TAMANG CRUSH LANG NAMAN KITA

13 0 0
                                    

CLAIRE'S POV

      Paano ko ngaba to sisimulan? Ah sige ganito nalang. Total lage namang pabungad na tanong ng karamihan sa mga kakilala ko, sa chat man o sa personal yan ay ang mga katagang SINGLE KA PARIN? MALALA NA YAN CLAIRE. Sabay tawang mapangasar. Kung minsan nakakapikon na din talaga pero ano ngabang magagawa ko, kung totoo din naman talaga. Eh paano ba kasi, sa iisang tao lang talaga umiikot ang atensyon at ang mundo ko. Masisisi nyo bang loyal ako. Huh! Palibhasa kasi... Ay Char lang. Ahahahah. Ganito kasi yon, simula ng makilala ko si Dave sa kanya nalang nakatuon ang bawat atensyon at oras ko. Si Dave? Sino siya? Siya lang naman yong nag-iisang taong minahal ko at mahal ko at panigurodong mamahalin ko pa. Ewan tong kabaliwan ko sa kanya di na nabawasan lagi nalang palala ng palala. Siguro nga nagtataka kayo kung bakit masyadong pagmamalabis tong kahibangan ko. Pero wait lang hindi ito isang kahibangan no! Palibhasa kasi di kayo marunong magmahal ng isa lang. Ouppppsss may natamaan. Ahahaha charot lang. Syempre dapat faithful tayo. Pero tama na ngang satsat ganito kasi yan.

     Lunes ng umaga nun busy ang idol nyo kakacheck sa mga emails at messages nya. Wala eh sikat yong idol nyo. Ahahahaha Charot lang Syempre business woman tayo kaya busy sa business. Tapos itong si Dave, ewan sino ba yan. Ahahahah luko lang pero yan si Dave kasi biglang hinarut yong lola nyo, eh itong lola nyo kasi maganda lang to tapos subrang baliw lang din naman to pag dating kay Dave na kahit simplying "Hi" lang naman yon, kala mo anuna. Ganun lang naman yon. Oh masaya na kayo nyan? Kala nyo naman di nakaranas. Yong iba nga dyan malala pa eh. Ay charot lang. Ahahaha Pero seryoso na, seryoso kasi talaga ako sayo Dave. Ay! Ahahahaha.. Balik na nga tayo sa estorya tong si author kasi kung saan saan napunta. So yon nga naghi yong Dave na asungot kala mo naman sinong gwapo kaya ayon nag reply din ako ng "Hi" syempre baka isipin nyang ang strikta naman nito kala mo naman kung sinong maganda lang naman. Ahahaha Wag kayo maganda talaga tong lola nyo. Ahahahaha. So yon nga, yon lang naman yon. AHAHAHAHAHA Kala nyo anuna na no? Wala, wala naman talagang kwenta tong sasabihin ko kasi hanggang dun lang naman talaga pag-uusap namin ni Dave sa chat kasi sineen nya na ako. But that was two years ago. Kaya kayo! sa lahat ng may crush dyan wag na kayo umasa oy. Matitigang lang kayo sa kakaasa sa taong wala namang pakialam sa inyo. Kung ako sa inyo landiin nyo na. Tignan nyo ko ngayon 5 months ng buntis sa junior ni Jake. Sino si Jake? Siya lang naman yong isa sa may crush sakin. Syempre marami naman talagang nagkacrush sa lola nyo eh syempre maganda na kasi matalino pa san ka pa diba? Oh huh! Papalag ka? Wala...single ka kaya wag ka na pumalag. Ahahahahaha Joke lang. Ganun talaga ang buhay. WALA KANG JOWA. AY! AHAHAHAHAHA. So yon nga, I am now happily married with the person whom I choose to love 'til my last breath and isa na din ako sa masasabi nyong masayahing buntis. Kasi apat na buwan nalang at makikita ko na ang panganay namin ni Jake.

     Minsan kasi nababaliwala natin yong taong totoong nagmamahal satin kasi masyado tayong nawili sa paghahabol sa taong mahal natin at umasang mamahalin din tayo pabalik pero hindi naman talaga. Kaya minsan matuto tayong palayain ang sarili sa katutuhanang hindi lahat ng bagay na ipinaglalaban ay maipapanalo. Pero ako, sumuko man akong mahalin si Dave nanalo naman ako. Dahil natuto akong mahalin si Jake na handang mahalin ako ng panghabangbuhay. At sabay pa kaming nangako sa may altar nang 'til death do us part.

Yon lang naman yon. Salamat sa pagbabasa.

"MAY CRUSH KA? LANDIIN MO. GANUN YON!"

In A Short PeriodWhere stories live. Discover now