Kabanata 1

3 0 0
                                    


Suitor

"Goodluck Selene," Pambungad ni Joshua ng tabihan niya ako sa paglalakad. Paakyat na kami papunta sa room namin.

"Goodluck din."

"Tapos mo na yung mga projects?"

"Oo. Kagabi ko lang tinapos lahat, Ikaw?"

"Wala pa nga akong nagagawa eh," napakamot siya sa batok niya na parang nahihiya. "Hindi naman kasi ako kasing sipag ng running for top 1 sa room." Sabay tingin sa akin.

Ako kasi ang running top 1 sa room. Simula first to third quarter ako ang top 1, kaya baka siguro ako pa din sa fourth.

"Tssk. Wag kasi puro online games." Pabiro ko sa kaniya.

"Di ko maiwasan eh."

"Sige ikaw din, Baka mag repeat ka pag di mo inayos pag-aaral mo."

Sumeryoso siya pagkatapos ng sinabi ko.

"Joke lang. Bukas na bukas din magpapasa ako. Gusto kong maging proud sakin yung babaeng balak kong ligawan." Sabay kindat sakin.

Nag-init ang dalawa kong pisngi dahil sa ginawa niya. Iniisip ko tuloy na ako yung balak niyang ligawan pero alam kong hindi, sobrang gwapo niya masyado, di kami bagay. Kaya naman pabiro ko siyang inirapan at nagpatiuna sa paglalakad.

Tumatawa siyang sumunod sakin. Inakbayan niya ko habang naglalakad. Dumami lalo ang nakatingin samin dahil sa ginawa niya kaya naman siniko ko siya para ipahiwatig na tanggalin ang pagkakaakbay niya sakin. Buti na lang at mukhang na gets niya.

Pagpasok namin sa room biglang tumahimik. Nagtataka ko silang tinignan isa-isa. Lumapit ako kay Andrea dahil katabi ko siya sa upuan.

"Bakit?" Nagtataka kong tanong ng mapansin kong nakatitig lang siya sakin. Lumagpas ang tingin niya sa likod ko kaya napalingon ako sa likod ko.

Ganon na lang ang gulat ko ng makita si Joshua na may hawak na cartolina na kulay pink.

'SELENE PWEDE BA AKONG MANLIGAW?'

Yan ang nakalagay sa cartolina. Nag-init ang pisngi ko ng mapagtanto kung bakit sila biglang tumahimik kanina.

Parang kanina lang iniisip ko pa lang na ako yung balak niyang ligawan then voila, ako nga.

Tinignan ko sila isa-isa at lahat sila nakatingin at mukhang inaantay ang sagot ko. Tinignan ko si Joshua na kasalukuyang nakatayo ilang hakbang mula sakin. Hawak niya pa din ang cartolina pero may hawak na din siyang bulaklak.

Nahihiya man, sinikap kong maglakad palapit sa kaniya. Tinitigan ko siya hanggang sa unti-unti akong tumango. Mukhang nakuha niya ang gusto kong ipahiwatig kaya naman ganon na lang kalaki ang ngiti niya.

Tumalon talon pa siya na animo'y nanalo sa lotto. Napangiti tuloy ako sa tinuran niya. Ang cute niyang tignan, para siyang bata na binigyan ng candy at labis ang pagkatuwa dahil dito.

Tumigil siya sa pagtalon at lumapit sakin. Ibinigay niya ang bulaklak at niyakap ako. Bigla na lamang nagsigawan ang mga classmate ko. Kaya humiwalay na ako sa kaniya. Napayuko ako dahil sobrang init na ng magkabila kong pisngi.

Natapos ang araw ko ng sobrang saya. Salamat kay Joshua.

Pagkauwi ko ng bahay, tinapos ko na agad ang mga dapat kong gawin. Naglinis na din ako para wala ng gagawin ang ate pagkauwi galing sa trabaho.

Habang nagbabantay ako sa tindahan, napansin kong may iilan pang estudyante ang dumadaan. Mukhang pauwi pa lang, dahil sobrang boring pinanood ko na lang sila habang nakikinig sa kanta.

Merong isang lalaki ang familiar sakin. Wait.. San ko ba siya nakita?

Wait!

Omg!!

Siya yung crush ko nong elementary! Omg!

Siya si ano.. Sino ba yon?

Siya si..

Siya si Devis!!! Omg!!



- -

Please, Love me againWhere stories live. Discover now