Chapter One

3.3K 62 1
                                    

Napabuntung hininga si Samantha habang nag-eempaki ng mga gamit nya. Kung sya lang sana ang masusunod ayaw nyang pumunta sa kasal ng kanyang foster sister. Sa kadahilanang baka malaman or mahalata nito na nagdadalang tao sya. Ngunit mahigpit nitong bilin na kaylangan nyang magtungo sa Manila para um-attend ng kasal nito.
Nagdadalaga na sya noon ng kupkupin sya ng mama ni Cheinna. Mag-isa lang itong anak ng Mama Maricar nila. Dahil dalawa lang sila, kinupkop sya nito ng malaman nito na ulila na sya. Nagwo-working student kasi sya noon sa isang kapitbahay nila Maricar na sobrang masama ang pag-uugali.

Noong malaman ni Mama Maricar nya na minamaltrato sya ng kapitbahay ay agad syang kinuha nito. Wala nman magawa ang amo nyang supladita kasi si Maricar ay nagwo-work sa kanilang Municipal Office sa kanilang lungsod.

Maricar charm her like her own child. And so, Cheinna treated her like her own sister too. She's happy and grateful that she found a good foster family.

Although di nman sya directang in-adopt ni Maricar noon.
Pinag-aral pa rin sya nito sa paaralang pinapasukan ni Cheinna. Hanggang mag-highschool lang ang natapos niya. Kasi nagkasakit ito ng malubha na ikinasawi nito pagkaraan ng maraming buwan.

After mamatay si Maricar ay biglang sumulpot ang tatay ni Cheinna. Na sa simula't sapul ay di nya na meet. Itinago kasi sya ng nanay Maricar nya dahil mayaman ang family ng tatay nito.

May lahing royal blood na muslim ang tatay ni Cheinna. At maraming kapatid sa ama ang dalaga. Iba-iba ang kanilang mga nanay. Dahil duwaya sila ng ama ni Cheinna, which is legal sa mga Muslim. Pwede itong mag-asawa ng kahit ilan hangga't kaya nitong suportahan.

Kinuha si Cheinna ng ama nito at pati sya ay pinasama na rin dito. Doon nya na meet ang panganay na anak ng ama ni Cheinna. Nagkaroon sila ng fling relationship lamang noon. Na humantong sa intimate moment at pagkaraan ng isang buwan ay nag-bunga na nga.

Di nya aakalain na mabubuntis sya kasi gumamit naman sila ng birth control noon. Ngunit sa pangalawang beses na nga lang sila nag-took preventive measure.

Afraid sya to face Steven. Kasi ito ang taong di sya seseryusohin kaylanman. Suplado ito at snob. But di nya alam kung bakit nahulog sya sa charm nito kahit ganoon ang pag-uugali ng lalaki. Dominante ito at bossy.

Napabalikwas syang bigla ng tumunog uli ang kanyang phone. It's Cheinna again, calling her.
Wala syang nagawa kundi sagutin ang tawag nito.

"Hello? "Ang agad nyang sabi ng pindutin ang answer button.

"Tapos ka na bang mag-empaki ng mga gamit mo? "Ang sabi nito sa kanya pagkasabi nya ng hello.Hindi na nga ito nagpaligoy-ligoy pa sa kanya. Direkta na sya nitong tinanong.

"Yes Cheinna. Tapos na lahat."ang sabi nya dito na pilit pinakalma ang kanyang emosyon.

"Good. Wait for my call tomorrow. Someone will go there to bring you here in Manila. "Ang pagtatapos nito sa pag-uusap nilang dalawa.

Alam nyang busy ito kaya di na bago sa kanya kung ilang sanadali lmang itong makipag- usap sa kanya sa tuwing tumatawag ito sa kanya.

Nagtaka sya kungbakit pa sya ipapasundo ni Cheinna. Pwede nmang bumiyahi syang mag-isa lang. At kukunti lang din nman ang kanyang mga dalahin. Kahit may pagtataka sya ay ipinagkibit-balikat nya na lang ang kagustuhan ng kanyang foster sister.

Kinaumagahan, maaga pa lamang ay may kumakatok na sa pintuan ng kanyang apartment. Nainis sya kasi gusto nya pa sanang matulog dahil sa hindi sya masyadong nakapagpahinga noong nakaraang gabi. Di nya mawaglit-waglit sa kanyang isipan na huwag isipin ang sitwasyon. Lalo na at nakatakda silang magkita anumang oras pagkalapag ng kanyang sasakyang eroplano patungong Manila.

Plano nya pa sanang mgbibingi- bingihan ngunit napakakulit ng taong kumakatok sa labas ng kanyang bahay. Kaya nman ay patamad syang tumayo para sinuhin ang nasa kabilang dahon ng pintu. Subalit bago pa man sya makarating sa pintuan ay bigla syang nakaramdam ng pagduruwal.

Takip-takip ng isang kamay ang kanyang bibig na napatakbo syang bigla sa banyo ng kanyang silid at doon napaduwal ng napaduwal. Halos pumuti na ang kanyang mukha sa pagduruwal. Nang mahimasmasan agad nyang inayos ang sarili para harapin ang taong nasa kabilang dahon ng pinto.

Wala sa sariling naglakad sya patungo sa pintuan at agad iyon binuksan. Tila natuka pa sya ng ahas pagkakita ng taong napagbuksan nya.

"What took so long to open this damn door? "Ang galit na wika ng taong matagal ng naghihintay sa labas ng kanyang pintuan.

"S-steven! W-what are you d-doing here? "Ang gulat at nanlalaking mata na sabi nya sa taong ayaw nyang makita ng oras na iyon. Kontodo pa sya sa pagkanda utal-utal sa pagsasalita. Larawan ang higit na pagkabigla sa kanyang mga mata.

"Surprised to see me Samantha? You don't expect to see me here in front of your apartment after two months, right? "Ang nag-uuyam na sabi nito sa kanya habang nariing nakatitig sa namumutla nyang mukha.
Di nya naramdaman na hinawakan na sya nito sa dalawang balikat at tinulak papasok uli ng apartment nya. Saka lamang sya nakapag- react at nagpumiglas mula sa pagkakahawak nito nang mapansin nyang nasa sala na sila ng kanyang bahay. Ngunit hindi man lang sya nakahulagpos sa mga hawak nito.

"Steven, please let me go! "Ang galit nyang asik sa lalaki.

Nararamdaman nya na nman uli ang mainit na pakiramdam nya sa tuwing magkalapit ang kanilang mga katawan. At lalo lamang iyong nagpapadagdag ng kanyang discomfort ng mga sandaling iyon.

"Not until I do this! "Ang sabi nito na pinaharap syang bigla rito at walang babalang inangkin nito ng mariin sa kanyang nakaawang na mga labi.

Dahil di inaasahang gagawin iyon sa kanya ng lalaki. Di nya namamalayang tila nabato- balani na sya sa kanyang kina tata yuan. Ang kanyang mga mata ay nanlalaki sa pagkagulat, di pa isama ang nakaawang nyang mga labi habang sakop-sakop iyon ng lalaki.

Tila ba huminto ang pg-inog ng kanyang mundo ng mga sandaling iyon at ang kanyang dibdib ay kasing-lakas ng tambol kung kumabog.

Taking Chances (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon