INABANGAN na ni Ceelyn sa parking lot ng school nila si Ralph. Ilang sandali lang ay dumating na ito. 'Di n'ya na ito nai-text na gusto n'yang tumambay muna sa bahay nito dahil na-lowbat na ang phone n'ya.
"Yo!" bati n'ya rito.
"Aba, abangers ka na ngayon, ah," komento nito pagkalapit sa kanya.
"Patambay ulit sa bahay n'yo." Talagang tinatamad s'yang umuwi nang maaga dahil wala naman s'yang maaabutang tao roon. Parehas nasa trabaho ang mga magulang n'ya at sa oras pa ng hapunan makakauwi ang mga ito. Solong anak s'ya kaya wala s'yang ibang makukulit 'pag bored s'ya.
"Mukhang napapadalas ka na sa bahay, ah. Ginawa mo nang tambayan, eh," natatawang wika nito. Ilang sandali lang ay sakay na sila sa kotse nito at makalipas ang ilang minutong biyahe ay nakarating na sila sa bahay nito. Dumeretso sila sa kuwarto nito.
"Ano na’ng plano mo ngayon, Ralph? Wala ka pa bang naiisip na move kay Claudeth?" tanong n'ya rito habang binubuksan ang Wifi nito. Pati password nito ay kabisado n'ya na. Naki-charge na rin s'ya ng phone n'ya. Feel na feel at home na s'ya.
"Mahirap dumiskarte 'pag nasa school tayo. Alam mo namang bawal magkaroon ng teacher-student relationship. Ayoko namang parehas kaming mapahamak. Okay na 'yong pakonti-konti at saka, gusto ko in private," paliwanag nito bago ito kumuha ng damit sa cabinet.
"Oo nga naman. Slowly but surely," aniya habang nasa cellphone ang kanyang atensiyon.
"Gusto mong manood ng movie? Tutal wala naman akong gagawin kaya libreng-libre ako ngayon," maya-maya’y tanong nito na ngayon ay nakapagpalit na ng pambahay.
"Sige. Ano ba'ng movie ang meron ka d'yan? Porn?" kaswal na tanong n'ya rito. Narinig n'yang tumawa ito ng nakakaloko kaya nilingon n'ya ito.
"Kung 'yon ba ang gusto mo, bakit hindi?" sagot nito sa kanya habang pilit na pinipigil ang matawa.
"So, meron ka ngang porn dito?" painosenteng tanong n'ya. "Mga lalaki talaga, ang e-L."
"Grabe naman s'ya, oh. 'Di naman lahat. So, ano na nga, isasalang ko na ba 'yong porn? Kung gusto mo, sa PC na lang tayo para HD," pilyong wika nito.
"Sira-ulo ka talaga! So, talagang 'yon nga ang panonoorin natin kung 'di ko sasabihing nagjo-joke lang ako?"
"Oo. Eh, sa 'yon ang gusto mo, eh. Why not? Matagal na rin akong 'di nakakapanood no’n dahil ang daming school works."
"Yuck! Ano ba 'yan, Ralph. 'Wag ka nga, babahiran mo pa 'tong malinis kong isipan. Saka tigilan mo nga ako, virgin pa ako sa mga ganyan, eh," deretsahang wika n'ya rito. Humagalpak ito ng tawa pagkasabi n'ya no'n.
"Ano ka ba? Nagjo-joke din lang ako, no! Ang serious neto," tumawa ulit 'to.
"Ikaw na lang ang manood kung gusto mo, tinatamad akong manood, eh." Ibinalik n'ya ang atensiyon sa cellphone n'ya.
"Sige, kung 'yan ang gusto mo." Umupo na ito at may kinuhang kung ano.
Maya-maya'y naramdaman n'yang nagbukas ito ng laptop at nagpasak ng earphones. Mukhang manonood nga ito ng movie. Nang magsimula itong manood ay lumipat s'ya ng puwesto. Umupo s'ya sa higaan nito dahilan upang masilip n'ya ang pinapanood nito. Mukhang foreign movie. Ibinalik ulit n'ya ang atensiyon sa kanyang cellphone. Nag-i-scroll lang s'ya ng kung ano-anong bagay na mababasa at mapapanood. Matagal s'yang nasa ganoong estado at nang magsawa ay nag-disconnect na s'ya sa Wifi. Kinuha n'ya ang earphones n'ya at nakinig na lang s'ya ng mga kanta.
CONCENTRATED si Ralph sa panonood ng movie. Pinindot n'ya muna ang pause button upang tingnan ang babae. Napansin n'yang wala na ito sa kinapupuwestuhan nito kanina. Inilibot n'ya ang tingin at nakita n'ya itong nakahiga sa higaan n'ya. Mukhang nakatulog ito sa pakikinig ng mga kanta dahil may pasak itong earphones. Pinagmasdan n'ya saglit ang natutulog nitong mukha. He had to admit it, she's kinda pretty and sexy. She's harmless in her position now. Kung salbahe lang s'yang lalaki ay malamang na hinudas n'ya na ito. Sorry, baby, but I'm a good boy. Natawa s'ya. Muli n'yang ibinalik ang atensiyon sa kanyang pinapanood.
YOU ARE READING
Falsified Romance
Cerita Pendek"You can have everything, except my feelings." Ito ang kasundaun nina Ceelyn at Ralph, kapwa may unrequited feelings sa mga taong mahal nila. Nagkasundo sila dahil sila ang perfect replacement para sa isa't isa. At dahil parehas silang takot umamin...