2

9 2 0
                                    

Connor's POV:

Naka-upo lamang ako sa kama, nag-iisip. Bakit may ganito?! Sino nag-send nito?!

I felt chills coming up to my spine, hindi ko alam kung bakit pero natatakot ako. Dapat ay matuwa ako na may posibilidad na buhay si Nicole, pero na-kita ko ang katawan ni Nicole sa loob ng  body bag na hawak ng mga mediko. 

Nata-takot akong buksan ang message. What if prank lang 'to? Baka sila Robi lang 'to. Pero, imposible. Hindi ko na talaga alam, andaming tanong na umi-ikot sa utak ko. 

Napag-desisyunan kong i-chat yung dalawa, pero ni-isa walang nag-rereply. Nag-bar nga pala sila, paano na 'to?

I decided to open the text, pero nagda-dalawang isip pa rin. Sure na ba ako, final na ba na io-open ko na? Natatakot talaga ako. Napa-pikit na lang ako sa sakit ng ulo, bakit nangyayri ito?

Without knowing, na-pindot ko ang message at nag-open ito:

   <    Nics <3


Nics:
I need your help, Con. Please.

Tulong? Bakit? Bakit kailangan niya ng tulong ko? Patay na siya, hindi na ako dapat nakaka-tanggap ng text mula sa kanya. Kinikilabutan ako, bakit kailangan may mangyaring ganito?

I decided to text Kyle and Robi, hindi ko kayang mag-desisyon ng mag-isa.

<    POWERPUFF BOYS <3

Connor:

Guys, I need your help.


Robi:
Gege, sunduin ka na namin

Kyle:
Pakipot pa, papa-sundu din pala

Kyle:
Wushu, miss mo kami no?

Connor:
No, not that.

Connor:
Here, I'll send a photo.

Connor:
Sent a photo.

Robi:
Joke ba 'yan? Sabihan mo kami kung tatawa na kami.

Kyle:
Bad joke, tol.

Connor:
Sana nga nagjo-joke lang ako, pero nag-text talaga siya!

Kyle:
We're on our way.

Connor:
Thank you.

Naka-hinga ako ng maluwag, pero yung takot 'di pa din nawa-wala. Bilisan niyo, Kyle and Robi, please.

Robi's POV:

"Do you think its true?" tanong ko kay Kyle, para mawala ang tensiong namumuo sa kotse. Nasa backseat ang dalawang babae, nag-pumilit pa ngang mag-stay sa bar. Sa tingin ba nila iiwan namin sila doon?

"I'm not sure, pero I'm not of horror, so hindi sana totoo." Seryosong sabi nito. Napa-tingin ako sa kanya, minsan lamang ito mag-seryoso, sigurado akong kinakabahan ito. "Whoa, eyes on the road, dude!" Sabi niya, "Sorry."

Nakarating na kami sa bahay ni Connor, ginising ko na yung dalawa para maka-pasok na kami. Tinext na ni Kyle si Connor at agad na bumukas ang pinto, na-kita namin sa Connor, namu-mutla.

"Buti at nakarating kayo," Tumakbo papunta samin si Connor at ni-yakap ako, ako kasi yung nasa harap. "Miss mo agad ako?" Pang-aasar ko, napa-ngiti naman ito at in-aya kami papasok.

Hinarap niya samin ang cellphone, nakita ulit namin ang text ni Nicole, "OMG, sa kanya nga galing!" Tili ni Angel. Napa-kunotnaman ang noo ni Grace, "Legit ba 'to? Alam ko madaming apps na pwedeng gumawa niy--" Na-putol ang sasabihin niya dahil sa sigaw ni Connor.

"It's legit, ok?! Hindi ko naman kayo papa-puntahin rito para lokohin lang kayo! Inspeksyunin niyo pa!" Galit na sabi nito, namumula na rin ang kanyang mga tenga. Napa-yuko na lang si Grace.

Kinuha ko ang phone niya, at nilabas ang akin. Chineck ko ang number nito, "Kay Nicole nga." Sabi ko. "Pero diba ang sabi ng mga police, hindi natagpuan ang cellphone niya?" Ang tanong ko sa mga katabi ko. 

"Oo nga, baka naman prank lang ito ng kung sino man ang naka-kuha ng phone niya." Sabi naman ni Kyle, bakas ang kaba sa mukha ng dalawang babae, kami ni kyle? Sinusubukan maging matapang, pero natatakot na rin ako. 

"Kanina sa sementeryo, I saw her. Doon sa narra tree! Akala ko namalik mata lang ako kaya di ko sinabi sa inyo, but now, I dont think so." Seryosong sabi ni Connor. Napa-tingin ako sa tatlo, at tinitignan nila si Connor na parang baliw na ito. 

"You can stay if you want to, ma-tutulog na ako." Tumayo si Connor at umakyat. Na-halata siguro nito ang iniisip ng tatlo kaya umakyat,"Good night." Sabi ni Grace.

"Stay na tayo?" Tanong ni Kyle sa amin, tumango na lang kami at nag-handa sa pag-tulog.

Connor's POV:

2:00 AM. 2:00 AM na pero 'di pa rin ako maka-tulog. Sino ba ang makaka-tulog kung 'yung patay mong girlfriend ay nag-text sa'yo.
"Argh!" Inis na sigaw ko, kung tulog man sila sa baba, sana di sila magising. Kinuha ko ang cellphone ko at tinignan ito. Should I reply?

To calm myself down, and maka-hinga na rin ng maluwag, I decided to text back. Sana tama ang desisyon ko.

<     Nics <3

Nics:
I need your help, Con. Please.

Connor:

Is this some kind of joke? If it is, please stop.

Inilapag ko ang cellphone ko sa bedside table at umupo. Napa-hilamos na lang ako sa mukha, andami talagang nangyari ngayong araw, i mean kahapon since madaling araw na.

Tumunog ito kaya napa-tingin ako agad. Nag-reply siya!

<    Nics <3

Nics:

No, this is not a prank or a joke. Kailangan ko talaga ng tulong mo.

Connor:
Why?

Nics:                                                                                                                                                                                          Go to Sands Mall tomorrow, 5 PM.

Nics:                                                                                                                                                                                    Make sure na walang naka-sunod sayo, 4th floor cr.

Connor:
Sa tingin mo talaga susundin kita?

Nics:
Ikaw na ang bahala.

Nics:                                                                                                                                                                                    Basta ang alam ko, I reached for help.

Nics:
Good mornight, Con. Please come :)

Napa-tulala na lang ako sa pader. Madami pa akong tinext ngunit 'di na siya nag-reply. Naguguluhan ako, bakit kailangan pang maging ganito?

May narinig na lamang akong boses sa kawalan, "Hindi ka ba masaya na may posibilidad na buhay siya? Anong klaseng boyfriend ka?" May halong pang-aasar ang boses nito, pagka-tapos ay tumawa siya. Pa-lakas ng pa-lakas, tinakpan ko ang mukha ko ng unan at sumigaw ng sumigaw.

Hindi na guma-gana ng maayos ang utak ko, siguro kailangan ko lamang ng tulog.

-

Hope you like it! <3


A Dead Girl's PleaWhere stories live. Discover now