Part 3

26.8K 276 15
                                    

By Michael Juha

fb: Michael Juha Full

----------------------

Para akong natulala sa nangyaring pagsuka niya. Noon ko lang kasi siya nakitang nalasing. Nang hindi na talaga siya kumilos, inalalayan ko siyang tumayo upang ihatid sa kanyang kama. Ngunit wala siyang malay at wala ring lakas.

Inalalayan ko siya patungo sa kanyang kuwarto. Muli na naman siyang sumuka. Muling nabasa ang kanyang damit at pantalon. Hanggang sa tuluyan ko na siyang naihiga sa kama,

Dali-dali kong tinungo ang kusina at nag-init ng tubig upang ipunas sa kanyang katawan. Habang hinintay kong kumulo ang tubig, sinilip ko siya mula sa pintuan ng kanyang kuwarto.

Nakahiga na nakatihaya, napaka-inosenteng tingnan, napaka-guwapo. Noong una kong pagkakita sa kanya, aaminin kong may nadarama akong attraction sa pisikal niyang anyo. Ngunit na turn-off ako sa unang ipinakita niyang asal, dagdagan pa na may girlfriend siya at ayaw niya ang bakla. Isa pa, nagdalamhati pa ang puso ko sa masakit na karanasan sa pag-ibig. Ngunit sa ipinakita niyang pagka-sweet sa akin sa araw na iyon, pakiwari ko ay may isang bahagi ng puso ko na nakiliti niya, napukaw, nakaramdam ng kakaibang saya. Ewan... hindi ko lubos maintindihan ang aking naramdaman.

Naputol ang akin gpagmumuni-muni nang biglang pumito ang takure. Dali-dali kong kinuha ang maliit na palanggana at ibinuhos ang may isang baso ng kumukulong tubig mula sa takure atsaka hinaluan ko iyon ng malamig na tubig. Dinala ko ang palanggana sa loob ng kuwarto ni Ezie at inilatag ito sa ibabaw ng mesa.

Wala pa rin siyang malay. Nakapikit ang kanyang mga mata, ang kanyang ulo ay nakapihit sa kaliwang banda ng higaan, nakaharap sa akin. Ang kanyang dalawang kamay ay nakalatag lang sa magkabilang gilid, ang dulo ng kanyang t-shirt at bahagyang lumantad ang kanyang walang kataba-tabang tyan at ang umusling garter ng kanyang puting brief.

Hinila ko ang dulo ng kanyang t-shirt upang tanggalin ito. Bahagya kong inangat ang kanyang pang-itaas na katawan. Umungol siya ng mahina. At sa pilit kong pag-angat ng kanyang katawan ay tila naki-angat din siya kahit halos wala siyang lakas at nakapikit ang kanyang mga mata.

Nang tuluyan nang natanggal ang kanyang t-shirt, tinanggal ko naman ang butones ng kanyang pantalon. Halos manginginig ang aking buong katawan habang ginawa ko ito. Bakat na bakat ang kanyang pagkalalaki sa suot niyang maong. Nang ibinaba ko na ang zipper, lumantad sa aking paningin ang malaking bukol ng kanyang puting brief. Mahaba at parihis. Halos matuyuan ng laway ang aking lalamunan.

Hinila ko na pababa ang kanyang jeans. Bahagya rin niyang inangat ang kanyang puwetan. Naki-ayon siya.

Sa ganoong postura niya, mas lalo pa akong nabighani. Nakatihaya, hubad ang katawan, brief lang ang suot. Tila may malalakas na puwersa sa aking isip ang naghihilahan. Ang isa ay nagsabing yakapin ko siya, paglaruan ang hubad niyang katawan, hubarin na ang brief at dakmain ang kanyang pagkalalaki, habang ang isang bahagi naman ay may pagbabanta na baka mahulog na naman ang loob ko sa isang lalaki, at muling masaktan.

Kinuha ko ang palanggana sa ibabaw ng mesa at inilagay iyon sa ibabaw ng kama ni Ezie. Binasa ko ang labakara at sinimulan kong punasan ang kanyang noo, mukha, baba, pisngi. Muli siyang umungol at ngumiwi ang kanyang bibig nang makaramdam sa maligamgam na tubig. Hindi siya pumalag.

Itinuloy ko ang pagpunas sa kanyang katawan. Sa leeg, sa dibdib, sa tyan, hanggang pababa ito sa kanyang harapan. Nang naroon na ang aking kamay sa mismong umbok ng kanyang pagkalalaki, ramdam ko ang lalong paglakas ng udyok ng aking isip na hubarin ang kanyang brief. Hanggang sa bumigay din ako. Hinila ko ang kanyang brief pababa. At lalo pa akong naturete nang mismong inangat ni Ezie ang kanyang beywang upang mabilis kong matanggal ang kanyang brief!

RoommatesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon