CHAPTER 3

601 32 2
                                    

AISHA POV'S

Sumapit ang gabi At mas lalo akong naging Busy dahil Nasa Bar na kami ngayon at Hindi Restauran. Yung restaurant kasi na pinag ta-trabahuan ko ay sa likod nun ay may Bar kaya kapag nag sara kami sa likod naman ang diretso namin para muling mag trabaho.

Grabe ang hirap wala pa akong pahinga buong Araw .hanggang mamaya nanaman ito. Medyo nanakit na din itong katawan ko.

"Everybody,Everybody!". Tawag pansin sa amin nang baklang Si Bogs. Na siyang Assistant Manager nang Bar.

Kaya lahat kami ay nag sipag lapitan sakanya. Pati na yung Bartender na si Brako tapos yung mga taga serve, Bouncer at diswasher basta lahat lahat ng may naka tokang trabaho ay lumapit.

"Oh pag butihin niyo ang pag ta-trabaho niyo at walang papalpak...dahil may Bisita si Boss ngayon at gusto niyang maging maayos ang lahat". Sabi sa amin ni Bogs habang naka pameywang pa ito at naka duro sa amin."Oh siya balik sa trabaho mamayang 9:00 nandidiyan na ang Bisita ni Boss". Sabi nito saka ikinuwag kuwag sa ere ang kamay na para bang itinataboy kami na parang aso neto.

"MERGE!!". Dinig kung malakas na sigaw ni Bogs kay Merge na siyang naatasang Mag se-serve ng Alak at kakainin nila Boss sa VIP room na sinabi neto.

"Po!!!!". Pasigaw ding sagot ni Merge dahil napaka lakas na nang music dito za Bar at marami na ding dumadagsang tao. nag papalit kasi si Merge sa dressing room dahil kailangan mag mukha siyang presentable sa harap ni Boss at nang Bisita neto kaya Todo paganda ito.

"...Daliaan mo diyan...paparating na sila Boss". Sigaw neto at tila di matale na laging sumusulyap sa relos neto.

"Asya!".tawag sa akin ni Bogs kaya dali dali akong lumapit dito."mag palit ka nang damit mo. si Marina na muna diyan sa Kusina...". Sabi neto sa akin. "...tulungan mong mag serve si Grace at Margo doon dalian mo at marami nang Costumer". Sabi neto saka nag paalam na mag I-entertain lang daw siya nang mga bisita.

Dali dali akong nag punta sa Dressing room at nag palit nang damit saka kaagad na pumunta kina Marina at Grace para tulungan silang Mag serve sa mga Customer nang kanilang mga Inorder na inumin kabila't kanan na ang Pag tawag sa amin at nagiging wild na ang mga Tao dito yung iba gumigilang na sa Dance floor...tapos yung iba naman ay nasa sulok na lang at may kung ano ano at kanya kanyang mga ginagawa na sila.

Maya maya pa ay Dumating na sina Boss kasama ang Bisita neto na galing daw america. Oo tama si Grace Gwapo siya at lahat nang pinapangarap nang mga babae ay talagang nasa kanya na ang lahat.

Malaking katawan na May Toned Muscles at matitigas na Dibdib na talagang mapapatitig ka kahit naka suot ito nang pormal na damit. Malamang sa malamang na may Abs din yan dahil sa mga Muscle palang neto ay kitang kita na ang kakisigan neto. At ang Mukha neto ay talagang napaka Perpekto niya. Kulang na lang ay sambahin na siya nang mga babaeng Mapapatingin sa kanya dahil sa taglay netong Itsura at Kakisigan. Bawat madaraanan niyang babae ay talagang Hindi maiwasang mapatingin sa kanya. Kulang na lang ay mag hubad na ang mga ito sa harapan niya upang mapansin lamang sila.

Binigyang daan nang mga Bouncer nang Bar ang dadaanan nila Boss at pinipigilan ang mga Tao na huwag humarang doon. Lalo na ang mga Nanlalandiang mga babae na Gustong Abutin ang lalaking nasa harapan neto ngayon.

Hanggang sa marating nila ang VIP Room. At doon pumasok at kasunod naman nun ay siyang pag pasok din ni
Merge na siyang mag sisilbi sakanila at mag lalagay sa mga kopita nila nang isang Branded at Expensive at pinaka masarap na alak na pag sasaluhan nilang dalawa.

"Hoy!...anong Oras na Diba't uuwi ka na". Hampas at sabi sa akin ji Grace. "Natulala ka din doon no?". Sabi neto sa akin.

Pregnant By the Billionaire [Part1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon