CHAPTER 5

407 21 0
                                    

AISHA POV'S

Habang nasa labas ako nang pinto nang Opisina ni Boss. Naka ramdam ako nang kaba dahil baka tama ang hinala ko at baka nga talagang balak akong  sisantihin ni Boss. Wag naman sana.

Dahil wala na akong pwedeng trabaho na mapapasukan lalo pa't hindi ako naka tapos nang Elementarya.

Kaya ngayon ay patuloy ako sa pag dadasal na sana ay mag-dilang Anghel si Merge.

'Jusko po mag dilang Anghel po sana si Merge at Nang saganon ay hindi mag ka totoo ang mga sinasabi kung yun'.sabing dasal ko sa isipan ko bago ako kumatok sa pinto nang opisina.

Huminga muna ako nang malalim saka kumatok nang tatlong Beses. Matapos kung kumatok ay narinig ko si Boss na sinabing Pumasok daw ako.

Pumasok ako sa loob at bumati dito kay Boss at sa Bisita neto.

"Take a Sit Miss Acosta". Sabi neto sa akin kaya kaagad akong na upo.

Malakas naman ang Aircon dito sa Loob nang Opisina pero pinag papawisan ako at namamasa din yung kamay ko e hindi naman ako pasmado.

"S-sir bakit niyo po pala ako pinatawag". .... 'Si-sisantihin niyo na po ako'. Sabi ko dito pero yung huling sinabi ko ay sa isipan ko na lamang iyun sinabi.

"Kaya kita pinatawag dahil may nag hahanap sa'yo". Sabi neto na siyang lubos na ipinag taka ko.

May nag hahanap sa akin? sino? At saka bakit naman niya ako hinahanap? Anong kailangan niya sa sakin?.

Baka mga kamag-anak? Pero imposible iyun dahil maski isa sa mga kamag anak namin ay di ko kilala at higit sa lahat ay hindi din nila ako kilala. Kaya sino? Sino ang nag hahanap sa akin?

"P-po sino po?". Ngumiti si Boss sa akin saka humarap doon sa Bisita niyang lalaki na Galing America. Saka sinabing siya ang nag hahanap sa akin.

"P-po ako!". Napalakas nang kaunti at di maka paniwalang Sabi ko dito."baka po nag kakamali lang kayo at hindi po talaga ako yung hinahanap niyo sir". Sabi ko dito sa Bisita ni Boss.

"Pwede ba siyang umabsent ngayon?". Tanong nang bisita ni Boss na tinatanong kung pu-pwede ba daw akong Umabsent dahil may pupuntahan daw kami.

"Sure". Sabi ni Boss saka.

"B-boss ayaw ko po...ayaw ko pong sumama sakanya e di ko naman po siya kilala". Sabi ko dito habang kinukumbinsi si Boss na Huwag akong pasamahin dito sa lalaking ito .kasi hindi ko naman kilala itong lalaking ito. Pero wala itong ginawa kundi tumayo at nakipag kamay doon sa lalaki. At saka nag paalam pag katapos nun ay hinawakan na ako nung lalaki sa braso ko at saka ako neto pinatayo para sumabay sakanya mag lakad.

'Hindi kaya Ibinenta ako ni Boss dito?...pero anong karapatan niya...at saka isa pa alam niyang may mga anak ako at kailangan ako nang mga anak ko kaya...bakit?'.

Hindi kami Dumaan doon sa harap bagkus ay Sa likod kami dumaan.Hawak hawak lang ako sa Braso ko nung lalaki.

"Aray ha!". Pabitaw kung inalis yung kamay niya sa Braso ko. Dahil nasasaktan na ako. "Saan mo ba ako dadalhin at saka---". Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang itulak ako neto sa loob nang sasakyan niya.

"Sumama ka na lang". Sabi neto sa akin.

"Hoy!...Hoy!...Aba ano itong ginagawa mo...tumabi ka diyan ibaba mo ako hindi ako sasama sa'yo". Sabi ko dito habang itinutulak siya. Bakit ba kasi ang laki laki nang katawan niya. Kaya hindi ko siya maitulak nang maayos. Kaya ang nangyayari ay ako ang naitutulak neto paloob sa Sasakyan

Pregnant By the Billionaire [Part1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon