Connor's POV
Naka-higa lang sa kama, nag-mumukmok, ng biglang tumunog ang cellphone ko.
ROBI POGI is calling..
Sim 1Decline | Answer
"Hello, bro? San ka na? Ikaw na lang hinihintay."
"Bakit? Ano meron?"
"Bibisitahin natin si Nicole ngayon. Nakalimutan mo na?"
Binaba ko agad ang tawag. Hinding-hindi ko makakalimutan ang araw na 'to, September 18.
Tinignan ko ang wallpaper ko sa cellphone, Hindi ko na ulit makikita ang ngiti niya.
Nag-ayos na ako para pumunta sa sementeryo, siguro ay masaya siya pag pumupunta ako doon.
Nagmadali na ako'ng lumabas ng bahay, iniwan ko na ang cellphone ko. Ang dala ko lang ay wallet.
Nakarating ako sa meeting place at nakita sila Kyle na nag-uusap, nakita nila agad ako at kumaway. "Uy, bro! Buti nakarating ka!" Sigaw ni Kyle Kaya pinagtinginan siya ng maraming tao.
"Kyle, stop. Nakakahiya, pinagtitinginan ka na oh, OMG!" Reklamo ni Angel at hinila pa-upo si Kyle, "Kaya tumitingin sila kasi gwapo ako." Mahangin na pahayag ni Kyle
"Guys, tara na! Doon na tayo mag-kwentuhan sa sementeryo!" Grace exclaimed at hinila na ako papunta sa sasakyan ni Angel.
"Are you okay, C?" Garce asked using the nickname she gave me when we're together, pero matagal na iyon. "Yes, why wouldn't I be?" Ngumiti ako, so they wouldn't worry. Naka-tingin pa naman silang lahat sakin.
-
"We're here!" Tili ni Angel kaya nagising bigla si Kyle na natutulog sa tabi niya, "My God, Angel! I'm sleeping!"
"Uhm, so?" Inirapan niya ito at lumabas na ng kotse. Tumakbo siya sa isang tombstone na may nakaukit na Nicole Castrojas.
"Hi tita!" Bati ni Robi Kay Tita Nora, nanay ni Nicole.
"Uy, andito rin pala kayo!" Ngumiti si tita Nora kahit halatang kakatapos lang umiyak. Nagkatitigan kami at nag-ngitian. Legal kami ni nicole, kahit hindi ko masyadong ka-close sila tita and tito, they knew how deep our love was.
"It's good to see you, Connor." Niyakap ako ni tita at inimbitang umupo sa tabi niya. We talked about Nicole, had a picnic. Pero kahit nag-sasaya kami, 'di ko pa din ma-kalimutan ang nang-yari.
Napa-lingon ako sa likod, nakita ko si Nicole. Si Nicole? Tumaas ang mga balahibo ko. Pinunasan ko ang aking mga mata, pagka-bukas ulit nito, wala na siya doon. Baka namamalik mata lamang ako. Miss na talaga kita, Nicole.-
"Guys, where should we go?" Tanong ni Angel na nagda-drive ngayon, naka hinto kami dahil nag-stop yung signal. "May suggestion ako." Napa-tingin kami kay Kyle, tumaas baba ang kilay niya.
"May suggestion din ako!" Singit bigla ni Robi na itinulak pa si Kyle, "Aray!" Tili ni Kyle kaya napa-tawa kami ni Angel bigla.
"Hindi ko naman sinasabing parang bakla doon si Kyle pero parang ganon na nga." Pang-aasar ni Angel kay Kyle. "Bakla pero crush mo." Bulong ni Kyle pero halatang pinarinig niya, napa-irap na lamang si Angel.
"Bakit tayo na-punta diyan eh ang layo non sa topic natin?" Sabi ni Grace. "So, saan nga tayo pupunta? Sagot agad." Nagmamadaling sabi ni Angel, bawal na kasi mag U-turn sa dinaraanan namin.
Nang-hampas si Kyle ng malakas bago sabihin ang suggestion niya, "Bar, please!" Halata ang excitement nito sa boses. Naki pag-apir naman si Robi sa kanya, I guess same sila suggestion?
"Ok, sure. Lahat ba sasama?" Tanong ni Angel at kumaliwa, sa Bright Moon ata sila. "No, may kailangan pa akong asikasuhin eh, sorry." Sabi ko. Wala naman akong kailangan gawin, I'm not just in the mood of going to a bar.
Nan-lumo agad naman yung dalawa, "Connor, bakit?! Sabihin mo!" Galit na sabi ni Robi, kumunot pa ang noo nito. Lumingon naman sa akin si Kyle at ang sama ng tingin nito, "Anong sabi mo? Anong no?" Kalmado ngunit halatang galit."Guys, masaya pa rin naman kahit wala ako, next time sasama ako. May kailangan lang talaga akong ayusin." Ngumiti ako sa kanila, napa-buntong hininga naman sila, "Enjoy the night, C." Hinagod ni Grace ang likod ko at tumingin na muli sa labas ng bintana.
Nag-stop si Angel sa harap ng apartment ko, "Connor, sesendan ka na lang namin pics ng chicks." Ngumisi si Kyle kaya na-batukan siya ni Angel. "Aray, pics lang naman eh." nag-pout ito akala niya cute siya, no.
Nagba-bye ako sa kanila at pumasok na sa apartment ko. Tinignan ko ang phone ko at may iba't ibang chats and texts, siguro kinakamusta ako. Tinignan ko yung iba, nag-thank you, pero yung iba di ko na ni-replyan. Kahit maaga pa, inaantok na agad ako. For me, sobrang nakaka-pagod ang day na ito.
Matu-tulog na sana ako ng tumunog ang cellphone ko. Ang bilis naman mag-send ng pictures nila Kyle. Wala naman akong interes sa mga babae, pero baka may importanteng sasabihin eh. Chineck ko pero di nag-text sila Robi or Kyle.Kinilabutan ako ng makita ko ang pangalan na lumabas.
Nics <3 has sent you a message.
Reply | Later
Ano 'to?!
-
Sana magustuhan niyo! If you liked this part, please leave a like and comment, thank you! <3
YOU ARE READING
A Dead Girl's Plea
Mystery / ThrillerPaano kung sa gabi ng anibersayo ng pagkamatay ng girlfriend mo ay makatanggap ka ng text mula sa kanya? Connor Reyes is your typical smart guy. If you look at his grades, mapapa-wow ka na lang. He's attractive and kind, kaya ang tingin ng lahat ng...