CHAPTER 11: "EX-tra coincidence"

89 6 0
                                    



Almira Mendez / Mira 


Magkasama kami ni Cheryl ngayon sa isang mall. And no, hindi kami mag-s-shopping. Nandito lamang kami para mag-grocery, inutusan kasi kami ni Yaya Linda.

Kasi nga, poorita na ako ngayon kaya kailangang pagbutihin ang pagiging kasambahay. Hay.

Humiwalay muna sa akin si Cheryl dahil may hinahanap siya na product. May hinahanap din ako na sa wakas ay nahanap ko rin. Iyon nga lang, nasa mataas na parte ito na kung saan ay hindi ko na masyadong maabot. 

Oo na, ako na ang hindi masyadong katangkaran. Hays. Pilit ko pa rin itong inaabot. Nagulat na lang ako nang may biglang nagsalita sa likuran. 


"Tulungan na kita, miss." 

"Ay palaka!" 

"S-sorry, nagulat yata kita," aniya. 


Kasi naman, bigla-bigla siyang nagsalita at nasa likuran ko pa talaga. Kaya sino'ng hindi magugulat? Duh. Na-outbalance tuloy ako ngunit dahil alisto siya ay nasalo niya agad ako. Savior?


Umayos na ako at hinarap siya nang medyo nakayuko pa. "Ikaw rin kasi, ginulat mo ako pero sa.. lamat.." Natulala ako bigla habang nakatitig sa kaniyang gwapong mukha.

He smiled and replied, "No problem, sorry talaga. Ito na o," sabay abot niya ng kinuha ko kanina. "Miss?" nagtatakang tanong niya pa kaya natauhan ako. 


Grabe, muntik na akong napasigaw nang makilala ko siya. S**t, grabeng coincidence naman yata ito? Of all people, why him?! What to do?


"Miss? Okay ka lang? Heto na ang inaabot mo kanina o." 

"H-ha, ah, oo nga pala. T-thank you." Geez, why am I stammering? Grrr. 


Kasi naman, ang lalakeng kaharap ko ngayon ay walang iba kung hindi ang walang hiya kong ex na two-timer. Si Mikael Cruz! Sa dinami-rami ba naman ng tao sa mundo, itong loko pa na ito. Mahihimatay na yata ako rito. OMG.


"S-sige, salamat. Mauna na ako. Bye!" 


Mabilis akong kumilos at itinulak na ang cart. Ngunit nakailang hakbang pa lamang ako nang makahabol siya. Pinigilan niya ako sa kaliwang braso kaya napahinto rin ako at lumingon. 


"B-bakit? May sasabihin ka ba?" tanong ko. Umaalog na ang puso ko sa kaba. Lagot na. 

Ngumiti siya at binitiwan na ako. "Ah, oo. What's your name, miss?" 

Sasabihin ko ba? O hindi? Sasabihin? Hindi. Wait lang, nagtatalo na ang brain cells ko. Fine. "Uhm, I'm Mira," sagot ko sa kaniya habang pilit na ngumingiti.

"Nice to meet you, Mira. I'm Mikael." 

Kilala na kita, loko! Hmp. I gave him a fake smile sabay abot sa kamay niyang nakalahad. "Nice too meet you too, M-mikael." 


Lumawak lalo ang ngiti niya habang ako naman, feeling ko ay kinukuryente ako kaya binitiwan ko agad ang kamay niya. Oo nga pala, hindi niya ako nakikilala ngayon. I'm safe for now.


Bigla namang pumasok sa eksena si Che. "Mira girl! Nandito ka lang pala and oh... May kasama pang pogi," aniya habang nagpapa-cute. Tss. "Hello! Hihi.." 

"Kaibigan mo?" Mikael asked, pertaining to Che.  

Napatango na lamang ako at sumagot, "Oo, magkatrabaho kami. Siya si Cheryl." 

"Yes that's me! Ano'ng name mo, Sir Pogi?" ani Cheryl. Pa-cute talaga ng todo ang bruha. I almost rolled my eyes. Duh. 

"Hello, Cheryl, it's Mikael. Nice to meet you." 

Mira: The Maid PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon