Chapter 3

13 0 0
                                    

Chapter 3: The narcissist and pessimist.

Minerva Yoo

"She is not breathing adequately, ambu bag" Ambu bag or Bag valve mask is a self inflating bag to provide positive pressure ventilation.

Sumampa ako sa kama, ang pakiramdam ko ngayon parang intern ulit ako 'yong pakiramdam na unang beses ko 'to gawin nandito pa rin .My heartbeat says the same thing, walang nagbago sa tuwing nakakakita ako ng taong kinakailangan ko iligtas.

"150 joules" Nanginginig ang kamay ko habang naririnig ko ang nakakarinding tunog sa electrodiagram na nagpapahiwatig ng straight line.

She's undergoing ventricular fibrillation where her life threaten by lacking of pulse. I, as a doctor cannot let her die that easily. Not in front of her family, not in front of me.

"Charge?"

"Charge" Inilagay ko ang kamay ko sa dibdib niya. Gumising ka maraming naghihintay sa'yo sa labas, ang mga anak mo nandiyan na kaya kailangan mo malagpasan 'to.

Gusto kong makumpleto ang pamilya ko at alam kong ganon ka rin kaya alang ala sa pamilya mo, be happy for me please?

"One...Two...Three"

Don't go to the light. Don't go to the light. Don't go to the light. Don't go to the light. Don't go to the light.

"200 joules" Kinuha ko ulit ang defibrillator pads.

"Charge?"

"Charge"

"One...Two...Shock" Ramdam ko ang butil ng pawis ko habang panay ang pakiusap ko na tumibok ang puso niya.

Kahit sabihin nila na wala na siyang pag-asa gagawin ko 'to dahil may naghihintay sakanya. How can you save your patient when you have a doubt deep inside you? I am a kind of doctor who save people as if my life depends on it.

"Dr. Yoo" Pag awat saakin ng nurse at hinawakan ang braso ko, tinabig ko ito at pinagpatuloy ang pag-CPR ko. Kapag binitawan ko siya parang sinabi ko na rin na wala na siyang pag asang mabuhay kahit alam kong mayroon pa, I won't take that chance from her.

"What the hell are you doing attempt to establish the IV access!" Sigaw ko sakanila habang nagpapatuloy pa rin, I need to continue high quality CPR for two minutes. I supposed to push hard and fast during chest compression pero heto ako ngayon at inuubos rin ang lakas ko kakasigaw.

"Execute a full drop of IV fluid!"

"Dr. Yoo!" Hindi ko sila pinansin at ako mismo ang nag operate sa defribillator. 

Come back to your sense, come back to your sense, stay alive, stay alive. Nanginginig na ang labi ko dahil hindi pa rin nagbabago ang vitals niya, it's slowly dropping.

"What? Do want to let this patient die?" Nanggagalaiti na ako pagsasampalin sila, paano sila nakapasa kung ganito nila kadali sinusukuan ang pasyente nila?

"One...Two...Shock" Napapitlag ang pasyente gaya ng kanina dahil sa pagdaloy ng kuryente sa katawan niya. Muli kong inilagay ang kamay ko sa dibdib niya habang nakatingin kung bumabalik na ba ang heartbeat niya.

Please let me save you, maraming naghihintay sa'yo kaya once and for all bumalik ka parang awa mo na huwag ngayon.

Napatigil ako ng makita ko ang pagbalik ng buhay niya gamit ng ECG. Hindi ko maiwasan mapangati kasabay ng pagkagalak ng pamilya niya, parang isa rin ako sa anak niya na nagdarasal na mabuhay siya.

"Welcome back to life" Hinihingal na sambit ko habang pinapakinggan ang tunog ng makina na nagpapakitang bumalik na ang buhay niya.

Napakagat ako sa labi ko at hindi mapigilang mapayakap sakanya. God, akala ko mamamatay na siya gayong ang dami pang naghihintay sakanya.

Rage on FireWhere stories live. Discover now