Chapter 1

13 0 0
                                    

Chapter 1: Duty

Minerva Yoo

Ilang beses ko ng nahampas ang dibdib ko sa sobrang sakit, grabe kaya ang daming nag papakamatay na teenager ngayon. Nakakainis ang dami kong pinoroblema dapat nga ang nasa utak ko ngayon kung paano at saan makakakuha ng pera para sa libing at kaso ng magulang ko. Hindi 'yong napupunta ang luha ko sa tanginang mukhang bangkay pero buhay na lalaking 'yon.

"Buhay nga naman" May hinanakit na bulong ko sa hangin parang mag e-emotional breakdown na ako. Ang sabi saakin ng lalaking may kalyo sa mukha ay hindi niya ako pababayaan pero nandoon siya ngayon nakikipag sundutan sa kabit niya.

"Sabi na nga ba mama at papa dapat sinama niyo na ako" Dapat talaga makulong ang may gawa noon sakanila, pinatay nila ang magulang ko na pareho pulis dahil lang sa illegal shipment nila? Gago ba sila kapag ako naging doctor kahit tumirik mata nila hindi ko sila gagamutin.

Ang bad ko naman masyado.

"Walang hiya talaga ang lalaking 'yon ipapamulto ko siya sa magulang ko, putulin ko kaya ang sausage niya? Letse!" Bakit ba ako magtataka? He cheated me not just twice but thrice! Makapal talaga ang mukhang hinayupak, dati gwapong gwapo ako sakanya ngayon kahit tunog ng hininga niya sinusumpa ko.

"Nakakainis" Yamot na sambit ko, dapat pala hindi muna ako pumunta sa morgue dahil ang inaasahan kong yayakap saakin nandon sa kama ng iba. Palibhasa hard to get ako, hindi niya ako makama kaya naghanap ng kalinga sa iba.

Sana all daks.

"Mama! Papa!" Multuhin niyo po siya kahit para saakin lang, huling will niyo na po 'yon saakin paki tulak naman po siya sa mataas sa building! Siguraduhin niyo pong mataas kasi may lahing pusa 'yon may siyam na buhay.

"Ingay" Napahinto ako sa pagdadrama ng may mag salita sa baba, nakaupo siya sa isang baitang ng hagdan habang nakakunot ang noo saakin. Huwag mo ako kunutan ng noo nananakmal ako ng gwapo!

"Nasaan ako?" Hindi ko talaga alam kung saan ako dinala ng paa ko dahil sa pagdadrama ko tungkol sa magulang ko at sa hayop na kinginang kalyo na 'yon.

"Fire exit" Sagot niya saakin, bumaba ako ng ilang baitang pa at umupo sa tabi niya. Mukhang kanina pa siya dito at naiyak, pulang pula kaya ang mata niya. Huwag mo sabihing nakipag break ang jowa niya sakanya? Sa gwapo niyang 'yan? Baka kung ako ng girlfriend niya ibinulsa ko na siya.

"Umalis ka na" Hindi naman malamig ang boses niya, sa totoo lang halatang malungkot ang boses niya. Gusto ko tuloy lapirutin ang mukha niya, kung ako may nakitang demonyo kanina na nakikipag halikan sa may operating room ano naman kaya ikinalulungkot nito?

"Sa'yo ba 'tong hospital huh? Choosy ka pa, maganda naman ako ah!" Hindi ito umimik kaya palihim kong inamoy ang sarili ko, malay mo may putok ako kaya pala ako pinapaalis. Nakakahiya naman ako, sabi na nga ba dapat naghilod ako kanina eh. Kaya siguro gustong gusto kong maligo dahil may radar ako ngayon na makakakita ako ng gwapo.

"Tumingin ka nga sakin, pangit ba ako huh? Mukha ba akong chaka? Hindi naman diba? Ang daming nagsasabi na maganda ako, kissable lips pa" Ngumuso ako at tinuro ang labi ko, proud ako diyan dahil wala itong halong kemikal purong rugby lang joke.

"C-chaka?" Taga bundok naman pala 'to kaya siguro ako pinapaalis kasi mas gustong kasama ang mga hayop, magkakasundo sila ng ex kong makapal ang kalyo sa mukha.

"Chaka! Ugly, pangit, not beautiful, pinag-kaitan ng kagandahan. Ano ba 'yan kuya!" Expression lang ang kuya halata namang mag kasing edad lang kami, type ko pa naman ang mas matanda saakin kahit konti para mas mature at understanding.

"Hindi naman" Sagot niya sakin, kita mo? Gwapo na nga hindi pa sinungaling. Gusto ko tuloy siyang hampasin at sabihing matagal ko ng alam 'yon kaso hindi naman kami close at tsaka may mas importante akong gusto itanong.

Rage on FireWhere stories live. Discover now