Req. by: Mawi Janeia Grande
"Gising na umaga na!!!" Sigaw ni mama
"6:30 na Hale bangon na jan!"
"Opo. Gising na"
Ano ba yan! Ang ganda na ng panaginip ko eh.
Naging crush din daw ako ni crush.
Dali dali akong bumangon at bumaba para kumain.
"Nak, maligo ka na at baka malate ka pa"
"Sige po ma"
Naligo ako pagkatapos ko kumain. Pagkatapos naligo ay nagpalit ako agad.
"Ma punta na po ako. Bye" sabi ko sabay halik sa pisngi ni mama.
Pagdating ko sa school. Anak ng pating.
Late ba ako??
Malamang Hale malamang.
"Excuse me sir. I'm sorry. I'm late may I come in?" kinakabahang tanong ko.
"Miss Hale you're fifteen minutes late. Go to Mrs. Kaye for an admission slip. If you got one, then you can attend my class" panghahamon niya sakin.
No choice ako kaya pumunta nalang ako.
First time kong malate kaya kinakabahan ako kay Mrs. Kaye.
Mabait naman siya pero strikto.
Papunta na ako sa room ni ma'am kaye. Pero bigla akong hinila sa CR.
Fudge!! Sino to??
Bumukas ang ilaw.
At bumungad ang mukha ni Wayne sa harap ko.
Teka!!!
"Wayne? Bakit moko hinila? Wag mo sabihing" sabi ko sabay takip sa aking katawan
"It's not you think" sabi niya
"Eh Bakit nga?"
"Tsk. Here" sagot niya sabay bigay sakin ng napkin at jacket niya.
At lumabas na siya ng CR.
Agad akong tumingin sa pwet ko at What the Heck!?
Saka ko lang nalaman na may tagos ako. Pero hindi ako nagulat dahil mas nagulat ako sa nangyari.
Si Wayne ba yun. Yung masungit na suplado na CRUSH ko!! 😳😳😳
BINABASA MO ANG
One Shot Stories (Tagalog) (short stories)
Short StoryTagalog short stories of mine Romance, teen fiction, comedy, horror and etc.