Chapter 4: Men in black
Minerva Yoo
Tamad kong nilaro ang pasta na nasa plato ko. Bakit naman kasi sinabi kong bahala na siya sa kakainin ko? Nakalimutan niya nanaman yata na hindi naman ako mahilig sa pasta.
"Kumain ka, mahal 'yan" Pabirong bulong ni Harold kahit alam kong totoo dahil minsan ko na ring nasilip ang menu ng resto na 'to. Maarte ako sa mga gamit ko sa katawan pero kung mga kotse, pagkain at kung ano ano pa ang usapan wala akong planong kumain ng ginto o ano man.
Napatirik lang ang mata nito ng hindi ko siya pansinin, tumikim siya ng pasta na nasa plato ko. Ang hirap kasi sa lalaking 'to masyadong marami ang babaeng dinedate kaya naman nakakalimot na siya ng mga bagay bagay.
Hindi naman ako galit dahil nakalimutan niya ang ayaw at gusto ko. Naiinindihan ko naman at kasalanan ko dahil alam ko namang makakalimutin siyang tao pero siya pa rin pina order ko.
"Masarap naman" Tumatango pang sabi nito habang nakaturo ang tinidor sa plato ko. Bahagya kong inusod ang plato ko papalapit sakanya bago nag kibit balikat.
Maraming nagsasabi na masarap nga raw ang pasta pero ewan ko ba, meron kasing pagkakataon dati noong bata ako na pinagligpit ako ng pinagkainan nilang spaghetti. Simula noon hindi ko alam kung bakit ako nasusuka tuwing nakakakita ako ng may ketchup na plato lalo na kung hinahalo nila sa kanin, bumabaliktad ang sikmura ko.
"Kumain ka ng kumain" Sagot ko sakanya dahil sa totoo lang ako ang nag yaya ng lunch sakanya dahil gusto kong itanong ang nangyari sa abandonadong building, bakit siya nandoon?
Never akong nakielam sa pag gamit niya ng baril dahil ilang beses siyang nag iinsist na naka rehistro daw iyon. Kahit ganoon hindi ko pa rin maiwasan isipin ang mga bagay bagay tungkol sa trabaho niya.
Hindi ko alam kung delusional lang ba ako or exaggerated pero ano ba siya? Gangster? Ang tanda tanda niya na mahilig pa siya mang buyo?
"Mina, bakit ka nasa Elite top?" Saktong sakto ang iniisip ko sa binuksan niyang topic, kahit hindi ko doon gustong mag simula pinili kong manahimik muna dahil gusto kong maramdaman niya ang pagka uhaw ko sa sagot niya.
Magkasama kami ng mahabang panahon na parang magkapatid na pero parang biglang bula na nawala ang lahat tapos hindi ko na siya kilala.
"Nakita kita tumatakbo palabas may kasunod kang lalaki" Naalala ko ang biglang pagsulpot ni Cyriel sa hospital ng gabi ding iyon.
Ibig sabihin sinundan niya ako at hindi aksidente ang pagkikita namin ulit. Kumukulo pa rin ang dugo ko kapag naaalala ko kung gaano kataba ang utak niya. Ilan kaya ang IQ niya? Masyadong maraming alam kaya minsan nakakainis.
Nakakaasar naman talaga madalas ang mga taong matatalino. Nandiyan 'yong sa classroom kapag mag rerecite ka bigla kang pupunahin tapos sasabihing mali o hindi naman kaya makikita mo sa mukha nila na pinagtatawanan ka dahil sa sagot mo. Nakukuha niyo ba ang point ko?
"Sinundan ka niya hanggang makakuha ka ng taxi, lalapitan na sana kita dahil baka kung ano ang gawin sa'yo non pero pinicturan niya lang ang plaka ng sasakyan" Bored akong tumango kahit ang totoo lang medyo na touch ako sa ginawa nito dahil kahit papaano ay may paki pala ito sakin.
Magpapasalamat pa rin ako dahil nagbigay siya ng gintong pangangailangan ko. Kung ganoon ba naman ang ibibigay sakin matatanggihan ko pa kaya? Syempre kung bahay 'yon reject agad, masyadong prone sa nakawan kung maganda bahay mo.
Disadvantage talaga ang pagiging masagana sa pera minsan. Lalo na kung nagiisa ako sa bahay? Sa ganda kong 'to? Baka mamaya gapangin ako ng kung sino lang diyan. Hindi naman ka tanggap tanggap 'yon, kaya kung mamamatay ako ngayon gusto ko maganda pa rin ako para die beautiful.

YOU ARE READING
Rage on Fire
Roman d'amourRage on Fire Written by: Dramaticsession Genre: Fiction, Sci-fic, Action, Mystery "Our history and love that locked inside our hearts will forever be a stitch in time"