Chapter Six

169 7 0
                                    

(Im Nayeon as Audrey)

ELIZIAH'S POV

Natapos ang first subject na kinakabahan ako.

Sa tuwing napapatingin ako sa harap, nakikita ko siyang nakatingin din sa'kin, kulang nalang lumipat siya sa tabi ko.

"Eliziah?" rinig kong tawag ng babaeng nasa harap ko.

"yes?" takang tanong ko.

"my name's Audrey Hernandez." pakilala niya.

"tsaka sina si Rhea Gomez at Chloe Suarez." pakilala niya sa dalawa pa na katabi niya.

"hello." sabi ko nalang.

"sama ka sa'min mamaya sa lunch break ha? don't worry, tutulungan ka naming umiwas kay Rae." sabi pa nito.

"sinong Rae?" takang tanong ko.

"'yung nabangga mo accidentally kanina sa caf." sabi ni Rhea.

Hindi na ako nakasagot pa dahil dumating na ang next teacher namin.

Sinubukan ko nalang mag focus sa klase, sa tuwing napapagawi ang tingin ko du'n kay Rae ay umiiwas agad ako.

Natapos ang subject namin kaya tumayo agad ako para lumabas na rin ng room ng hilahin ako papunta sa kung saan ni Audrey.

"lowkey ka lang, 'wag kang titingin sa loob ng room na dadaanan natin ngayon." sabi ni Rhea.

"ha? bakit?" tanong ko sabay lingon sa room pero inakbayan ako ni Audrey.

"may tigre jan, 'wag ka nalang tumingin..baka malapa pa tayo." sabi nito kaya yumuko nalang ako.

Nakarating kami sa cafeteria at umupo sa iisang table.

"anong gusto mo girl?" tanong ni Rhea.

"ha?" tanong ko pabalik.

"hakdog?" natatawang sabi ni Rhea kaya napatawa din sila Audrey at Chloe.

"biro lang, libre ko 'tu bilang pag welcome sa'yo sa group." sabi nito pero umayaw ako.

"okay lang, busog pa naman ako." sabi ko.

Tsaka pag welcome daw sa group? Kulto na ba 'tung nasalihan ko?

Pero hindi naman sila mukhang miyembro ng kung ano mang kulto eh.

Itong si Audrey, girly at halatang outgoing ang personality at friendly, parang isa siya sa mga sikat dito sa school dahil sa pormahan niya at sa mga schoolmates namin na grabe kung maka tingin din sa kanya.

Ito namang si Chloe, tahimik siya pero 'yung tipong approachable pa rin.

While Rhea is a different story, sa kanilang tatlo, mukhang mas maingay siya at pinaka approachable siya sa lahat, tipong tignan mo lang kaibigan ka na agad.

"girl, mag o-order pa rin ako for you.. I'll be back." sabi nito sabay alis.

Naiwan akong kasama ang dalawa, nakatingin silang dalawa sa'kin na para bang multo ako o ano.

"bakit?" tanong ko.

"pamilyar kasi jacket mo eh, pero maybe kahawig lang talaga." sabi ni Audrey.

"ah, magkapareho kami ng jacket ng best friend ko." sagot ko.

"talaga? hmm." sabi pa niya.

Nagkibit-balikat nalang ako. Kilala kaya nila si Ari? Pero ang alam ko lowkey lang si Ari dito eh.

Hindi siya sumasali sa kahit anong club at deretso bahay siya pagkatapos ng klase.

Sinabi ko nga du'n na makipagkaibigan pero ang sabi niya aksaya lang daw sa oras.

Bumalik na si Rhea na puno ang dalang tray, naglapag siya ng isang kanin at isang order ng porkchop sa harap ko at isang soft drinks in can.

"girl, kuha ka sa food namin kung gusto mo ah?" sabi nito ng naka ngiti kaya ngumiti nalang din ako.

"libre ko naman kayo sa susunod." sabi ko.

"sige." sagot nito at nagsimula na silang kumain.

Parehong adobo ang ulam nila Chloe at Audrey, pero manok lang 'yung kay Chloe while beefsteak naman ang kay Rhea. Sa softdrinks naman, sprite ang kay Rhea, coke ang kay Audrey habang tubig ang kay Chloe.

"siya nga pala, bakit ba ganu'n 'yung Rae?" tanong ko sa kanila habang kumakain na rin.

Nilunok muna ni Audrey ang kinakain niya bago nagsalita.

"ganu'n na talaga 'yun eh, simula dati pa..konting mali lang ng isa, nagagalit siya agad..sobrang mainitin ang ulo." sabi nito na kinatango ko.

"eh 'yung tigre kanina? anong meron du'n?" curious na tanong ko.

May hinala kasi ako na binu-bully si Ari dito, baka isa kay Rae at du'n sa tigre ang bumu-bully sa kanya.

"'yun sobrang nakakatakot 'yun, tahimik lang na parang bato sa may gilid..kilalang Ice Princess dito 'yung tigre na 'yun pero pag nagalit, nako! daig pa si karma!" sabi ni Rhea.

"what do you mean?" tanong ko habang binubuksan ang coke.

"kung ano kasi ang dahilan ng galit niya, binabalik niya du'n sa taong naging dahilan nu'n.." paliwanag ni Audrey.

"gaya nu'ng nakaraang araw..may mga varsity na nagbibiruan lang palabas ng school, masyadong malikot at maingay 'yung isa kaya 'yung dala niyang bola, tumama du'n sa mukha ni Aries..ayun, ginantihan siya, mas dumugo nga lang 'yung sa kanya, parang nasa ospital pa nga rin dahil sa fracture sa ilong eh." sabi ni Rhea.

Sinong Aries? Is it Ari? Pero hindi naman nananakit 'yun eh at impossible talaga.

"bakit parang natigilan ka jan? hindi ba masarap food mo?" tanong ni Rhea.

"my best friend who has the same jacket as me, dito siya nag-aaral..and her name's Aries, pero hindi lang naman siya ang Aries sa mundo eh..and she's not violent or anything like the person na sinabi niyo." mahabang sabi ko.

"pero girl, isang Aries lang naman ang nandito sa school, Aries Buenaventura." sabi ni Audrey at dahil du'n ay pinalo siya ni Chloe sa braso.

"ahm, don't mind her Eliziah..baka hindi lang namin kilala ang Aries na best friend mo." sabi ni Chloe sabay ngiti sa'kin.

May alam ba siya?

"it's her." hindi makapaniwalang sabi ko.

"k-kaya pala familiar talaga ang jacket mo." sabi ni Audrey na pinalo ulit ni Chloe.

"aray ha! nakakadalawa kana!" reklamo nito pero wala na akong pakialam.

"I have to go..salamat dito." sabi ko sabay tayo at labas ng cafeteria.

I can hear them call for me pero hindi ko na sila pinansin.

Just what are the things she lied to me about?

Pupuntuhan ko sana siya sa classroom na dinaanan namin kanina when the girl from earlier came in view.

"and finally, nagpakita ka rin." Rae Zamora said with a smirk on her face.

Damn it.

Feel SpecialWhere stories live. Discover now