Tsapter Tri

163 2 0
                                    

Jessie's POV

Pagbalik ko ng room ay nakatayo ang guardian angel ko. Bigla niya akong nilapitan, hinawakan niya ang kamay ko at sabay kaming naglakad papunta sa unahan. At bigla siyang nagsalita..

"Jessie, tara na sumama ka sakin at pupunta na tayo sa kalangitan at doon ay magsasama tayo ng maligaya"

Unti unting bumuka ang kanyang pakpak at dahan dahan kaming lumipad.

Charot!

Pagbalik ko ay nasa unahan si Sir dahil tapos na ang recitation. Maliwanag na mula ang mukha ng nga kaklase ko dahil wala ng kaba at hindi na sila parang matatae.

"Mga bata, napakahusay ng inyong ginawa, mukhang mataas ang makukuha niyong marka. Congrats sainyo." Sabay ngiti ni babes, ayan na naman yung pantog ko, Sumasakit na naman. Bakit ba kase napakagwapo ng baby ko?

Nakita kong nagtaas ng kamay ang kaklase kong mukhang clown. Set yung pangalan.

"Sir! tutal nakapagtalumpati na naman kami tungkol saming buhay, pwede bang kayo naman?"

"Oo nga siir! Para Getting to know each other!" Sabi nung bruha kong kaklase. Landi e. Gandang balatan yung mukhang parang mangga. Tss

"Osya sige para maging patas naman sainyo." Nakingiting sabi ni baby ko.

"Yeheeey!" sabay sabay na sigaw naman namin ng mga kaklase ko.

"Sisimulan ko na, hango ang pangalan ko sa pangalan ni Hesus. Emmanuel, at Sarez naman ang aking apelyido. Hindi dapat ako propesor ngayon dahil ang gusto ko talaga ay maging isang piloto, pero dahil mula ako sa maralitang pamilya ay nag guro na lamang ako. At minahal ko ang naging kurso at trabaho ko. Mahilig akong magbasa ng libro at gustong gusto ko ang Hunger Games Series. Shet. Sobrang hanga ko kay Katniss..."

Nanlaki naman yung mata ko, OMG! Pareho kami ng gustong libro ni Sir! Kinikilig akooo. Anlakas ng tibok ng pantog este puso ko.

"Pero syempre hindi naman pwedeng puro Ingles lang ang babasahin ko, masugid na tagahanga ako ni Bob Ong nabasa ko na ang Alamat ng Gubat, McArthur,ABNKKBSNPLK atbp. Hmm. Mahilig ako sa musika, pero wala akong talento pagdating doon. Mahilig din ako sa sisig lalo na yung sobrang anghang. Okay na siguro yun? Madami na kong nasabi. " Sabi ni Sir Em mylabs habang nakangiti.

"Sir pwede magtanong? May Girlfriend po kayo?" Bigla namang nagsalita si Karen. Nanlaki naman ang mata ko. Kinabahan ako bigla, pano kung meron? Wala na kong pag asa kay sir? Joke.

"Sa ngayon, wala pa. Wala pang nagagawang patibukin ng hindi normal ang puso kong pihikan" Sagot naman ni Sir. Sobrang saya ko ng marinig ko yun. May pag-asa pa ako. Hihi.

"O ano ngiti-ngiti ka jan? Asabels ka na no?" Sabi naman sakin ni Karen na nakangiti ng nakakaloko.

"Manahimik ka diyan Kang ha! Wag mong sirain ang moment ko!" Asar na sagot ko na naman sa letse kong kaibigan.

"Uyy si Jesibel umaasa na. Yieee" Isa pa tong si Magda e. Mamaya may pektus sakin tong dalawang to. Hindi ko na lang sila pinansin at tumingin na lang ako sa aking baby.

Laking gulat ko ng nakatingin din pala siya sakin. Nagtama ang mata namin, ang ganda ng mata niya. Ngumiti ako sakanya at nginitian din niya ako. Shet. Kinikilig ako, napahawak ako bigla sa puson ko, naiihi na naman akoo. Owsheyt. 

"Magkakaroon tayo ng reporting, by group yun. At i-gugrup ko na kayo ngayon" Sabi ni Sir Em matapos ang aming umaatikabong titigan. Reporting na naman? Hay nako, sabagay keri ko naman groupings pati. Kaso paglingin ko kay Madge, ayun at namutla na naman! Hahaha Kawawa talaga tong babaeng to.

Ini-announce na ni Sir ang magkakagroup bale 5 groups kame at sa kasamaang palad, magkagroup si Karen at Madge ako lang yung napahiwalay. Huhu

Oh well iisipin ko na lang na chance ko to para mas lalong mag-paimpress kay Sir.

It's Possible. SirTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon