DAKILANG ASUNGOT NG BUHAY KO

15 0 0
                                    

THERESE'S POV
     Andito ako ngayon sa cafeteria kasalukuyang kumakain ng lunch ng mag-isa. Di na ako nagtataka lage namang ganito simula pa noong una. Na tila ba isa akong nakakahawang sakit dahil halos lahat ng estudyante ay umiiwas kapag andyan na ako. Wari bay laging may pandidiri sa kanilang mga mukha kapag ako'y nakikita. Maliban nalang sa isang asungot na si Dennise. Lagi kasi siyang bigla biglang sumusulpot sa harapan ko lalo na paglunch dahil daw wala masyadong tao sa cafeteria.

"Hoy! Dugyutin!", tawag sa akin ng isang tao. Andito na naman tong asungot na to. At bilang pagtugon ay tinaas ko ang aking ulo at timingin sa kanyang direksyon. "Ulam oh. Kung di gulay na monggo kinakain mo eh yang gulay na ginataan. Ang healthy mo na nyan. Ayan kainin mo yang adobo na manok, kumain ka din ng karne minsan. ", sabay nginitian ako ng bahagya. "Alam mo bang paborito ko yang adobong manok pero mas pinili kong ibigay sayo! Kaya magpasalamat ka naman.", pangungunsensya niya sakin.

"Salamat.", mahina kong sagot pero sapat na para marining nya.

Si Dennise ay masyadong misteryosong tao. Ang tanging background information lang na nalaman ko sa kanya ay ang birthday nya. Dahil sinabi niya sakin. Pinilit nya pa akong magbigay ng regalo sa birthday niya dahil magkaibigan naman daw kami tapos punta daw ako sa bahay nila. Dennise was the kind of person na pagkakatiwalaan mo na parang hindi. Kasi she has that inosent face, pero basi nga sa nalalaman ko sa kanya walang masyadong info. Di mo malalaman kung matinong tao ba talaga to. Pero halata naman sa pananamit niya na mayaman sila. Ang ipinagtataka ko lang din sa kanya di siya mahilig makipagkaibigan. Lalo na sa mga estudyanting mayayaman. Halos naman sa estudyanting narito ay mayayaman. Nabibilang lang naman yong mga kagaya kung mahirap. Maswerte nga ako at naipasa ko yong full scholarship kaya nakapasok ako sa school na to.

    Kalaunan ay parang naging parte na ng araw ko ang pangaabala sakin ni Dennise sa cafeteria kapag lunch time gustong gusto nya daw kasi yong katahimikan ng cafeteria kapag andon ako. Hindi ko alam kung pangiinsulto ba yon o compliment. Ilang buwan ding laging ganun ang scenario kapag lunch time ko lagi akong binibigyan ng ulam ni Dennise. At sa bawat araw na lumilipas ay mas nakikilala ko ang isang Dennise. At unti unti kong napagtanto na may kabutihan naman pala tong asungot na to. Minsan nya na kasi ako sinama sa isa sa charity event nya. Oh diba sabi na eh mayaman talaga to. Andami kasing mga sector kung saan nagdodonate siya for charity. She's been managing a business pero di niya sinabi sakin kung ano yon. Saka na daw. We been so close lately. Na halos di ko mapagtanto na umabot ako sa puntong ito. I've never been so expressive and so open for someone. Sa akin lahat ay bago to. I've even got to meet her family. I really just can't imagine na ganun din ako kawelcome sa kanila. Tila ba antagal ko na silang kilala at ang tagal na nila akong kilala. Para bang ang bilis lang ng panahon at biglang nagbago ang ikot ng mundo ko. Pero isang umaga ay bigla akong ginising ng sunod sunod na ingay ng aking smart phone. Bahagya kong inabot ang phone at sinagot ang tawag ng di nalaman kung sino ang tumatawag. "Hello....", sagot ko sa tumatawag. "Hello Therese,si tita Ann mo to si Dennise kasi...", tugon ng tao sa kabilang linya na siyang nagpagising sa katauhan ko. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. At agad agad na tumayo sa hinihigaan ko at nagbihis ng damit. Tarantang taranta pa ako sa puntong iyon na halos madulas pa ako sa hagdan ng pababa na ako. Pagkalabas ko ng bahay namin ay agad agad akong tumakbo ng mabilis. Kalaunan ay napagtanto kung malayo pala yong sa kanila ni Dennise kaya taranta akong pumara ng jeep. Nakaligtaan kong tingnan kung saan yong ruta ng jeep na sinakyan ko. Napagtanto ko lang na sa kabilang daan pala ito dadaan at hindi don papunta sa subdivision nina Dennise. Tarantang pumara ako sa sasakyan at kumaripas ng takbo papunta sa subdivision nina Dennise nakalimutan ko na din atang magbayad sa jeep. Sa wakas ay nakarating na din ako sa bahay nina Dennise. Hinihingal kong pinindot ang doorbell nila at saka ko lang naisip na may sasakyang di tadyak palang masasakyan papunta dito sa subdivision nila. Hayssss... Ilang beses ko ding pinindot ang doorbell pero nagtaka ako na wala man lang nagbukas. Eh madami naman silang kasambahay dito. Bigla nalang akong napapitlag ng may ali na tumusok sa gilid ko. "Oy! Iha walang tao diyan sa bahay na yan matagal na, mga sampong taon na din ang lumipas simula nong nagabroad ang pamilyang may ari niyan." sabi nong matandang babae. Agad bumalik ang atensyon ko sa bahay napagtanto kong hindi pala ito ang bahay nina Dennise. Nako naman Therese. "Ah eh ano kasi lola ah. Oo yon nga po akala ko kasi andito na sila ni tita.", tugon ko sa matanda habang nagpapanggap na kamaganak ko ang may ari ng bahay na to kasi nakakahiya naman kasi talaga na malaman niyang nagkamali pala ako ng bahay na napuntahan dahil sa katangahan ko. "Ining wag ka din sana makalimot magsuot ng bra paglumalabas alam mo naman sa panahon ngayon. Biniyayaan ka pa naman. Tsaka uso na din ba yan ngayon na baliktad yong pagsuot ng tsinelas?", natatawang tugon ng matanda at umalis na habang nagpipigil ng tawa. Bigla naman akong nagising ng mapagtanto ko ang katangahang ginawa ko. Sa puntong iyon hiniling ko na sana lamunin na lang ako ng lupa. Kasi naman eh. Hayssss pano ba yan. Pupunta pa ba ako sa bahay nina Dennise. Ay oo nga si Dennise, agad naman akong kumaripas ng takbo ng mapagtanto kong si Dennise nga pala. "San ba yong bahay nila... Ay oo nga pala don yon sa kabilang daan.", agad na tumakbo ako pabalik at pumunta sa kabilang daan. Hayssss finally ito na talaga. Ito na talaga ang bahay nila. Marahan kong pinindot ang doorbell at agad namang may nagbukas na katulong. Tumuloy na ako agad at pinagbuksan ako ng pintuan ng bahay nong kasambahay na si nanay Edang. "Salamat nay." tugon ko ka nanay Edang. "Oh, Therese, bat bigla mo binaba ang phone kanina sasabihin ko pa naman sana na si Dennise isasama ka daw don sa isang charity event nya sa mga batang may cancer. Alam nya kasi na mahilig ka sa mga bata kaya baka daw ba okay sayo. Ako na pinatawag niya kasi may inasikaso pa siya. Babalik lang din yon agad dito. Tsaka mukang di ka nakapaghanda kaya magbihis ka na muna. Mamili ka nalang don sa mga damit ni Dennise don sa kabilang kwarto kasi yon yong di pa niya nagagamit.", mahabang litanya ni tita Ann. Ngayon ko lang napagtanto ganito na pala ako katanga. Hayyysssss... Wag nyo ko tularan guys. Ang OA ko magreact sa puntong iyon.




"Minsan siguraduhin muna natin ang isang bagay bago tayo magtake ng actions."

In A Short PeriodWhere stories live. Discover now