Tsapter Eleben

155 2 0
                                    

Jessie's POV

Hindi ko alam kung nang e-echos lang si Sir o ano. I mean,shet ano yung tanong na yon? Hindi naman sa nag aasume ako per hindi din naman kase ako slow at alam kong may ipinapahiwatig siya e.

Pero, kung may pag-asa ba daw ako na magustuhan siya? Duh! Crush ko nga siya e, pero yung mas malalim dun? Ewan ko lang, oo nag da-daydream akong may "something" samin. Pero yung magiging tunay? I don't think so, sabi ko nga hanggang crush lang ako.

Naramdaman ko namang nagvibrate ang phone ko.

From: Sir Em Myloves
Good Night Jessie. Kitakits sa alternate reality. :)

Hindi ko alam kung kikiligin ako o maiinis. Feeling ko kase ang landi landi ni Sir! Charot. Kiligmats syempre ako. At uhh, alternate reality? Watdahek?!

To: Sir Em Myloves
GoodNight din Emman! Uhmm. Anong alternate reality?

Oo na ako na ang walang alam, e malay ko ba kase sa ganon. Katulad ba yung imagination ni Spongebob sa loob ng kahon?

From: Sir Em Myloves
Panaginip. Sabi nila pag pinagsama sama ang panahon na ginugugol natin sa pananaginip. Pwede na itong ituring na alternate reality. :)

Oh. So yun pala yun? Edi sana sinabi niya na lang na 'See you sa Dreamland!' dami pang alam e. Etch!

To: Sir Em Myloves
Ah. Ganon po ba yun? Hihi. Sige GoodNight po.

Reply ko na lang sakanya. At aba! Ambilis magreply!

From: Sir Em Myloves
Ok. Goodnight. And I'm looking forward to the possibilities. :)

Ayan na naman yung possibilities nyang yan! Hindi ko na lang siya nireplyan at nag ayos na ko para matulog.

=============================

Mabuti na lang at hindi namin imemeet si Sir ngayon. Hindi ko kase alam kung pano siya haharapin. Hindi naman ako pumanget or what, wala nakakahiya lang.

"Hoy Jessie, tulala ka jan?" tanong sakin ni Madge

"Ha? Ah wala,iniisip ko lang kung gaano kadaming tubig ang naiinom ng langgam" sagot ko na lang.

"Ano? Wait, may problema ka ba at kung ano anong kagagahan yang naiisip mo?" tanong ulit ni Madge

"W-wala ah! Sa ganda kong to? Wala akong kelangan problemahin" sagot ko sa kanya habang nakatingin sa sahig.

"Pagiging GGSS lang ang problena niyan." Sabat ni Karen samin.

"Heh! Magtigil ka! Di ka namin kinakausap diyan!" singhal ko sakanya.

"Hindi ikaw ang kausap ko, si Madge! Ikaw ang magtigil jan, feeler!" Sagot niya. Hayaan na nga lang, hay. Iniisip ko kung ishashare ko yung nangyare kagabi. Wag na muna siguro.

"Kung ano man yang iniisip mo, try mo ishare ha? Baka makatulong kame or what. Kaibigan mo kame kahit ganyan ka. HAHAHA" Sabi ni Madge at hindi ko alam kung concern ba talaga sila sakin.

Dumating na yung prof.namin sa Logic, mukhang tulog time na naman ako nito. Ang boring kase, ganto na nga yung subject tapos hindi pa siya magaling magturo. Hay

"Okay class, para naman hindi kayo mabored ngayong umaga, magbibigay ako ng Logic Questions!" anunsyo ni Sir, sabagay ok na din to kesa naman magturo siya.

"Sir may premyo ba yan?" tanong ni Karen, interesado ang gaga.

"Oo, may 1up kayo para sa midterm!"

It's Possible. SirTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon