Jealous"Ang cute naman magselos ng baby ko.." Pigil ulit na tawa kong saad. Lumingon siya sakin ng naka kunot ang noo.
"Sinong nagsabi na nagseselos ako sa kalbong yon?" Di ko na napigilan. Tumawa ako ng malakas dahil ang cute niya habang sinasabi niya yon. Lalong nangunot ang kaniyang noo at umigting ang panga. Saglit niya akong tinitigan bago talikuran.
Pinalipas ko muna ang pagtawa ko bago ko siya lambingin. Muli ko siyang niyakap at inihilig ang aking ulo sa kaniyang likod.
"Huwag ka ng magselos baby.. Ikaw lang naman ang gusto ko.." Naramdaman ko ang paghawak niya sa kamay kong nakapulupot sa kaniya. Pinaghiwalay niya yon at lumingon sakin. May ngiti ang kaniya labi ng ako'y mag-angat ng tingin.
"Dapat lang no. Dahil hindi ako papayag na magkagusto ka sa iba." Sabay kurot niya sa ilong ko. Napangiti ako sa sinabi niya at niyakap siyang muli. Ginantihan niya ang yakap na yon.
"Ano ba yan PDA!" paninira ni Andrea sa eksena.
Agad kong kinalas ang pagkakayakap ko kay Joshua. Malaki ang ngisi ni Andrea ng mag-angat ako ng tingin.
Minsan ang sarap pektusan nitong babaeng to eh. Panira ng moment.
"Panira naman..." Bulong-bulong ni Joshua.
Napangiti na lamang ako sa sinabi niya.
Mabilis na lumipas ang araw at ngayo'y 4th periodical test na namin. And 1 month na lang 3rd year na kami.
Ang bilis ng araw.. parang kailan lang ay nagkakahiyaan pa kami dahil sa 'introduce yourself' thing na yan. Tapos ngayon, 1 month na lang at magkakahiwa-hiwalay na kami. Well di ako sure, kase may possibility pa din na magkakaklase yung iba samin. Ramble kasi dito ang paglalagay ng student sa isang section, bale 50/50 ang chances namin.
"Sana magkaklase pa di tayo no?" Ani ni Joshua.
"Sana, pero 50/50 kase ramble eh."
"Pano kaya kung kausapin ko si ma'am? Na gawing same section tayo?"
"Ano ka ba! Wag na, hayaan na lang natin."
"Anong hayaan? Eh pano pag hindi na tayo magkaklase? May possibility na maraming magkagusto sayo tapos liligawan ka. Mamaya gwapo tapos magustuhan mo pa." Nakasimangot niyang saad.
Tinitigan ko lang siya at hindi nagsalita. Ang cute niya talaga magselos. Para siyang bata. Tumawa ako dahil sa naisip ko.
"Bakit ka tumatawa? Kase totoo?" Nakakunot no niyang saad. Kung kanina'y nasa malayo ang tingin niya, ngayon nasa akin na ang buo niyang atensyon.
Tignan mo to! Parang sira.
"Hindi no! Grabe ka naman!"
"Sus.."
"Alam mo, kailangan nating mag tiwala sa isa't isa. Sa tingin mo ikaw lang yung nag-aalala? Pano kung di na tayo magkaklase tapos magkagusto ka sa iba. Masakit para sakin yon. Pero di naman sa lahat ng pagkakataon ay magkaklase tayo, sa lagay na yon mas magkakaroon ng thrill yung panliligaw mo. Mas mapapatunayan natin kung loyal ba talaga tayo sa isa't isa."
Ang isiping magkagusto siya sa iba ay parang hinahati sa pira-piraso ang puso ko. Alam kong may chance na magkagusto siya sa iba, pero ayoko. Gusto ko ako lang ang gusto niya.
Ngumiti ako sa kaniya at hinawakan ang kamay niya. Pinagsiklop ko iyon at sinandal ang sarili sa kaniya.
Inakbayan niya ako at mas hinapit palapit sa kaniya.
"Mananatiling ikaw hanggang dulo.." Bulong niya.
Sana nga Joshua.. Sana nga..
- -
YOU ARE READING
Please, Love me again
RomanceBakit pag ang lalaki may ginagawang kasalanan sa babae, sobrang laking kasalanan. Tapos nag sorry kay girl, madaling pinapatawad ng babae kase mahal nila yung lalaki. #KahitKailanAngRupokTalagaNgMgaBabae Pero kapag ang babae, nakagawa ng kasalanan...