Chapter 3: Face me or Face the War!?

3 0 0
                                    

"Anong meron don?" Kararating na tanong ni Mica.

"Lintang Harina Scene" tipid kong sagot.

"Huh!?" Pagtatakang tanong naman ni Mica.

"Ito, ikwekwento ko ganito kasi yun " kwento ni Ciarra sa kanila, hindi ko pinakinggan pa, binansagan na bubuyog yan kaya bahala siya magkwento.

Tuloy tuloy lang ako sa pagbaba sa hagdan, susunduin namin ang mga kaibigan namin na TVL at ABM sa baba.

_

Napagusapan naming sa fountain na lang kami magmeryenda, ang daming tao sa cafeteria ang hirap makisiksik at nakakatamad maghanap ng upuan at sa sobrang dami namin mahirap talaga kami makahanap ng uupuan.

"Alam mo bang nagsampalan daw sila Jea at yung babaeng transferee!"

Bulong ba ang tawag sa kanila yun. Rinig na rinig ko ang tatlong babaeng nagchichismisan.

"Shh. Wag ka ngang maingay, anak siya ng mayari ng school na to"

Isa pa talaga! Paguuntugin ko na kayo.

"Kahit na! Hindi parin siya ang anak ng principal, Kunting share lang naman eh! Ang yabang na bigla porket----"

Hindi na ako nakatiis, tumayo ako tyaka humarap sa kanila ngunit maylimang lalaki ang lumapit sa kanila.

Hindi ko maiwasang pakinggan ang sasabihin nila.

"Masyado kayong maiingay, hindi niyo ba alam na natutulog ako! Pambihira oh!" galit na sabi ni Dwight? Oo siya nga.

"Eh Dwight kasi , pinaguusapan lang namin yung----"

"Ugh! Tumahimik nga kayo! Kaingay! Talo niyo pa ang bubuyog kung magingay!Umalis nga kayo  bago ko kayo kaladkarin sa harapan ko!" galit na sabi niya saka umalis.

"Girls , you can go now!" Sabi ni Sean. Ang bait naman yun, tsk. Bait baitan kamo.

"Hoy! BABAITA!!"

"AHY, ANAK NG KALAMARES!" sinamaan ko lang ng tingin si Ciarra. "Ano ba!?"

"Anong ano ba! Ano ba diyan , kanina pa kita tinatawag, kalamares pala ah! Oh ito sakto meron pa akong isa" Sinubo niya saakin yung kaisa isang piraso ng kalamares na binili niya kanina sa cafeteria.

"Wahahhaha!!Mama" Nailuwal ko yung pinakain na kalamares ni Ciarra, Buset kang Krystal ka! Makasigaw!.

"Moomi! Huhuhuhu" naiiyak niyang sabi.

"Problema mo? Anong Moomi, moomi diyan?" taka kong tanong

"Si Moomi, yung pusa niya namatay daw!" Ahy putek! Na pusa yan. Sa sobrang adik sa pusa pati pagkain niya pinapakain kaya sobrang payat.

"Aish. Akala ko pa naman kung ano na, Kailan ba libing ng pusa mo?"

"Nalibing na daw sabi ni Mommy, Sayang hindi pa kayo nakapagkape sa bahay"

"Mygad! Krystal! Ibibili na lang kita ng pusa, daan tayo sa petshop"

"Talaga!?" Nabago ang kaninang reaksyon niya, Ayan nanaman ang kumikinang na mga mata niya.

"Isa lang ha! Baka mamaya dalawa nanaman! Wala akong pera!" dati kasi ibinili ko siya ng pusa akala ko isa lang , dalawa pala hindi daw makakabuo ng happy family if isa lang. Kaya yun napilitan akong bilhin total birthday naman niya dati. Pagbigyan.

"Oo, Sabi mo yan ah!" tumango lang ako.

"Tara na sa room natin , baka mauna pa yung prof natin doon.

Maybe This TimeWhere stories live. Discover now