Wala sa sarili kong naibato sa kaharap kong pader ang aking cellphone.
Shit!
Nakalabas ba ng asylum si Popoy?
Napukaw na naman ang aking atensyon dahil tumunog ang aking cellphone. Pero hinayaan ko yun. Hindi ako nag-abalang tumayo para sagutin ang tawag. Ilang minuto ang lumipas, tumigil sa pagtunog ang cellphone ko pero maya-maya ay ayan na naman...
Bumuntong-hininga ako.
Huwag ka maging duwag, Zai. Huwag ngayon...
Tumayo ako at lumapit sa cellphone ko. Dahan-dahan akong yumuko at kinuha iyon. Tiningnan ko ang caller ID at nakita kong si Macoy ang natawag. Agad ko naman itong sinagot.
"Anong kailangan mo?" Tanong ko.
"Sungit naman nito..." Tugon niya sakin.
Umirap ako sa kawalan at nameywang. "Ano ba kasi ang kailangan mo at nambubulabog ka?"
"Tingin ka sa labas ng bintana mo..." Sabi niya.
Tumaas ang kilay ko. "Ano?" Mahina akong tumawa. "At bakit?"
"Just look..." Sabi niya.
Bumuntong-hininga ako muli at sumilip sa labas ng bintana ko. Nagulat ako ng makita ko siya sa baba, sa may tapat ng bahay namin, katabi ng kanyang motorsiklo.
"Anong ginagawa mo dito?" Gulat kong tanong.
Kahit di ko masyadong maaninag ang kanyang mukha, ay ramdam kong nakangisi siya ngayon dahil sa pagkagulat kong nandito siya.
"Baba ka." Malambing niyang pagkakasabi.
"Okay. Bye." Sabi ko at pinutol na ang linya. Bumaba agad ako. Nagpaalam rin ako kay auntie na magpapahangin lang muna ako sa labas habang niluluto niya ang hapunan namin. Pumayag naman siya.
Pagkalabas ko ng bahay ay binuksan ko agad ang gate at bumungad sakin ang isang tao na nakatayo sa harap ko at natatakpan ng isang bouquet of red roses ang kanyang mukha.
Hindi ako nagsalita. Tinanggal niya yun sa kanyang mukha. Mas lalo kong nakita ang mukha ni Macoy. Pinigilan ko ang tawa ko dahil ayoko namang mambastos. Natatawa kasi talaga ako kapag nakikita ko ang get-up na iyan ni Macoy.
"Mga rosas na kay pula... Para lamang sa'yo, sinta..." Sabi niya at binigay sakin ang hawak niyang bouquet.
Nag-alinlangan akong tanggapin iyon dahil hindi ako sanay. Mas sanay ako kay Frank. Ay shet!
"Thank you, Macoy!"
Ngumiti siya. "Basta para sa'yo..." At kumindat pa.
Umiling ako. "Ano ba kasing ginagawa mo dito? May kailangan ka ba? Ano?"
"Wala lang... Gusto ko lang mag-good night..." Sabi niya at kumindat pa.
Aba naman talaga!
"Mag-go-good night ka lang sakin kailangan pa ng roses at pumunta sa bahay ko?" Kunot noo kong tanong.
"Sorry naman, di ba? Gusto ko kasing makita mo effort ko..." Sabi niya at lumapit sakin.
"Effort para saan?" Tanong ko.
Lumapit ulit siya sakin. Sobra naman yata. "Effort para mapansin mo naman ako."
Umiling ako at ginawa na lamang katatawanan ang sinabi niya. Alam kong masakit itong ginagawa ko kaya lamang ay ayokong gawing panakip butas si Macoy. Kaibigan ko siya at mahal ko siya bilang kaibigan. At sa ngayon, hanggang doon lang ang kaya kong ibigay sa kanya.
"Macoy, pansin na pansin naman kita, e. Pansin na pansin kita lagi dahil d'yan sa get-up mo!" Humalakhak ako.
Tiningnan niya ang sarili niya. "Hoy! Uso ito! Palibhasa di mo alam... Palibhasa walang epekto sa'yo kumpara sa ibang mga babae na tinitilian ako dahil sa get-up na 'to!"
Humagikgik ako. Tinitigan niya ako.
"Sana... Mapansin mo 'ko... Hindi bilang isang kaibigan... Kundi, mas higit pa don..."
Napatigil ako sa pagtawa nang makita ang seryosong mukha ni Macoy at tinalikuran na ako.
"Macoy..." Mahinahon kong tawag.
"Pinag-usapan na naman natin 'to, di ba?"
Hindi siya lumingon. Nanatili siyang nakatalikod sakin. Tumango siya bilang tugon sa tanong ko. "Good night, Zaira..." Sabi niya at agad na sumakay sa kanyang motor.
Pinanood ko siyang umalis. Masakit. Masakit para sakin ang makita si Macoy na ganoon. Natural dahil sa kaibigan ko siya. Pero kung papaasahin ko siya, lalo siyang masasaktan...
Bumuntong-hininga ako at aktong papasok na ng biglang may narinig akong kaluskos. Napatigil ako at napalingon.
Nilibot ko ang tingin sa buong paligid. Walang tao. Pero bakit may narinig akong kaluskos?
Napabaling ako sa kabila nang doon naman ako makarinig ng kaluskos. Naningkit ang mga mata ko nang matanaw ko ang isang lalaki na nakatayo, di kalayuan sa aming bahay. Nakayuko siya at derecho ang tingin sakin. Hindi kita ang kanyang mata dahil sa sumbrero na suot niya.
Pero ang ngisi niya, kitang-kita... Ang ngisi niya na parang papatay...
"Zai!" Napatalon ako nang may humawak sakin sa balikat. Akala ko kung sino pero si Denise lang pala.
Tiningnan ko iyong lalaki pero wala na siya doon.
"Sino ba sinisilip mo d'yan, huh?" Tanong ni Denise at sumilip rin.
Hinawi ko siya. "Wala... Tara na..." Sabi ko at inaya na siyang pumasok.
Kinabukasan, agad kong nakita ang text ni Macoy. Isang good morning text. Sweet at malambing ang laman ng kanyang text pero pakiramdam ko'y malamig. Hindi ko siya masisi dahil sa nangyari kagabi.
"Macoy!" Tawag ko sa kanya pagdating ko sa university.
Lumingon siya at ngumiti sakin.
"Macoy..." Tawag ko ulit sa kanya nang makalapit ako.
"Bakit?" Tanong niya.
"Pasensya ka na kagabi..." Sabi ko.
Kumunot ang noo niya. "Anong ginawa mo kagabi? Wala naman, a."
"'Yung sinabi ko... Hindi ko dapat sinabi 'yon kaya lang kasi-"
"Okay lang, Zaira..." Ngumiti ulit siya.
Hinatid ako ni Macoy sa klase ko. Hindi naman raw kasi siya malelate kung gagawin niya iyon kaya pumayag na ako.
"Zaira, mauna na kami, huh?" Tanong sakin ni Keanna, blockmate ko sa subject ko na kakatapos lang.
Tumango ako. "Sige, Keanna."
Umalis na si Keanna. Ako na lang naiwan sa classroom na 'to. Hinahanap ko kasi iyong wallet ko. Hindi ko matandaan kung naiwan ko ba iyon sa bahay o pinahawak ko kay Macoy.
Habang naghahanap ako, laking gulat ko nang biglang mamatay ang ilaw sa classroom. Napatingala ako. Agad naman akong ginapangan ng kaba. Nagmadali na lang ako, kahit na hindi ko nahanap ang wallet ko sa bag, kailangan kong umalis dito.
Lumingon ako at saktong nagbukas ang ilaw sa classroom. Napukaw ng whiteboard sa unahan ang aking atensyon.
'Mamamatay ang dapat na matagal nang patay.'
Yan ang nakasulat. At isang tao ang alam kong may kagagawan nito...
BINABASA MO ANG
Mary (Book 2)
TerrorBook 2 of Mary: Anong gagawin mo kung bumalik bigla ang tao na parte na lamang ng iyong nakaraan? Humihingi ba siya ng kabayaran? O mayroon siyang panibagong kagustuhan? Story by: missprettychinita ©