KASALUKUYANG nasa rooftop si Ceelyn kasama n'ya s'yempre, sino pa nga ba? Walang iba kundi si Ralph Tuazon. Nakaunan ito sa hita n'ya habang ngumunguya ito ng bubblegum. Nag-vibrate ang cellphone n'ya. Tiningnan n'ya kung sino ang nag-text. Lumukso ang puso n'ya nang makita kung sino ang nag-message sa kanya. Si Wesley. Tinatanong nito kung may lakad daw ba s'ya pag-uwi at kung puwede daw na sabay sila nitong umuwi dahil matagal-tagal na rin daw silang hindi nakakapag-bonding. S'yempre, para sa'yo Wesley, walang nang isip-isip pa. Go ako!
"Ang lapad ng ngiti natin d'yan, ah," komento ni Ralph bago nito palobohin ang nginunguyang bubblegum. 'Di n'ya ito pinansin. Magre-reply na s'ya nang muling mag-vibrate ang cellphone n'ya. Ito ulit ang nag-text. Ang sabi nito ay kung okay lang ba sa boyfriend n'ya baka daw kasi magalit. Nireply-an n'ya ito.
"Oy, Ralph, 'di muna ako sasabay umuwi sa'yo, ha. Niyaya akong mag-date ni Wesley, eh." 'Di n'ya maitago ang tuwa. Umangat ito mula sa pagkakahiga sa hita n'ya.
"Pagkakataon mo na 'yan. Mag-confess ka na para malaman mo na'ng isasagot n'ya. At para kung ma-reject ka man, at least 'di ka na aasa. Mahirap kaya'ng umasa."
"Ikaw ang lubos na nakakaalam na 'di ganoon kadali 'yon." Tiningnan n'ya ito. "Eh, ikaw? Kailan mo balak magtapat? Magwi-weekends na, ba't 'di mo s'ya yayain? 'Di ba sabi mo, matagal na rin silang 'di nagkikita ng ate mo?"
"Naisip ko na 'yan kaso, 'di ako makatiyempo sa kanya, eh. Lagi s'yang busy. Kung 'di nga lang natin s'ya prof sa isang subject, malamang, 'di ko s'ya makikita. Saka medyo busy rin sa college namin," paliwanag nito. Nagkibit balikat na lang s'ya.
EXCITED s'ya nang magkita sila ni Wesley. Nagpunta sila nito sa isang mall. Nagyaya itong magmeryenda muna bago sila gumala. Niyaya n'ya ito sa 'di masyadong mataong fast food para naman sulit ang quality time nila na bihirang mangyari.
"Mukhang stressed si Sir Monteverde, ah," wika n'ya rito bago kainin ang kao-order nilang sundae.
"Cee-Cee, we're in private, so drop the honorifics. Parang ewan 'to," natatawang wika nito. Parang naaalibadbaran itong tawaging "Sir" 'pag wala na sila sa school. Lagi n'ya kasi itong inaasar at tuwang-tuwa s'ya 'pag naaasar ito. Iba talaga ang aura nito 'pag wala sila sa school. Medyo intimidating ito 'pag nagtuturo palibhasa'y bata pa nga at ayaw nitong makayan-kayanan ng mga estudyante.
"Kumusta ang mga fangirls mo? Ang hirap kasing maging guwapong prof, no?" Umasim ang mukha nito. Natawa s'ya. Kung hindi mo ito kilala'y 'di mo aakalaing isa pala itong prof. Mukha din kasi itong estudyante 'pag 'di nito suot ang salamin sa mata.
"'Yan nga din ang pinoproblema ko. Minsan ang hirap pasunudin n'ong iba palibhasa, masyado akong malambot sa kanila 'pag wala na kami sa classroom. 'Yong iba, masyadong kaswal sa'kin porket bata pa ako. Pero kailangan nilang malaman na may limitations ang lahat. They should respect me because I'm still their teacher." Mukhang naghihimutok na ito. Pansin n'ya rin ang stress sa mukha nito kaya siguro halos 'di na ito nakakadaan sa bahay nila nitong mga nakaraang araw. Kawawa naman ang bebe ko.
"Prof na prof ka na talaga, Kuya Wes," masayang wika n'ya rito. "Bakit 'di mo ibahin nang konti 'yong style mo? Dapat iparamdam mo sa kanilang ikaw pa rin ang mas powerful. Sindakin mo nang konti."
"Ayoko namang mangilag sa'kin ang mga estudyante ko. Gusto ko 'yong alam nila na madali akong i-approach, pero 'wag namang sobra. 'Yong iba kasi medyo personal na, eh." Napabuntong hininga ito.
"Alam mo, iba na talaga ang takbo ng panahon ngayon. Iba na ang takbo ng isip ng mga kabataan. Konting kibot mo lang, minsan may ibig sabihin na para sa kanila. Nagbabago na ang takbo ng panahon kaya nagbabago na rin takbo ng isip at pag-uugali ng mga tao." Ngayon lang n'ya namalayan na nakatitig pala ito sa kanya. Concentrated kasi s'ya sa pagkain ng sundae. Bigla tuloy s'yang na-conscious.
YOU ARE READING
Falsified Romance
Short Story"You can have everything, except my feelings." Ito ang kasundaun nina Ceelyn at Ralph, kapwa may unrequited feelings sa mga taong mahal nila. Nagkasundo sila dahil sila ang perfect replacement para sa isa't isa. At dahil parehas silang takot umamin...