Tsapter Sebentin

99 2 0
                                    

Jessie's POV

"Oh ansabe mo kay Sir? Sinabi mo na bang ayaw mo?" tanong ni Karen, nandito kami ngayon sa 711.

"Ayaw saan?" takang tanong ko.

"Ayaw mo magpaligaw!"

"Huh? Bakit ko naman ayaw?"

"Anong bakit ayaw? Gaga! Ikaw ang may sabi na ayaw mo di ba?!" nausok na ang ilong ni Karen

"Sinabi ko yon?"

"Bahala ka sa buhay mo! Bwisit to" at ayun, badtrip na siya. Haha

"Uy te joke lang yun, ikaw naman pikon. Pumayag na ko talaga, kase nga di ba napag isip isip ko din. Tapos sabi ni Madge pwede ko naman bastedin si Sir kung ayaw ko talaga." mahabang paliwanag ko habang nainom ng slurpee.

"Ganon? Kasalanan mo pala Madge e, may basted basted ka pang nalalaman"

"Bakit ako? E pwede naman talaga yun" dipensa ni Madge.

"Alam mo Nay Karen, hayaan mo na ko sa desisyon ko, ok? Que sara sara"

"Anong sara sara pinagsasabi mo?" karen

"Huh? Di ba yun yung kanta?"

"Gaga! Que Sera Sera yun! Sara sara ka dyan! Ano yun pinto?! HAHAHA "

"Heh! Nagkamali lang ako e, naririnig ko lang naman yun sa radyo, kung makatawa ka naman!"

"Eh shunga ka kase e! Hahaha" sabi ni Madge na nakikitawa na din.

"Pero seryoso, sige suportahan ka namin ni Madge sa gusto mo, basta wag pagsasamantalahan ni Sir ang kahinaan mo e" nakangiting sabi ni Karen

"Anong kahinaan?" tanong ko.

"Mahina, marupok, nadadarang sa tukso" natatawang sabi ni Madge.

"Mga bwiset talaga kayo! Wala na kayong sinabing matino!" letse bakit ba naging kaibigan ko tong dalawang to?

"Suus, love mo naman kame e"

"Sinong may sabe?"

"Ako! Duh" sabay irap ni Karen sakin. Attitude talaga.

"Aww. Pakiss nga! Love ko naman kayo!" sabi ko sabay nguso kay Karen.

"Eww! Kadiri ka!" sabi naman ni Karen habang nalayo sakin

"Ang arte ha, kala mo naman kung sinong pretty. Yaks" nagpatuloy lang kami sa pag-aasaran at pagkukwentuhan, paisa isa ang bili namin ng food para di kami palayasin dito.

"Ate may nagpapabigay po" sabi ng isang estudyante at may ibinigay saking take it 4fingers. Naks.

"Kanino galing?" tanong ni Madge.

"Secret daw po walang clue"

"Ayy. Pa-mysterious epek pa"

Luminga linga naman ako sa paligid, at ayun nakita ko si Sir na nakatayo sa labas ng isang tindahan habang nakain din ng take it.

"Salamat ha, pakisabi dun sa nagbigay sa susunod ferrero na ha" tumango naman yung estudyante at lumabas na.

"Hoy alam mo ba kung kanino yan nanggaling? Baka nay gayuma ekek yan ha" suspetya ni Nanay

"Don't worry. Alam ko kung kanino"

"Talaga?! Kanino?" excited na tanong ni Madge.

"Kay Sir"

"Ayiiiiiiiieeeeeee!" sabay nilang tili habang tinutusok tusok ang tagiliran ko.

"Naks, buti pa kayo kinllilig! Letse wag nga kayong mangiliti!" bulyaw ko sa kanila.

"Nekeke-keleg keye" madge

"Oo nga, bat di ka kinikilig? Tanong naman ni Karen

"Eh hindi naman ako mahilig sa Take It e. Gusto ko Ferrero o kaya Toblerone na white"

"Ay si ati, choosy pa. Kala mo naman maganda."

"Excuse me Karendirya, maganda kaya ako, kita mo nga't deds na deds sakin si Sir" taas noo kong sagot.

"Ang humble mo naman pala, ikaw kaya ang i-deds ko ano?"

"Bakit ba ang taray mo Karen, ha?"

"Wala trip lang"

"Sus, sabihin mo bitter ka lang kasi si Jeng may lablayp na ikaw yung libro pa din ang lablayp mo. Hahahaha" sabat ni Madge at ayun pinanlisikan siya ng mata ni Karen.

"Hahaha. Oo nga, sa sobrang taray mo wala nang magkagusto sayo. Hanap ka ng jojowain. Malapit na ang valentines." panggagatong ko pa.

"Heh! Tigil tigilan niyo nga ako! Hindi ako bitter no, konserbatib lang talaga ako" pagdedepensa naman ni Karen.

"Asus, konserbatib ka dyan, nabasa mo na nga ang 50 Shades of Grey e"

"So what? Ang gwapo kaya ni Christian Grey"

"Kitams, asan konserbatib dun?"

"Tse! Basta konsarbatib ako!"

"K"

"Ate ate, sayo daw po" sabi sakin ng isa ulit estudyante at inabutan ako ng Ferrero Rocher

"Ayun naman pala, bibigyan ka naman pala ng ferrero e" karen

"Pano naman nalaman ni Sir na gusto mo yan?" madge

"Yun nga din iniisip ko e, baka may hidden camera dito tas naririnig niya tayo. OmyG!" Karen OA

"Hidden Camera pinagsasabi mo? Gaga sinabi ko dun sa nag abot na sabihin e Ferrero na sa susunod. Masunurin naman pala si Sir" Nakangising sagot ko

"OEmGi. Pineperahan mo lang ba si Sir?" tanong sakin ni Madge

"Tse! Hindi noh, choice niya na gawin to, infairness ha kinilig ako. Effort din e." sabi ko na medyo kinikilig

"Edi buti kung ganon, atleast di sayang ang ginastos ni Sir"

"Heh! Ewan ko sainyo. Tara na sa skul, baka mamaya peppero naman yung ibigay e."Aya ko sakanila sabay tayo.

It's Possible. SirTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon