"Mahirap tumakas sa tadhana dahil kahit anong gawin mo, may mga bakas kang iniiwan sa bawat hakbang ng mga paa."
--
Louisa's POV
Gulat siguro kayo bakit biglang POV ko 'to.
Well, haler? Hindi makakapag POV agad ang taong mamamatay na sa kilig.
--
Takot na takot akong nagtago sa likod ni Azi dahil chubby naman siya at payat ako, matatago nya ko mula sa nakakatakot na lalaking 'to.
Don't get me wrong, ang gwapo niya girls like, kung 'di lang ganito ang unang pagkikita namin, malamang nilalandi ko na 'to mga bakla!
He is tall, moreno, naka-clean cut, walang bigote o balbas, ang liit ng nose pero taas ng bridge, and damn those luscious lips! Ang kissable ng thick lips niya,
Pero syempre, sa huli ko na naisip yang mga bagay na yan dahil takot na takot talaga ako sa mga titig niya na parang papatay na dahil nga natapon ko milktea nya.
Nagulat ako ng biglang hatakin ni Azi yung kamay nung lalaki sabay lagay ng 200 sa palad saka kinuyom.
Hinatak naman na ko ni Azi para manood na ng movie at eto na nga kami ngayon..
Sa sobrang takot dahil suspense thriller itong movie, hindi kinakaya ng beauty ko ang mga pasulpot-sulpot na anemic na mga multo sa screen,
Kaya ginigilid ko ng sobra ang katawan ko kay Azi saka magtatago sa kanya.
Hindi ko maintindihan kung ano yung sinabi ni kuyang pogi, yung nabangga ko kanina, nung nagigitgit na nga sya ni Azi dahil sa akin.
Hanggang sa...
NAPAYAKAP NA NGA NG TULUYAN SI AZI NUNG INANGAT NI KUYANG POGI YUNG ARM REST!
Di ko na lang talaga alam ano mangyayari kung nakilala ni Azi itong lalaking yakap-yakap nya ngayon.
Malabo kasi mata ni Azi, but still tolerable for her kahit walang salamin as long as wala kami sa school since doon, must have talaga dahil nag-aaral.
Napaupo ako ng ayos at nabalik sa hwisyo lalo nung akbayan ni kuyang pogi si Azi.
Hindi ko alam kung kikiligin o maiinggit pero isa lang nasisiguro ko ngayon..
IHING-IHI NA KO MGA SISMARS!
Bago pa 'ko tuluyang tumayo at hindi na magpaalam pa kay Azi, napansin kong may kung anong sinilid sa bulsa ni Azi si kuyang pogi.
OH MY GOSH, DON'T TELL ME DRUGS 'YUNG NILAGAY NI KUYA SA BULSA NG JACKET NI AZI TAPOS MAKUKULONG SI AZI TAPOS IIYAK SILA TITA TSAKA AKO SYEMPRE, WORST CASE SCENARIO, MATOKHANG PA 'TONG KAIBIGAN KO AMPUTA DI KO KAYA MAWALAN NG BESTFRIEND, I DON'T WANT ANY OF THOSE TO HAPPEN, WHAT THE FUCK?!!
"Ano ba miss, tatayo-tayo ka na lang ba jan kitang nanonood kami?!" Inis na sabi nung nasa likod namin dahil natuod na pala ako sa pwesto ko habang iniisip yung mga bagay na 'yon.
BINABASA MO ANG
That Tropable Girl
Teen FictionWhat else is left to say? The title pretty much tells it all.