Saw him againWala ako sa sarili habang naglalakad papasok sa school. Malapit lang kasi ang bahay namin sa eskwelahan ko kaya di na ako gumagastos pa.
Hindi pa rin mawala sa isip ko ang nakita ko kagabi. Parang bumalik lahat ng alaala ko noong elementary. Mga alaala kung paano ako gumawa ng paraan para lamang makita siya.
Hanggang ngayon alam kong may nararamdaman pa rin ako sa kaniya. I mean, crush ko pa din siya. At mali ito, may manliligaw na ako ngayon at gusto ko siya. Gusto ko si Joshua. Pero bakit ganon? Bakit nong nakita ko lang siya eh parang bumalik ang feelings ko?
Hindi kaya dala lang to ng pagkagalak? Kase nakita ko ulit yung naging crush ko ng elementary? Hmmm, siguro nga.
Nagulat ako dahil may biglang umakbay sakin habang paakyat ako ng hagdan. Gulat kong nilingon kung sino ito. Si Joshua. Nakatingin sakin habang nakangiti.
"Lalim ng iniisip mo ah, ako ba yan?" Pagbibiro niya.
"Oo," pagsakay ko sa biro niya. Ganon na lang ang lakas ng pagtawa ko ng makita ang pamumula niya. Ang cute niya talaga pag kinikilig. Namumula hahaha.
"Uyy, namumula siya.. Kinikilig.." Pang-aasar ko pa."H–Ha? Sinong nagsabing namumula ako? Hindi no!" Kainis ang cute niya talaga. Kaya naman hinawakan ko ang pisngi niya bilang pang-asar. Agad niya namang kinuha ito at hinawakan. Para tuloy kaming magkasintahan na PDA, HHWW.
Dahil sa ginawa niya ako naman ngayon ang namula. Nag-init ang magkabila kong pisngi kaya yumuko ako. Pasimple kong binabawi ako kamay ko mula sa pagkakahawak niya. Pero mas lalo niya lang itong hinigpitan. Napaangat ako ng tingin at ganon na lang ang laki ng ngiti niya. Mukhang natutuwa dahil nahihiya na naman ako.
Hinila niya ako palapit sa kaniya, binitawan ang aking kamay at ganon na lang ang paghihinayang ko. Inakbayan niya akong muli gamit ang kaniyang kaliwang kamay, at ganon na lang ang gulat ko ng kunin ng kanang kamay niya ang kanang kamay ko.
Kinikilig ako! Bakit ba ganito to?! Arghh.
Inangat ko ang tingin ko para tignan siya, nakangiti lang siya habang diretso ang tingin. Dahil doon, napangiti din ako dahil natanto ko na napaka swerte ko. Napaka swerte ko dahil ako ang nagustuhan ng isang Joshua Tan.
Bago kami makapasok may tumawag sakin galing sa kabilang section. Napahinto ako at nilingon yon. Si Harry. Napansin kong humigpit ang hawak ni Joshua sa kamay ko kaya naman napaangat ako ng tingin sa kaniya. Pero diretso lang ang tingin niya Harry.
"Bakit?"
"Ahm, pwede bang makahiram ng libro sa Math?"
Bago pa man ako sumagot, inunahan na ako ni Joshua.
"Wala siyang libro ng Math." Malamig niyang sabi. Hinila niya na ako para ipagpatuloy ang paglalakad.
"Joshua naman! Bakit ganon ang sinabi mo? May libro ako na Math no." Nakasimangot kong saad.
Pero di niya ako pinansin. Tuloy-tuloy lang kami sa paglalakad.
Pagpasok namin sa room, may iilan pa ding nakatingin samin. Yung iba kinikilig, yung iba walang pakialam. Sumunod siya sa upuan ko, ang akala ko ay ihahatid niya lang ako pero ganon na lang ang gulat ko ng umupo siya sa bakanteng upuan sa tabi ko. Sa may bandang kaliwa at sa kanan naman si Andrea.
"Anong ginagawa mo diyan?"
"Nakaupo." Nakasimangot niyang sagot.
Aba!
"Hoy! Bakit ang sungit mo?"
Pero di niya ako sinagot. Hmmm mukhang alam ko na. Napatawa ako dahil siguro yun nga ang dahilan. Dahil sa pagtawa ko, napaangat siya ng tingin sakin habang naka kunot ang noo. Hindi pa kasi ako umuupo.
"Why are you laughing?" Masungit niyang tanong. Nang dahil doon mas lalo lang lumakas ang tawa ko. At mas lalo naman siyang sumimangot. Hindi ko na natiis kaya kinurot ko na ang pisngi niya.
Tumabi ako ng upo sa kaniya at niyakap siya ng patagilid."Ang cute naman ng baby ko.." Pigil tawa kong pang-aalo. Pero hindi niya ako pinansin.
-
YOU ARE READING
Please, Love me again
RomanceBakit pag ang lalaki may ginagawang kasalanan sa babae, sobrang laking kasalanan. Tapos nag sorry kay girl, madaling pinapatawad ng babae kase mahal nila yung lalaki. #KahitKailanAngRupokTalagaNgMgaBabae Pero kapag ang babae, nakagawa ng kasalanan...