(Chou Tzuyu as Aries)
ARIES' POV
Palabas na ako ng school and I noticed everyone is staring at me, ano pa bang bago? Daig ko pa ang artista sa ganitong eksena.
"Aries watch out!" I heard someone yell behind me kaya napalingon ako.
Wrong move. Natumba ako dahil sa sumalpok papunta sa'kin ang isang basketball na hindi ko alam sa'n nanggaling.
Everyone is shock, obviously. But instead sa magulat ako ay mas nangibabaw ang galit ko.
Dead silence, I felt everyone stopped moving and if I am watching this in a movie? I'll probably laugh at how stupid they all look like, but then this wasn't a movie, this is reality. At sa reality na'to, tinamaan ako ng bola and I believe, dumudugo na ang ilong ko.
Great.
Tumayo ako at tinignan ang bolang gumulong papunta sa labas, tipong tumatakas sa kasalanang ginawa. But then it wasn't its fault, kasalanan 'yun ng tangang may dala-dala nu'n kanina and I'll know who that stupid person is.
Pinunasan ko muna ang ilong ko, damn this blood!
"who was it?" tanong ko sa mga lalaking nagkumpulan, naka jersey shirt sila at obviously isa sa kanila ang may-ari ng bola at ang puno't-dulo ng lahat.
Everyone was pointing fingers sa iisang tao, the tallest among them na halos naging onano na sa pagtatago niya. Stupid.
"come here." sabi ko sabay talikod at kinuha ang bola na dinampot ng hindi ko kilalang estudyante.
Nanginginig pa niyang binigay sa'kin 'yun, damn..everyone is scared.
Hindi ko naramdaman ang pagsunod nu'ng lalaki kaya huminto ako sa paglalakad at humarap ulit sa kaniya.
"do I need to drag you?" tanong ko kaya agad siyang nagtatakbo at sumunod sa'kin.
Siya lang naman pinalapit ko kaya hindi ko na problema kung may sumunod pang iba.
I brought him sa soccer field ng school namin.
"stand over there." sabi ko sa kanya sabay turo sa lugar na walang tao, a place not too far from me. I can see hesitation in his eyes pero ng taasan ko siya ng kilay ay sumunod siya agad.
As he stood there, I can hear whispers from everyone else. Ang iba, naaawa sa kanya habang ang iba ay sinasabing deserve niya ang mangyayari sa kanya.
I sent him a smile, at kahit sa malayo ay ramdam ko ang takot niya.
"kapag itong bolang 'tu, tumama sa mukha mo, patas na tayo..but if not, I will take one step at a time papunta sa'yo and I won't stop hanggang sa humalik ang basketball na 'tu sa mukha mo.. got it?" I asked at unti-unti siyang tumango.
I positioned myself, tinatantya ko ang bigat ng bola, will one shot take him down? o hindi?
I smirked when I made a move and pretended to throw the ball, in his reflex ay sinubukan niyang iharang ang kamay niya. I heard some students laughed at his actions.
"na-ah, don't block it." sabi ko at ngumisi sa kanya.
Binaba niya naman ang kamay niya, I looked at him and he's so scared, natatawa ako sa itsura niya.
Hinagis ko ito papunta sa mukha niya without a warning and hindi ito tumama sa kanya. Everyone reacted, I can see him shake in fear.
Nilibot ko ang paningin ko sa mga kasama niya kanina, they all look at me in fear as well.
"one of you, get the ball." utos ko at tinulak nila ang isa nilang kasama para gawin ang sinabi ko.
"roll it towards me." utos ko na sinunod nu'ng lalaki.
Dinampot ko ang bola at humakbang ako ng isang beses palapit sa target ko, kitang-kita ko ang pag tulo ng pawis niya, napa ngisi ulit ako.
Hindi ko kasalanan na napalaki ang hakbang ko.
"3, 2..." at tinapon ko ulit ito, hindi na naman tumama sa mukha niya.
Napadako ang tingin ko sa jersey shorts niya na parang basa na.
Did he just peed? Pathetic.
Kinuha naman agad ng kasama niya ang bola at binalik sa'kin.
I took another large step towards my target and aimed right.
"this won't hurt much." sabi ko sabay sentro ng bola sa mukha niya.
Napalakas ng sobra 'yung pag tapon ko, he's butt down sa field and his nose is bleeding more than mine.
Just how I like it.
"now, we're even." sabi ko at umalis na.
Nagbigay daan naman ang ibang estudyante para makadaan ako.
I took my handkerchief from my pocket at pinunasan ang dugo sa ilong ko.
Dumeretso na ako sa parking lot at pina-andar ang kotse ko.
I still need to see someone.
Pagkarating ko sa bahay ay bumungad sa'kin ang katahimikan.
Nobody's home, as always.
Umakyat ako sa kwarto ko at dumeretso sa banyo para mag hilamos.
I can still feel the metallic taste of blood, nagkasugat din kasi ang labi ko.
Hinanda ko ang bath tub para makapag babad ako pagkatapos ay bumalik ako sa kwarto ko para mag alarm at mag hanap ng panali sa buhok ko.
I took my clothes off at nagpunta sa bath tub afterwards.
I closed my eyes hanggang sa naramdaman kong relaxed na ang pakiramdam ko.
Naputol ang pahinga ko ng marinig ko ang alarm.
Umalis ako sa tub at kumuha ng tuwalya sa lagayan, bumalik ako sa kwarto para mag hanap ng damit.
Wearing something comfortable ay pumwesto na ako sa kama ko, with my laptop in hand.
The good thing about me going home to an empty household is that 24/7 nakabukas ang wifi, I can stream videos whenever I like, watch whatever movies I want, and of course, spend time with her.
Binuksan ko ang laptop ko and waited for her call.
Exactly 6 p.m ay tumawag nga siya.
"Ari!" she greeted me with her usual shy yet loving smile.
"hey." bati ko rin sa kanya ng naka ngiti.
Her name is Eliziah Montenegro but I call her Ziah, she's my best friend simula nu'ng 8 years old palang kami.
And she's my anchor and medicine.
YOU ARE READING
Feel Special
RandomMonsters were once humans who lost their own soul. Apparently, Aries Buenaventura is that type of girl na may masamang ugali. She's known sa school na pinapasukan niya bilang biggest bully at Ice Princess. Mainitin ang ulo niya and her cold persona...