HE WAS ONCE MINE. BUT HIS A FATHER NOW.

21 0 0
                                    

MIL'S POV

     Ang hirap lang gumising sa bawat umaga na alam kong hindi na ako at may mahal ka ng iba. Hindi ko parin lubos maisip kung bakit bigla nalang nagwakas ang ating kwento na parang ganun lang. Tatlong taon na din ang lumipas mula nong nagpasya kang iwan ako at piliin siya. Ngunit di rin naman kita masisi dahil alam ko naman na kung kaming dalawa ay ikukumpara mas nakakalamang talaga siya sa lahat ng aspito. Subalit di ko lang maiwasang maitanong sa aking sarili, mali ba talagang mahalin ka? Mali ba talagang mahalin ka lang sa paraang alam ko? Mali bang mahal na mahal lang kita? Mali bang hanggang ngayon ikaw parin? Mali ba na di ko na alam kung paano magmahal ng lubos maliban sayo? Mali ba na ikaw parin kahit ilang taon na ang lumipas? Mali nga ba? Kasi kung mali man bakit hanggang ngayon ay pakiramdam ko ito parin ang pinakatama sa lahat kahit subrang sakit na. Kahit subrang sakit na, na makita kang masaya  sa iba.

January 1,2017
 

    Bagong taon noon nagyaya ka na sabay tayong manuod ng firework display don sa isang sikat na mall na malapit sa apartment na tinutuluyan mo. Subrang saya natin nun habang pasimply kitang tinititigan sa bawat pagtawa mo sa corny na mga jokes ko. Ang supportive mo sakin no. Ahahaha nakakatawa lang alalahaning ganun tayo dati. Habang tawa tayo ng tawa sa bawat asaran at kulitan bigla nalang tayong napapitlag dahil may biglang malakas na putokan tayong narinig. Tapos nong mapagtanto nating dalawa na nasa fireworks display pala tayo ay sabay tayong nagtawanan sa munti nating katangahan. Sa subrang aliw natin sa isat isa nakalimutan nating manunuod pala tayo ng fireworks display. Ahahahaha. Nagpasya nalang tayong panuurin nalang muna ang fireworks display kasi yon naman talaga ang sadya natin don. Taimtim tayong nanunuod sa makukulay na fireworks habang magkahawak kamay ng biglang, "Hon payakap.", malambing mong tugon sakin. Nagkunwari pa akong di magpapayakap sayo pero tagumpay mo parin akong naikulong sa mga bisig mo. Ilang oras tayong nanatili sa ganuong posisyon ng biglang hinalikan mo ang aking nuo sabay sabing,"Hon, tuloy na ako sa kumbento." Napahinto ako sa aking narinig maingay naman ang paligid pero bakit tila ba nabibingi ako sa katahimikan nating dalawa. Kumalas ka sa yakap ko sabay tumingin muli sa makukulay na fireworks na ngayo'y di ko na halos maaninag dahil sa namumuong luha sa mga mata ko. "Magpapari na ako hon. Matagal ko ding pinag-isipan to at ngayon ay sigurado na ako. Sana ay maiintindihan mo ako. Alam kong hindi ito magiging madali para sayo. Pero alam kong makakahanap ka pa ng taong mas hihigit pa sakin. Hayaan mo pag magpapakasal na kayo nong taong mamahalin mo may discount kayo don sa simbahan. Ahahaha", pabiro mong tugon sakin habang nakatingin parin sa makukulay na fireworks. Subalit alam kong nagpipigil kalang ding tingnan ako dahil alam kong pinipigilan mo lang din ang sarili mong bawiin ang mga salitang binitiwan mo. Gusto ko sanang sabihing ang sama naman ng biro mo, pero alam kong sa puntong iyon di ka na nagbibiro. Dahil kailan ba naging biro ang magsilbi sa Panginoon. Nanatili akong walang imik maging nong hinatid mo na ako sa sakayan. Di rin naman kita masisi dahil ano bang laban ko sa Diyos diba, ang layo ko kung ikukumpara sa kanya. At alam ko ding bago pa naging tayo sinabi mo na sakin yong plano mong maging pari, umasa lang ako na baka dumating sa punto na baka magbago pa, na baka humarap sa pari kasama ako ang maging plano mo kalaunan. Pero bigo parin ako.

     Hanggang ngayon umaasa parin ako na baka pwede pa ulit tayo. Subalit sa nakikita ko sa mga mata mo ngayon, habang nakatayo ka sa harap ng maraming tao, habang iminumungkahi ang mabuting balita ng Diyos ay nakikita ko ang saya na niminsan di ko nakita nong tayo pa. Tama ka nga siguro, na subrang hirap nga nito sakin pero siguro ay panahon na rin na para palayain kita, nang mapalaya ko na rin ang aking sarili.

"May God be with you and with your spirit too."

In A Short PeriodWhere stories live. Discover now