Chapter 1

9 0 0
                                        

A/N: The whole story is still unedited since 2016 so please bear with so much kakornihan hehehe...  Sana po mapagtiyagaan n'yo till end. Salamuch!

KASALUKUYANG nasa klase si Ceelyn. Sa may tabi s'ya ng bintana nakaupo kaya kung ayaw n'ya ang subject ay malaya s'yang makakapagmuni-muni at pagmasdan ang bawat estudyanteng nagpapalakad-lakad sa baba.

Ang subject ay English. Gusto n'ya ang subject, pero mas gusto n'ya ang nagtuturo no'n, walang iba kundi ang kanilang oozing with sex appeal at Mr. Handsome prof, the one and only, Wesley Monteverde. He's nice and intelligent and at the same time, so smokingly hot. Maraming estudyante ang nagkakagusto rito. Girl, beki, lesbi, butiki, baboy, at pati na rin boys na ayaw pang umamin. Paminta.

Nakatulala lang si Ceelyn dito. Hindi s'ya nakikinig sa guwapo n'yang prof. Hindi na n'ya kailangang makinig dito. Presence lang nito ay solved na s'ya. Napadako ang tingin nito sa kanya. Tinawag s'ya. Mukhang nahalata nitong 'di s'ya nakikinig.

"Ms. Punzalan," tawag nito sa apelyido n'ya. "Are you listening to my discussion?" anito habang hawak ang teacher's copy book nito. Bale-wala lang s'yang tumingin dito habang nasa kanya rin ang atensiyon ng buong klase.

"If you don't mind, can you give another example of what I was explaining earlier and explain it as well?" may awtoridad na utos nito sa kanya. Ito lang ang maganda rito, kahit na kaunti lamang ang tanda nito sa mga estudyante, ay 'di pa rin ito nagpapadaig. I'm the teacher here and you're my student, so know your place. Gan'to ang datingan ng guwapo n'yang prof.

Tumayo s'ya at kinuha ang white board marker sa mesa. Isinulat n'ya ang hinihingi nito at ipinaliwanag iyon sa buong klase. Bakas sa mukha ng mga ito ang pagkamangha at pagkabilib.

"Galing talaga ni Cee. Sisiw kahit na ano'ng ipagawa!" rinig n'yang sigaw ng isa n'yang kaklaseng lalaki bago magtawanan ang iba.

"Well done, Ms. Punzalan. As expected from dean's lister," nakangiting puri sa kanya ng prof na crush n'ya. 'Di lang crush, more than that to be exact. Yes, she's been secretly in love with this guy. Well, sino ba'ng hindi? Almost all of the qualities that a girl looks for a guy are already with this guy.

Wesley Monteverde is her childhood friend. He's almost four years older than her. He just turned 24 recently. Magkapitbahay lang sila. Parehas close ang family nila sa isa't isa. In fact, sa iisang school lamang sila nag-aral noong mga bata pa sila. Hilig talaga nito ang mag-aral kaya ito matalino at ipinursue ang pagtuturo. Sa university ring ito gumraduate si Wesley kung saan s'ya kasalukuyang nag-aaral. Maya-maya'y nagpa-dismissed na ito. Palabas na s'ya ng silid nang bigla s'ya nitong kalabitin.

"Ikaw, Cee-Cee, ha? 'Di ka nakikinig sa itinuturo ko porket matalino ka," kunwa'y pagtatampo nito.

"It's supposed to be, Ms. Punzalan. Nasa school premises kaya tayo, Sir Monteverde," nagbibirong paalala n'ya rito. Napakamot na lang ito ng ulo.

"Can't help it. Magkakilala na tayo since childhood pa kaya 'di mo maiaalis sa'kin na maging kaswal sa'yo." Habang naglalakad sila sa hallway.

"Buti't may presence of mind ka 'pag nasa klase tayo at 'di mo ako natatawag sa ganoong pangalan," natatawang wika n'ya.

"Siyempre, iba naman 'pag nasa klase tayo. Dapat professional talaga ang dating kahit na magkakilala pa tayo," nakangiting sagot nito bago guluhin ang buhok n'ya. Tulad pa rin noong mga bata pa sila, lagi nitong ginugulo ang buhok n'ya.

"Ano ka ba? 'Di na ako bata, no!" reklamo n'ya kunwari.

"Sir Wesley!" tawag dito ng isa ring magandang nilalang na babae. Claudeth Hernandez. Ang bagong saltang prof sa university nila. She's like the girl version of Wesley. Katulad nito, ay marami ring mga lalaking estudyante ang humahanga sa kagandahang taglay nito. She has a straight long hair na ilang hibla lang ang nakatali. Well, she have to admit it, she's really pretty and gorgeous. Mukhang okay din ang attitude nito dahil lagi itong naka-smile at magaan ang aurang nakikita n'ya rito. One last thing, ito rin ang karibal n'ya kay Wesley dahil napapansin nyang lagi itong nakadikit dito.

Falsified RomanceWhere stories live. Discover now