CHAPTER 1

934 46 5
                                    

5 years later.......  

AISHA POV'S

Nasa kusina ako ngayon at Busy sa pag luluto nang umagahan namin na Pancake,pride rice,  Hotdog at Itlog. Nang may maramdaman akong maliit na braso. Na yumakap sa binti ko kaya napa baba ang tingin ko doon upang tignan kung sino ang yumakap sa akin.

Napangiti ako nang makita ko ang anak kung pupungay pungay ang mata na nakayakap sa binti ko.

Pinatay ko muna yung kalan at gasul saka siya binuhat. At dinala sa kwarto. Hayst naalipungatan siguro ito kaya bumangon. Ang totoo niyan ay alas Kwatro pa lang nang madaling araw. At sa ganoong oras ay nasa kusina na ako upang mag luto na  nang pang umagahan namin at pang baon na rin tapos kailangan ko pang mag ayos nang mga damit na susuotin namin tapos mag pa-pakulo pa ako nang tubig mainit para sa pag papaligo nila kasi di pa kaya nang katawan nila ang malamig na tubig kaya kailangang mag pakulo muna bago sila maligo.

Nang makarating sa kwarto inilapag ko si Aixon sa tabi ni Blaxon na kakambal niya. Opo Kambal po silang dalawa... si Blaxon ang unang ipinanganak ko pagkatapos mag karaan ng ilang minuto ay sumunod si Aixon.

"Mommy tulog pa" ungol at hinihikab pang sabi ni Aixon habang kinukusot kusot pa ang mata niya.

"Sige tulog ka pa maaga pa". Sabi ko dito saka tinapik siya sa pwetan. Nang muling maka idlip si Aixon kinumutan ko lang ito saka inayos si Blaxon sa pag kakahiga.

Pag katapos nun ay Bumalik na ako sa kusina upang Lagyan ng kanin at ulam ang mga baonan namin na babaonin ko sa trabaho at sa pag pasok sa eskwelahan ng dalawang kambal....apat na taong gulang lang sila Pero nag aaral na sila nang Kindergarten kasi kaya naman nang utak nila kaya sige...bakit hindi naman natin pag aralin sila kung nakikita mo namang masaya sila na pumapasok.

Marami pa akong inayos bago napag desisyonang bumalik muli sa kwarto upang gisingin na ang kambal na mahimbing na natutulog.

"Aixon, Bunchoy Gising na".yugyog na Gising ko kay Aixon. Pero ayaw magising tulog mantika eh.

"Blaxon, Kuya Gising na". Sunod na yugyog ko kay Blaxon na unti unti iminumulat ang mg mata niya sabay kusot dito.

"Morning Kuya Blax...Gising ka na ...mag uumagahan na tayo dali bangon na gigisingin ko pa si Bunchoy". Sabi ko dito habang iniuupo siya.

"Mommy Gusto ko po ng Chuckie". Sabi ni Blaxon.

"Chuckie?...gusto mo nang Chuckie? Sige basta kain ka muna nang breakfast". Sabi ko dito.

"Mommy want ko Touch Meal". Biglang sabat ni Aixon na naka upo na at pupungay pungay pa ang mata. Ang ibig niya pong sabihin doon sa ' Touch Meal'  ay ' Dutch Mill'. Medyo may pag ka Bulol kasi si Aix Eh. at saka kapag tinatama mo naman siya ipipilit niyang tama siya at ikaw ang mali kaya yan ang mahirap sa batang iyan.

"Dutch Mill?...ikaw din?.. Oh sige iinum kayo niyang Chuckie at Dutch Mill na yan basta ba kakain muna tayo nang breakfast...okay ba yun?". Tanong ko sa kanilang dalawa.

"Opo/opo!". Sabay na sabi nang dalawang Bulilit ko. Kaya sabay ko ding pinisil ang pisngi nila."ang Cute cute niyo talaga mga Bebe ko...kiss niyo nga si mommy dali kabilaan". Sabi ko sakanilang dalawa habang ang magkabilaang hintuturo ko ay naka turo sa pisngin ko habang naka pikit.

*Chup*

*Chup*

Sabay na Kiss nilang dalawa sa pisngi. "Si mommy nga din pa-kiss nga sa mga bulilit ko". sabi ko sakanilang dalawa saka sabay silang ni-hug  at ki-niss.

Pregnant By the Billionaire [Part1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon