Connor's POV:
Kaunti lang ang tulog ko. Siguro mga 3 hours lang, 6 kasi nagising agad ako. Ang aga pa lang kaya naisipan ko na lang mag-kape. Pagka-baba ko na-abutan ko ang apat sa baba. Yung dalawang babae ay naka-higa sa pull out bed ng sofa, at yung dalawang mokong naman ay magka-yakap sa sahig.
"Ay barbie, sabi ko na." Mahinang sabi ko, pinigilan ko din tumawa at baka magising sila. Dumiretso ako sa kusina at nag-timpla ng kape at nag-luto ng pancakes.
"Sarap naman niyan, wifey." Lumingon ako at na-kita ko si Robi na nag-uunat pa papasok ng kusina, "Gising ka na pala," Sabi ko rito at nag-luto pa ng dalawang pancake para kay Robi.
"Na-gising ako sa amoy eh." Tumawa ito, "Ikaw talaga basta pag-kain, eh 'no." Um-irap ako sa kanya at pinagpa-tuloy ang pagluluto.
"Ako pa ba?" Tumawa ito ng malakas kaya sinaway ko agad siya, "Tanga, baka magising yung mga na-tutulog." Binatukan ko siya at inilapag sa harap ang pancakes.
Kumakain na kami ng bigla siyang mag-salita, "Iniisip mo pa rin yung text?" Tanong niya sa akin. Napa-tingin ako sa kanya at tumango.
"I texted back." Mahinang bulong ko, napa-kunot naman ang noo niya sa sinabi ko. "Nag-reply ba?" Tanong niya, kaya binuksan ko ang cellphone at binigay sa kanya.
Binasa niya ito habang sumusubo pa ng pancake, "My gosh, ang creepy!" Tili niya, na-tawa naman ako sa pag-tili niya kaya bigla siyang nag 'ehem' na may malalim na boses.
"So, sisiputin mo ba mamaya?" Tanong niya na may seryosong boses, "Still can't decided." Pilit kong ngumiti. Ang totyoo niyan, I really want to go. Para malaman kung buhay ba talaga si Nicole, pero ayaw kong sabihin sa kanya. I want to do this alone. Ayoko na silang idamay.
"Hey, can you do me a favor?" I asked him, tumango siya, "Sure, ano 'yon?" Tanong niya habang niligpit ang pinagkainan niya. "'Wag mo munang sabihin sa kanila about sa texts niya." Sabi ko sa kanya, bumuntong hininga siya at tumango.
Niligpit ko na din ang pinagkainan ko at tumayo na. Sabay kami lumabas ni Robi ng maka-salubong namin si Grace at hinila siya papasok ng kusina.
Nag-kibit balikat na lang ako at um-akyat na ng kwarto ko.
Robi' POV:"Aray! Saglit lang, ba't ka ba nanghihila?!" Bulyaw ko dito, napaka-higpit ng hawak niya sakin. Feeling ko magpapasa 'yon, at matutunaw ako dahil sa sama ng tingin niya.
"Ano 'yung pinag-uusapan niyo kanina ni Con, ha?!" Sabi nito, na-gulat ako nung lumaki pa yung mata niya. Mukha siyang pusa sa totoo lang.
"Secret, pwet mo may rocket!" Dumila pa ako para mas lalo siyang ma-asar. Na-gulat ako nung bigla niya akong tinadyakan, "Aray ko naman, Ms. Smith! Napaka-brutal!" Sinamaan ko siya ng tingin at hinawakan ang tuhod kong sinipa niya.
"Sabihin mo na kasi! Please?" Pag-mamakaawa nito, umiling ako at ngumisi, "Inlove ka pa rin 'no?" Kiniliti ko ang kanyang tagiliran kaya sinampal niya ang kamay ko."Heh! Dami mo alam!" Umirap ito at tinulak ako kaya napa-tagilid ako, "Arte talaga, panget!" Bulong ko sa sarili ko.
Dami ka-artehan sa buhay, mas maganda naman ako sa kanya, che! Charot!
Connor's POV:
3:00 pa lang ay nag-ayos na ako, gusto ko maagang pumunta sa meeting place namin ni Nicole, o kung sino man ang nagte-text gamit ang phone ni Nicole.
3:30 ay pa-alis na ako ng bigla akong hilain ni Grace, "Con, na sayo pa ba yung gift ko last year?" Tanong nito sa akin, kaya tumango ako, "Karaoke tayo!" Sabi niya kaya napa-lingon yung tatlong nag-i-in between."Bet ko yan!" Biglang sigaw ni Angel at nagtata-talon sa tuwa, kaya naman hinawakan ni Kyle ang kamay nito para tumigil, "Pero, may pupuntahan kasi ako, kayo na lang." Ngumiti ako at pilit na tinatanggal ang pagkaka-hawak sakin ni Grace.
"Eh, saan ka ba pupunta?" Tanong nito, ginamit pa ang nagpapa-awang mukha. Napa-tingin ako kay Robi at sina-sabi gamit ang mata na tulungan niya ako. Nan-laki ang mga mata niya, nag-mukha siyang koala sa totoo lang.
"May pinapa-bili kasi ako. Masakit kasi yung tuhod ko may sumipa kasi sa akin eh." Tumaas ang kilay niya at tinignan ng masama si Grace, nag-make face naman si Grace at bumaling sakin. Ano kaya nangyari sa dalawang 'to?
"Mamayang 9:00 PM pa naman ang sara ng Sands Mall eh, tsaka malapit lang 'yun dito,m samahan pa kita mamaya. Karaoke na tayo, please?" Nagpa-cute ito at mas hinigpitan ang hawak sa kamay ko.
Napa-buntong hininga ako at tumango, "Sige na, mamaya na ako aalis." Umupo ako sa sofa at nilabas naman nila ang gagamitin sa karaoke.-
Dalawang oras na ang naka-lipas, pa-tuloy pa rin sila sa pag-kanta. Pa-simple kong nilabas ang cellphone at tinext si Robi.
< Robi Pogi
Connor: Boss, help!
Sinipa ko siya ng bahagya at itinuro ang cellphone ko.
< Robi Pogi
Connor: Boss, help!
Robi:
Ano 'yon, ssob?
Connor:
Tulungan mo ko maka-alis.Connor:
5:00 PM usapan namin ni Nicole.
Robi: Sige, sige. Saglit, 'tol.Na-gulat ako ng tumayo bigla si Robi pero napa-upo rin agad, "Ouch! So ouchie!" Kumunot ang noo ko sa pinag-sasabi niya, pinipigilan na rin ang tawa ko.
"Anyare sayo, 'te?" Tanong ni Angel na naka mic pa. "Masakit ang tuhod ko! May pangit kasing mapanakit eh!" Inirapan nito si Grace at bumaling sakin, "My handsome best friend, samahan mo ko sa kusina at kukuha tayo ng milk." Inilahad niya sakin ang kamay niya at kinuha agad ito.
Inalalayan ko siya papuntang kusina at binitawan na siya pag-pasok, "Ay, grabe talaga! Tinulungan ko tas hindi man lang ako i-uupo!" Sabi nito at kumuha ng fresh milk sa fridge.
Tumawa naman ako, "Thank you, Robs!" Ngumiti ako pero natigilan ako ng hawakan niya kamay ko, "Kiss mo muna ako." Pang-aasar nito at nag-pout pa.
Tinampal ko naman ang mukha niya, "Sira ka talaga." At tumawa ako, "Ingat ka ah, mamahalin pa kita." Nag-flying kiss pa 'to habang lumalabas ako ng back door.
Natawa naman ako sa ginawa niya, pero pagka-sakay ko ng tricycle, kinabahan ako bigla.
Andoon pa kaya si Nicole? Si Nicole ba talaga ang makikita ko mamaya? Sana maging maayos naman 'tong araw na 'to. Siguro naman 'di hahayaan ni Lord na 2 days in a row akong masasaktan and madi-dissapoint?
Pagka-dating ko doon sa meeting place namin, napa-tigil ako sa nakita. Totoo ba 'to?
-Sorry kung may typo 'tong chapter and yung ibang chapters huhu.
YOU ARE READING
A Dead Girl's Plea
Mystery / ThrillerPaano kung sa gabi ng anibersayo ng pagkamatay ng girlfriend mo ay makatanggap ka ng text mula sa kanya? Connor Reyes is your typical smart guy. If you look at his grades, mapapa-wow ka na lang. He's attractive and kind, kaya ang tingin ng lahat ng...