"And when you started doubting, that's the right time to stop denying. It definitely sounds ironic, but that's the truth. When you start to doubt, that basically means that something has already changed."
Paulit-ulit na naiisip ko habang naghahanap ng maayos na filler dito sa bookstore habang nakapasak ang isang earphone ko.
Blackpink naman pinapakinggan ko pero bakit yung sinabi ng English teacher ko nung grade 10 ang nagpaulit-ulit sa isip ko?
Adik lang?
Habang napapasayaw akong naglilibot sa mga shelf na mukhang hunghang, may nabangga akong isang tukmol.
"Sorry ha? Sorry talaga. Nakakahiya e, ikaw ata nasktan." Sarcastic na sabi nung lalaking mukhang unggoy sa kapal ng kilay at buhok na nabangga ko.
Pinulot ko naman muna ang mga nahulog nyang bibilhin sabay lagay sa basket na nabitawan nya rin.
Lampa lampa naman kasi nitong nabangga ko. Di naman kalakasan pagkabangga ko pero nabitawan nya talaga lahat.
"Bakit kasi nauna kang magsorry? Adik lang?" Pang-aasar na sabi ko. Marunong naman ako magsorry, e pinangunahan niya ako. Ano pa gagawin ko?
"Wow.. Alam mo, sana hindi ka na lang nagsorry kung ganyan din pala kabaho trip mo."
"Okay." Sabi ko sabay kuha ng natipuhan kong filler saka nilayasan siya.
"Aba't.." Rinig ko pang sambit nya pero masyado siyang walang ganap sa buhay ko para pag-aksayahan ng oras.
--
Pagkabalik ko sa bahay, same old same old.
Magulo, maingay, pero di ko rin matatangging iba sa pakiramdam kapag hindi ito ang madadatnan ko.
Iritable naman akong umakyat para pumunta sa kwarto at magfacebook nang mapansin ng nanay kong laitera akala mo maganda na wala ako sa mood.
"Sarap naman ipitin ng nguso mo? Tikwas na tikwas ha."
Di ko siya pinansin at wala akong lakas makipag-asaran sa kanya kaya agad kong binagsak ang katawan ko sa kama.
Dumapa na ko at ready na makipagbakbakan all night sa phone ko nang biglang..
"AZI!!!!!!!!"
*BLAAAG!*
"Put--???! Ano ba Louisa! Ang sakit ng buto mo!"
Reklamo ko dahil pucha--pano ba naman, bigla bigla akong tinalunan. Kapayat-payat nitong babaeng 'to, ramdam na ramdam ko mga buto nya sa pagbagsak nya sa katawan ko!
"ALAM MO AKO NA NGA LANG PUMAPATONG SAYO, REKLAMO KA PA RIN NANG REKLAMO!" Sabi nya sabay dapa rin sa tabi ko. Alam niyo, masanay na kayo sa ganitong karuruming biruan namin.
"Teka nga, ano ba kasi pinunta mo dito ha? Bakit bigla bigla eksena mo?" Iritable kong tanong sabay log-in sa facebook account ko para lang syempre, magscroll.
"Kasi may good news ako!!" Sabay hila sakin at pinaupo sa tapat niya. Talaga tong impakta na to, ang payat-payat, napakalakas!
"O siya, ano ba yon?"
BINABASA MO ANG
That Tropable Girl
Teen FictionWhat else is left to say? The title pretty much tells it all.