Chapter Nine: In His Eyes [Part Two]

58 2 4
                                    

[sensya na tamad talaga ako :))) Author]

Badtrip naman, hindi pa din ako pinapansin ni Kristen simula nung inasar ko siya. Mag oone week na yata un. Hays Monday na naman.

"oi Robbie, anung nangyayari sayo?" tanong ni Reese, habang nag mamaneho ako papuntang bahay.

"wala.." matumal kong sinabi.

"alam mo last week ka pa ganyan."medyo nainis niyang sinabi. "sabihin mo na kasi, girlfriend mo naman ako eh."

"wala nga." Tahimik kong sinabi.

Hindi na kami masyadong nag kibuan ni Resee, baka kasi sa away naman ito mapunta. Madalas na kaming nagaaway, ewan ko ba sa kanya kung bakit. Medyo napaparanoid na siya, hindi na siya tulad ng dati. Lagi ko kaya siyang pinapabayaan, kahit mag bar siya at iba't ibang lalaki kasama niya. Hinahayaan ko lang siya, ngayon naghihigpit siya. Di ba dapat ako yung ganun.

"ma, were here." Sabay sabit ng susi ng car sa cabinet.

"hi po tita, it's good to see you." bati ni Reese.

"oh hi iha." bati din mama. You know, ayaw ni mama kay reese. Ewan ko kung bakit, pero sabi niya may nasesense daw siyang hindi kanais nais. Galing ng nanay ko no parang aso. "o Robert parating na daw sila Kristen at yung ibang ka thesis mate niyo. Ayusin niyo na yung activity room para makapagsimula na kayong gumawa.

"opo ma," sagot ko. "reese dun ka muna sa room ko? Or do you want to stay with me?"

"I'll be at you're room na lang baka makaistorbo ako sa inyo." Sagot niya habang nakatalikod kay mama.

Napansin ko na tila ginagaya ni mama yung sinabe ni Reese. "ma, are you okay?"

"heheh, yes anak. Sige na pumunta na kayo dun at para makapag luto na ako." Mabilis niya sagot.

Loko talaga to si mama kahit kalian. Wala naman magawa kaya pati ibang tao pinag tritripan. Magnanay talaga sila ni Charlotte.

"Rob, san kwarto mo?" tanong ni Reese.

"sa taas," sagot ko. "Gusto mo bang mag pahinga muna?"

"oo, wala pa kasi akong tulog hangang ngayon, grabe kasi yung thesis namin eh." Sagot niya. "buti ka nga ehh gragraduate ka na next year. Ako, maghihintay pa ng 2014."

"okay lang yan, kaya mo naman yung course mo eh." Ngumiti na lang ako para maibsan ung lungkot niya."

Nanood muna kami ni Reese ng movie habang na hihintay sa iba. Medyo malayo pa kasi sila nung dumating kami sa bahay.

"Robert, do you think you're mom likes me?" tanong nito.

"of course" sagot ko, kahit alam ko na ayaw talaga ni mama sa kanya. Alam ko kasi masasaktan siya if she know the truth.

Mag dadalawang oras na kaming naghihintay, patapos na din yung pinapanood niya twilight. Korni nga eh, di hamak na mas gwapo ako dun sa bida. Pati din yung kapatid kong si charlotte baliw na baliw din. Kay bata bata pa nagiging haliparot na. (san kaya nakuha ni author yang word na yan -_-)

"hays, kinikilig pa din ako kay Edward." Napa bungtong hininga siya after manood. "new moon naman."

May naring akong humintong sasakyan sa tapat, sa palagay ko kakarating lang nila.

"mama?" naring ko yung boses ni Kristen. "mama?

Kaya lumabas ako ng kwarto at saktong nasa tapat ko na siya. "umalis si mama, kris."

"ah okay." Sabay pumasok sa kwarto niya.

Ayun ganun pa din ang trato niya sa akin, so cold.

"oh bat parang nabalisa ka nmn Robert?" nasa likod ko na pala si Reese.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 19, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Epic FaiLove [on going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon