Case 2

8.6K 285 93
                                    

Naglalakad ako sa hallway. Kakatapos lang ng huli kong subject para sa araw na ito. Itetext ko sana si Macoy na sabay na kaming umuwi kaso bigla kong naalala na hindi nga pala kami magkapareha ng schedule. Mas nauuna ang uwi ko kaysa sa kanya.

Itinabi ko na lang ulit ang cellphone ko sa bag ko at nagpatuloy sa paglalakad. Ayoko pa kasing umuwi, wala pa akong kasama sa bahay, kaya dito na lang muna ako.

"Zaira Valenzuela, right?"

Umangat ang tingin ko. Nakaupo kasi ako sa bench habang binabasa ang sinulat ko kanina sa huli kong subject.

Nanlaki ang mga mata ko nang makita si Sharon. Paano niya ako nakilala? Naisip ko bigla. Sila nga pala ni Frank.

Wait!

Alam niya kayang ex ko ang boyfriend niya? Kung hindi niya alam, dapat ko pa bang ipaalam? Tsss. Hindi na siguro dapat... Ang dapat ay hayaan silang dalawa.

"A-ako nga. B-bakit?" Tanong ko.

Ngumiti siya. Sumulyap siya sa bakanteng pwesto sa tabi ko. Napatingin rin ako dun.

"Pwedeng maki-upo?" Tanong niya.

Tiningnan ko siya. Nakangiti pa din siya sakin. Bakit ba siya nandito? Nasaan ba ang boyfriend niya? Nasaan si Frank? Bakit hindi ito ang kasama niya?

I sighed.

Ano bang pakielam ko?

Tumango ako. Lumapad ang ngiti niya. "Thank you." At mahinhin na naupo sa tabi ko.

Awkward. Hindi ko mapigilang hindi maramdaman ang salitang yan sa pagitan naming dalawa.

"Wala ka nang klase?" Tanong niya.

"Wala na." Sabi ko.

"So..." Pagbabasag niya sa katahimikan. "Ikaw pala si Zaira Valenzuela?"

Tiningnan ko siya. "P-paano mo ako nakilala?"

Ewan ko ba pero may inaasahan akong sagot mula sa kanya. Hay! Bakit ba ako nagiging ganito?

"Tanyag ka dahil sa nakaraan mo. If you know what I mean." Sabi niya.

Napalunok ako. Anong ibig niyang sabihin? Yung samin ni Frank ba? Mas lalo tuloy akong nailang sa pag-uusap namin.

"S-sorry. Hindi ko alam, e." Sabi ko.

Mahinhin siyang tumawa. Ito siguro ang dahilan kung bakit nahulog si Frank, bukod sa kagandahan ni Sharon, ay ang pagiging mahinhin nito.

"Yung nagpaparamdam yung bestfriend mo sayo, that story. Ayoko nang sabihin pa dahil natatakot na ako." Sabi niya at nagpakawala ulit siya ng mahinhin na tawa.

Ngumiti ako kahit na deep inside, bwisit na ako. Natatakot siya sa storya? E bakit siya nakinig dun sa kung sino man ang nagkwento sa kanya?

"Ah. Ako nga yun."

"Tell me... Si Popoy Madrid ba talaga ang pumatay sa mga kaklase mong namatay? God! Bakit niya ginawa yun? Anong balak niya? Well... Kung ano man ang balak niya, isa lang ang nasisiguro ko... Na masama iyon." Daldal niya.

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. May dapat pa ba akong sabihin? Ay ewan!

"Sharon."

Naagaw nun boses na yun ang atensyon namin ni Sharon. Bumuntong-hininga ako nang makitang si Frank 'yun.

Tumayo si Sharon at lumapit kaagad kay Frank. Agad niyang siyang pumulupot kay Frank, niyakap at hinalikan ito.

I feel... pain. Shit!

"Hi, babe." Bati ni Sharon.

Tumingin ako kay Frank. Derecho ang tingin niya sakin. Nagbaba na lang ako ng tingin. Hindi ko kayang makipagtitigan sa kanya. At alam kong alam niya yun.

"Babe, si Zaira... 'Yung kinukuwento ko sa'yo? Grabe!" Tawa ni Sharon.

"Ah, siya ba yun?" Tanong ni Frank. Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin at nakita ko siyang nakangisi. "Sorry... Hindi ko kasi binibigay ang oras ko sa mga walang kwentang bagay..."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.

Putspa siya! Ang kapal ng mukha niya! Walang kwentang bagay? Ako? Gago pala siya e! Para sabihin ko rin sa kanya, wala rin siyang kwentang boyfriend!

Tumayo ako at sinuot na ang bag ko. Tiningnan ko si Sharon na nanlalaki ang mga mata sakin. Tumingin ako kay Frank.

"Aalis na ako." Sabi ko at mabilis na umalis sa eksenang iyon.

Dapat kasi talaga umuwi na ako. Nakakainis! Nakakabuwisit!

"Zaira, nag-overseas call si Zade... Malapit na raw kasi ang iyong birthday, ano raw bang gusto mo?" Tanong ni Auntie nang makauwi ako samin at madatnan ko siyang naghihiwa ng gulay sa kusina.

"Pakisabi na lang po, pag-iisipan ko pa." Sabi ko at umakyat na sa kwarto.

Nagpalit ako at nagbihis ng pambahay. Humiga ako sa kama dahil nakaramdam ako ng pagod. Pumikit ako at hinayaang magpahinga ang sarili nang biglang tumunog ang cellphone ko.

Dumilat ako at tiningnan kung sino ang tumatawag sakin.

Unknown caller.

Nagdadalawang isip pa ako kung sasagutin kaso naisip ko rin na baka importante ito kaya sinagot ko na.

"Hello?" Bungad ko.

Walang sumasagot.

"Sino 'to?" Tanong ko.

"Namiss mo ba ako?"

Nanlaki ang mga mata ko.

"S-sino ba 'to?" Pag-uulit ko saking tanong.

Narinig ko ang mahina niyang tawa. "Hulaan mo." Sabi niya sa nakakatakot na boses at binabaan ako.

Inalis ko sa tainga ko ang aking cellphone at tinitigan maigi ang screen nito. Ilang minuto ang lumipas at nakatanggap naman ako ng text message.

Unknown:

Nahulaan mo na ba? Kung oo, well... Get ready. Dahil sinisiguro ko sa'yo ngayon ang kamatayang dapat noon pa lang ay naranasan mo na.

Napahawak ako sa aking bibig.

Mary (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon