By Michael Juha
fb: Michael Juha Full
----------------------
Isang linggo iyon bago magsimula ang klase, nagpaalam ako kay Ezie na umuwi muna sa probinsya dahil gusto kong tingnan ang bahay ng aking lola. Wala kasing naiwan doon at ang kaibigan ng inay ninang ko rin ang prisinta na siyang titingin-tingin sa bahay. May mailiit na niyogan din na iniwan ang ang lola ko at titingnan ko rin kung puwede nang magpa-copra. Ang target ko ay tatlong araw at tatlong gabi lang ako roon.
Ngunit napaaga ang aking pagbalik dahil kakaunti pa lang ang puwedeng ma-copra na niyog kaya hindi ko na nahintay pa ang pangatlong gabi. Sa totoo lang, sobrang na-miss ko rin si Ezie at nasasabik na akong makita siya.
Bago ako dumeretso ng apartment niya, dumaan muna ako sa isang restaurant na paborito niyang bilhan ng siopao. Bumili ako ng apat na piraso, pasalubong ko sa kanya. Hindi ako nagtext na darating ako. Gusto ko siyang sorpresahin. May sarili naman kasi akong susi. Nang nasa apartment na ako, dahan-dahan kong binuksan ang pinto. Walang tao sa sitting room kaya maingat akong naglakad patungo sa pinto ng kuwarto namin. Dahan-dahan kong binuksan iyon. Ngunit imbes na siya ang masorpresa sa pagdating ko, ako itong na-shock sa aking nakita. Si Ezie hubo't hubad na nakaupo sa kama paharap sa pintuan habang ang babae naman na nakatalikod sa pintuan ay bubo't-hubad din na nakakandong sa kanya at bumabayo. Kitang-kita ko sa mukha ni Ezie na nasarapan siya. Nakapikit ang kanyang mga mata na kagat-kagat pa niya ang kanyang mga labi habang dinig na dinig ko ang magkahalong ingay ng kanilang mga ungol. Nang iminulat ni Ezie ang kanyang mga mata, nakita niya ako na nakasilip sa bahagyang nakabukas na pinto. Nahinto si Ezie sa kanyang ginagawa. Nahinto rin ang babae sa pag-indayog at lumingon sa pintuan. Nang magkasalubgon ng aming mga tingin, dali-dali kong isinara ang pinto at tumalikod at nagtatakbong lumabas ng apartment.
Hindi ko alam kung saan tutungo sa sandaling iyon. Ang alam ko lang ay umiiyak ako habang tumatakbo nang walang direksyon. Damang-dama ko ang sakit na parang tinadtad ang aking puso. Lalo na nang makita ko ang mukha ng babae. Ang ganda niya, at bagay na bagay sila.
Nahinto lang ako nang nakita ko ang simbahan. Pumasok ako sa loob at doon ay umupo sa isang tabi, malayo sa iilang taong nagdasal. Lumuhod ako at ipinalabas ang aking saloobin.
Pagkatapos ko sa loob ng simbahan ay tinungo ko ang tulay sa may likod nito. Ito iyong nagdugtong sa kalsada na hinati ng ilog. Sa mismong tulay ay may foot lane sa gilid at doon ako tumayo, sumandal sa barandilya paharap sa dagat kung saan naman humantong ang ilog. Doon ay pinilit kong aliwin ang aking sarili.
Nasa ganoon akong pagmumuni-muni nang biglang may nag- "uhum!" sa aking likuran.
Nang nilingon ko kung sino, Si Ezie pala. Nakatayo lang sa aking likuran, at tiningnan ako. "N-nasaan ang g-girlfriend mo?" ang tanong ko.
"Umuwi na, hinatid ko sa terminal. Hindi naman talaga iyon natutulog sa apartment. Kahit gabing-gabi na basta may bus pa na masasakyan, uuwi pa rin iyon sa kanila." Ang mahinang sagot niya.
"P-psensya ka na. Hindi ko kasi akalain na naroon kayo sa loob, akala ko ay ikaw lang mag-isa."
"Okay lang iyon." Ang sagot niya. "Ako ang dapat magsorry sa iyo."
"Bakit? Kasi hindi kita natimbrehan na darating siya."
"Wala iyon, ano ka ba. Syempre, girlfriend mo siya at apartment mo iyon. Kaya kahit anong oras, pede siyang pumunta na hindi mo kailangang magpaalam sa akin."
"Oo naman. Pero syempre, bilang roommate, dapat mo ring malaman, di ba?"
Binitiwan ko na lang ang isang hilaw na ngiti. "A-anong sinabi mo sa girlfriend mo tungkol sa akin?"