WEEKENDS ngayon at kasalukuyang nagkukulong si Ceelyn sa kanyang kuwarto. Sobrang bored na bored s'ya kaya naisipan n'yang kulitin ang isang taong lubusang nakakasakay sa kanyang trip. Si Ralph. Tinawagan n'ya ito. 'Di naman nagtagal at sumagot din ito. Kinulit-kulit n'ya ito ng kung ano-anong bagay lang na maisipan n'yang mapag-uusapan nila. Matagal din silang nag-usap ngunit kinailangan din agad nitong putulin ang tawag dahil dumating daw ang ate nito.
Paano nga ba nagsimula ang lahat sa kanila ni Ralph?
Ilang buwan noon bago n'ya makilala si Ralph ay talagang mas boring para kay Ceelyn ang buhay n'ya. Walang bago, lahat ay isang cycle lang. Babangon nang maaga, papasok nang maaga, magle-lecture ang mga profs n'ya pagkatapos ay may mga surprise quizzes na para sa kanya'y mukhang 'di naman surprise. Kakain sila ng mga kaklase n'ya at magtsi-tsismisan ang mga ito na kadalasan ay ang kanilang guwapong prof na si Wesley ang topic at s'ya ang uusisain ng mga ito dahil alam ng mga itong magkababata sila. Matatapos ang klase n'ya at sandaling sasama s'ya sa mga nagyayaya sa kanya. Kakain s'ya kasabay ang mga ito at palaging may dessert na kuwentuhan. Pagkatapos nito ay excited na s'yang uuwi para maghandang magpaganda para sa unrequited love n'yang si Wesley na kadalasa'y nagpupunta sa kanila para sumalo sa hapagkainan at 'pag paalis na ito, minsan ay sumasama pa s'ya pauwi rito dahil ilang kembot lang mula sa kanila ang bahay nito.
Ganito lang lagi ang daily routine n'ya. Walang thrill. Ang tanging nagpapaiba lang ng walang kulay n'yang buhay ay 'pag nasisilayan at nakakausap n'ya si Wesley. Kung kailan nakaipon na s'ya ng lakas ng loob para magtapat dito ay saka naman dumating ang letse sa buhay n'ya. Si Claudeth. Simula noon ay nag-iba na ang lahat.
Hindi n'ya gaanong napapansin noon si Claudeth dahil nasa ibang faculty department ito, malayo mula sa college building nila. Ilang linggo lang ang nakakaraan ay napalipat ito ng faculty department. Nasa iisang department na ito at si Wesley. Napansin n'yang medyo naging close agad ang mga ito dahil siguro may pagkakahalintulad ang major na itinuturo ng dalawa. Minsang pinapunta s'ya sa faculty ng isa sa mga profs n'ya ay narinig n'yang itinutukso ang dalawa sa bawat isa. Bagay daw ang mga ito dahil sa parehas na bata at bagito, at higit sa lahat, parehas na magagandang nilalang.
Ilang linggo pa ang lumipas ay ini-announce na mapapalitan ang isa sa mga profs nila dahil magma-maternity leave ito. At ang papalit, walang iba kundi ang bruhilda, si Claudeth. Madami sa mga kaklase n'ya ang natuwa na karamiha'y mga lalaki.
Kasalukuyang si Claudeth ang prof nila. Wala s'yang ganang makinig kaya sa may bintana na lang s'ya tumingin at pinagmasdan ang bawat nagdaraang mga estudyante. Nang manawa ang mata n'ya'y nahagip ng paningin n'ya ang isa sa mga kaklase n'ya. Nasa bandang harapan n'ya ito kaya malaya n'ya itong mapagmasdan. Sa pagkakaalam n'ya'y hindi nila ka-block section ang lalaki. Habang tinitingnan n'ya ito'y nakatitig ito kay Claudeth. 'Yong tipong tingin na may paghanga. Is he one if her fanboys? Naintriga s'ya kaya simula noon ay inobserbahan n'ya na ang bawat kilos nito, nang pasimple.
Nalaman n'yang sikat din pala ito sa campus nila. Ralph Tuazon. He's one of the famous heartrobs in their campus. 'Di s'ya aware dito dahil wala naman s'yang paki sa mga nakapaligid sa kanya. Ang tanging goal lang n'ya ay ang makatapos na ng pag-aaral at masungkit si Wesley.
Minsang naglalakad s'ya sa hallway ay nakita n'ya si Claudeth. Marami itong mga dalang folders at papers. Kamuntikan na nitong mahulog ang mga iyon nang masalo ito ng isang estudyante. Si Ralph. Mukhang close naman ang dalawa dahil narinig n'yang kaswal ang tawagan ng mga ito. Nakita na naman n'ya ang tingin na iginawad ng lalaki kay Claudeth. Alam n'ya ang mga ganoong tingin dahil s'ya'y ganoon din pagdating kay Wesley. I think we're in the same boat, mister.
Minsang nagsunod-sunod na walang klase si Ceelyn kaya naisipan muna n'yang tumambay sa rooftop kung saan tahimik at sariwa ang hangin at puwede s'yang maidlip bago ang huli n'yang klase. Pumunta s'ya sa madalas n'yang puwestuhan pero may ibang nakapuwesto roon. Nakahiga ito at may takip na libro sa mukha.
YOU ARE READING
Falsified Romance
Short Story"You can have everything, except my feelings." Ito ang kasundaun nina Ceelyn at Ralph, kapwa may unrequited feelings sa mga taong mahal nila. Nagkasundo sila dahil sila ang perfect replacement para sa isa't isa. At dahil parehas silang takot umamin...