko sobrang mag effort para sa mahal niya.
“Smiling without reason is rude babe.”
Inismiran ko na lamang ito. Masama bang ngumiti? Tsk.
“Masaya lang ako,”

“Because of?”

“Because of this..sa lahat ng effort mo.”
“So, can I get my reward?”

“Alam mo naman wala akong pe-“
Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng bigla niya akong sunggaban ng halik.
“Waahhh! Kainis ka, ang hilig mong magnakaw ng halik.”

RPW ENCOUNTER  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon