CHAPTER 2

639 33 4
                                    

AISHA POV'S

CONTINUATION NG FLASHBACK...

"7 palang ako namatay na ang Mudra ko". Sabi nito sa malungkot na tuno.

"Namatay siya sa Sakit Sa Puso...hindi ko alam kung anong klaseng sakit basta sa puso ang komplikasyun niya...isang Taon akong nagluksa bago ko natanggap ang nangyari at may mga kapatid din ako lima kaming mag kakapatid at ang Tatay ko naman ay lasengo...hindi naman siya ganoon dati...nag ka ganoon lang siya dahil sa Namatay ang Mudra ko...pang apat ako sa mag kakapatid Babae ang bunso sa amin yung panglima...tapos tatlong lalaki na Ang Una, pangalawa at ikatlo...hindi ko kasundo yung tatlo kung lalaking kapatid pero yung bunsong babae kung kapatid ay kasundo ko dahil bunso siya at babae pa man din siya ang pinaka iingat ingatan nang pamilya namin dahil nag iisa lamang itong babae ngunit ang di nila alam ay May isa pa palang babae-----". Mahabang kwento nito ngunit pinutol ko siya sa pag kwe-kwento diba sabi Niya kasi isa Lang ang babae sa pamilya nila tapos yung bunso niyang kapatid iyun paanong meron pang isa.

"Isa pang Babae?". Patanong na sabi ko dito.

"Ano ka ba patapusin mo muna kasi ako...At yun nga hindi nila alam na may isa pang babae sa pamilya bukod sa Babae kung kapatid na si Mira...at walang iba iyun... kundi ako---". Sabi nito.

"Ha? Babae ka ba? Diba lalaki ka". Sabi ko dito.

"Ay gaga ang bobo mo naman". Sabi nito sa akin.

"Hindi kaya alam ko ngang sagutin ang 6×7= 42...at saka hindi ka naman talaga babae lalaki ka kaya...wala ka namang pempem eh...kasi kung babae ka dapat may pempem ka at hindi tit-tit".  Sabi ko dito.

"Gaga ka talaga...patapusin mo kasi ako...tapos yun nga May pusong babae ako tapos hindi alam ni Tatay at ng mga Kuya ko na bakla ako tanging si Mira lang ang nakaka alam nun tapos isang araw ...sa tabi nang kalye nag laro kami nang pageant pageant tapos stempre kasali ako doon papahuli pa ba ako...tapos si Mira naman Taga ayos ko...kasi Pangarap niyang maging isang Make-up Artist, Designer at yung mga taga ayos nang buhok parang parlor ganon?...yun pangarap niya yun tapos habang nag pa-oageant kami hindi namin alam ni Mira na paparating si Tatay na naka inom tapos kasama niya mga kumpare  niya nun...kaya kami nakita ni tatay kasi isa sa kumpare niya ay tinuro kami ni Mira......".

"......'diba Pare mga anak mo yun bakit naging bading yung pang apat mo hahaha'.  Sabi ni Manong Saturnino na may tama na din...kinabahan ako nang todo nung lumingon si tatay sa amin ni Mira at walang ano ano'y lumapit ito sa akin tapos binugbog niya ako habang sinasambit ang salitang 'wala akong anak na bakla...walang bakla sa Lahi namin'. Yan ang sabi nang tatay ko habang sinasaktan ako pinipigil siya ni Mira pero ayaw niyang paawat...'huwag kang uuwi sa bahay'. Sabi nito naiyak na lang ako dahil kumalat sa nguso at mukha ko ang lip stick na pula na inilagay ni Mira at nanakit din yung katawan ko nun...mapa hanggang ngayon nanakit pa din katawan ko...pinalayas ako sa amin Pero pinipigilan ako ni Mira at sinabing huwag daw akong aalis pero dahil nga ang........"

Pregnant By the Billionaire [Part1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon