FINALE

8.5K 264 64
                                    


Kadadating lang namin dito sa bahay ay kaagad akong hinila ni Alex sa kwarto ko. Hinayaan naman kami ni Mommy dahil may tiwala daw ito sa amin na hindi agad namin gagawin ang bagay na ‘yon.
“Ano bang gagawin natin dito sa kwarto ko?”
Hindi ako nito pinakinggan bagkus ay ini-lock nito ang pinto. Kinabahan akong bigla.
“Babe!”
“Relax Babe wala tayong gagawing iba,” anito kaya nakahinga ako ng maluwag. Thanks Lord hindi tinamaan ng kabastusan ngayon ang boyfriend ko.
Hinila ako nito papunta sa kama ko at hinila pahiga ng kama. Niyakap ako nito ng mahigpit. Tinitigan ko ito,nakapikit na kasi ito. Siguro ay napagod sa byahe. Hinawakan ko ang mukha nito, ang ilong niyang napaka tangos, pilik mata niyang mahaba, tapos ‘yung kilay niyang makapal, napahinto ako ng nasa tapat na ako ng labi niya, nakagat ko ang labi. Bakit parang nate-tempt akong halikan siya? Oh my God self nahahawa  ka na rin sa kamanyakan ng boyfriend mo. Bago ko pa magawa ang iniisip ko ay tumayo na ako pero biglang hinawakan ni Alex ang kamay ko kaya ang ending napapunta ako sa ibabaw nito at niyakap ako ng mahigpit. Nakasubsob na ang mukha ko sa dibdib nito at amoy na amoy ko ang pamango niya na napaka manly ng scents. Pinilit kong umalis sa ibabaw niya pero ang loko may hinihigpitan amp.

“I like this..” he said.
Napanguso na lang ako sa sinabi niya.
“Pakawalan mo na ako Babe..”
“Shh.. diyan ka lang babe.”
“Hindi ako makahi-“
Nagmulat ito ng mata niya kaya napatigil ako. He smiled at me like I did something weird..
“Ano na naman nginingiti mo diyan? May iniisip ka na naman siguro ‘no?”
“Ang ganda ng asawa ko..”saad nito. Napaiwas ako ng tingin. Hinayupak! Kinikilig na naman ako.
“Sigurado ka ba na ako na ang magiging asawa mo in the near future ?” tanong ko dito. Gumalaw ito ng konti kaya, kaya nakaalis na ako sa ibabaw nito. Bumangon na ito at sinamaan ako ng tingin. May sinabi ba akong masama?
“Of course, kahit pa paglayuin tayo ng tadhana I’ll keep chasing you no matter what Babe. Hindi ako papayag na hindi ikaw ang asawa ko. I can see you as my lovely wife in the future not as my girlfriend. Kung ako lang ang masusunod ay papakasalan na kita, pero hindi pa ito ang tamang oras. After 3 years, pagkatapos na pagkatapos ng birthday ko papakasalan na kita okay? ”
Hinalikan ako nito sa noo ko, “I love you Babe..”
“I love you more Kevin..”
“I like it when you call me in that name.”
“So?”
“Call me Kevin instead.”
Kagaya ng sinabi niya ay Kevin na ang itatawag ko dito. Hindi namin namalayan na pareho kaming nakatulog. Nagising lang kami dahil may kumakatok sa pinto.
“Aish! Istorbo,” singhal ni Kevin. Gusto ko matawa sa itsura nito dahil parang ilang araw itong hindi natulog, antok na antok.
“Mga anak! Halina kayo kakain na tayo.”
“Opo Mommy!”tugon ko.
Inalog ko naman ang lalaking katabi ko na tanging ungol lang ang isinasagot.
“Kevin.. gising na.. gabi na.”
Ang haba pala ang tulog namin dalawa dahil 7 pm na ng gabi kami nagising. Patuloy ko pa rin itong ginigising pero ayaw talaga aish!
“Ayaw mo ha!”
“Aray! Wtf?!” daig nito sa sakit dahil kinagat ko ito sa braso. Masamang tinitigan ako nito kaya nag peace sign lang ako.
“Tsk, pagsisisihan mo ang ginawa mo,” pananakot nito. Dinilaan ko lamang ito at iniwan na ito sa kwarto.
Nauna na akong bumaba at nakita ko doon si Mommy na naghahanda na ng pagkain sa lamesa.
“Mommy.”
Nilingon ako nito sabay ngiti ng pagkatamis tamis. God, I missed this sweet smile of her. Kaagad akong lumapit kay Mommy at niyakap ito. Ilang araw kaming hindi nagkasama kaya sobra ko itong na-miss.
“Nasaan na si Alex? Bakit hindi mo kasabay bumaba?” she asked.
“Ayaw pa bumaba Mommy, inaatok pa ata.”
“Ganun ba? Ang batang ‘yon talaga hindi na nagbago, lagi pa rin tamad gumising. Hatidan mo na lang siya sa kwarto ng pagkain, mauna na tayo kumain,”aniya. Umupo ako sa malapit sa tabi ni Mommy. Ipinaglagay  ako nito ng pagkain sa plato ko.
Bigla akong nag crave sa mga pagkain nakita ko. Shit miss ko na ang mga luto ni Mommy. Agad ‘kong tinikman ang pagkain at talagang napakasarap nito. Natigilan ako sa pagsubo ng mapansin kong nakatitig lang si Mommy sa akin at hindi kumakain kaya tinanong ko ito.
“Mo-mommy?” I asked pansin ko din na naluluha ito.
“May problema po ba?” dagdag ko.
Umiling ito, “Napaka swerte ko dahil dumating ka sa buhay namin ng Daddy mo..”
Oo nga pala si Daddy matagal ko na rin hindi nakikita halos 1 month na siyang hindi umuuwi dito sa Pilipinas, sobrang miss ko na siya. Si Daddy kasi ang tipo ng tao na napaka workaholic kahit na may sakit siya ay magta-trabaho siya araw man o gabi.
“Mommy..”
Nag ‘hmm’ lang ito. Gusto ko na rin malinawan, kung paano at saan nila ako nakuha, kung kilala ba nila ang totoo kong mga magulang, kung buhay pa ba sila dahil gusto ko sila makita at mayakap.
“Paano n’yo po ako nakita?”
Huminga ito malalim bago magsalita, nakinig lang ako.
FLASHBACK
Amanda POV
Pauwi na kami ng asawa ko galing trabaho, malakas ang ulan kaya hindi mabilis ang takbo ng kotse. Mahirap na baka maaksidente pa kami.
“Hon? Ilang taon na tayo kasal pero hindi pa tayo nagkakaanak..” sambit ng asawa kong si Felix.
Napangiti na lang ako ng mapait. Mahigit 5 years na kaming kasal ni Felix pero hanggang ngayon ay hindi pa rin kami nabibiyayaan ng supling, napagtingin na kami sa Doctor pero wala naman may deperensya sa aming dalawa, nagawa na namin lahat ng paraan pero until now ay wala pa rin. Konti na lang ay mawawalan na ako ng pag asa. I’m 30 yrs old now while my husband is 35 yrs old.
“Ahhhh!” tili ko dahil biglang nag preno ng malakas ang kotse.
“Hon! What the heck?!” singhal ko.
“I’m sorry Hon, nasaktan ka ba?”
“Not really, bakit ka ba nag preno?”

RPW ENCOUNTER  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon