Chapter Three

1.9K 44 0
                                    

Tinanaw nya ang ina habang palabas ng hospital at pinigil ang sariling sundan ito.  Lahat halos ng kahilingan ng ina ay ibinibigay nya.  And realized late that it was bad for her.  He spoiled his mother. 
Mula pagkabata hangga magkolehiyo ay magkasama sila sa dating bahay nila sa Alabang.  Evelyn was Fifteen years older than him at nagkokolehiyo na.  Sa isang dormitoryong pambabae ito tumuloy at bihirang umuwi.  Marahil ay hindi rin nito kayang tiisin ang madalas na pagtatalo ng mga magulang dahil sa lantarang pambabae ng ama. Nang matapos ito sa kolehiyo at magkatrabaho ay kumuha ng apartment sa halip na pumisan sa kanila sa Alabang. Kung kaya naman sya ang naging sandalan ng ina.  Kahit nang magkolehiyo na sya ay sa Alabang pa rin sya umuuwi.  His mother constantly cried and filled him with her sob stories.  She was depressed and constantly had nervous breakdown.  At tila iyon ang lagi nitong ginagamit na mga dahilan upang hindi nya iwanan. 
Nasa huling taon sya sa kolehiyo nang mamatay ang ama dahil sa isang road accident.  Ibinenta nila ang bahay sa Alabang at nanirahan sa Quezon City.  Tila nagsimulang muli ang ina sa buhay nito.  Nagtungo ito sa abroad sa kapatid nito at makalipas ang ilang taon ay naging citizen na roon.  Pabalik balik na lamang ito sa Pilipinas. 
Nang makapag asawa si Evelyn at makapundar ang mga ito ng sariling bahay ay ibinenta nya ang bahay sa Quezon City.  Nang matapos nya ang kursong Advertising ay dalawang taon syang nakapagtrabaho sa isang kilalang Ad agency bago sya muling nag aral ng Culinary Arts.  Ang bahagi nya mula sa napagbentahan ng bahay sa Alabang at Quezon City ay ipinundar nya ng isang hotel/restaurant sa La Union.  Napadpad sya sa La Union dahil sa mga dating kasamahan sa Ad agency.  He fell inlove with the place at nahilig na rin sa surfing.  Bukod doon, malayo iyon sa ina.  His mother never approved of his choices.  At ngayon, tila nais na naman syang kontrolin ng ina.  Naiiling na humakbang sya patungo sa kwarto ni Cara.  Hindi sya naniniwala sa ina na mistress nga ito ni Ramon.  Hindi ang tipo ni Ramon ang gagawa ng bagay na ikasisira ng pamilya nito.   Mas nais nyang kausapin ang bayaw kesa magpadala sa manipulasyon ng ina.
He opened the door and stepped inside.  May isang nurse syang dinatnan na inaayos ang suwero ng pasyente.  Hindi rin ito nagtagal at nakangiting nagpaalam sa kanya. 
Nang makalabas ito ay lumapit sya sa gilid ng kama at minasdan ang pasyente.  Sa kabila ng pasa at tahi nito sa gilid ng noo, ito ang pinakamandang mukhang nasilayan nya.  Ang braso nitong hindi nakacast ay puno rin ng pasa at galos.  At tila dinurog ang puso nya.  Kumunot ang noo nya sa emosyong naramdaman.  Well, natural na maawa sya sa anyo nito.

Naupo sya sa katabing upuan at inilapag ang jacket sa kama nang mula sa jacket ay may nahulog.  Kunot noong pinulot nya iyon.  Iyon ang engagement ring na para sana kay Bella.  But she declined his marriage proposal.  Ayon dito ay hindi pa ito handa sa mas seryosong stage ng kanilang relasyon.  Kinabukasan ay walang paalam na lumipad ito papuntang Europe para sa isang modeling audition.  Ni hindi nito nagawang magtext o tumawag at ipinasabi lamang sa isang kaibigan.  Isa itong modelo at ayon dito  ay isang magandang oportunidad iyon na hindi nito mapapalampas. 
Nakilala nya ito sa La Union mismo nang magkaroon ng photo shoot ang mga ito roon.  Halos isang taon na silang magkasintahan at inisip nyang iba ito sa mga dati na nyang nakarelasyon.  Bukod sa confident ito ay  hindi ito clingy at selosa.  And he thought, bringing their relationship to a new level will be good for them.  Ngunit tila may sariling plano si Bella at hindi sya kasama roon. 
Wala sa loob na inikot ikot nya ang singsing at muli iyong nahulog sa gilid ng kamay ni Cara.  He noticed her long fingers and her nails are clean and short.   Hinawakan nya ang kamay niyon at wala sa loob na pinagsalikop sa kamay nya.  Napangiti sya at wala sa loob na isinuot sa ring finger nito ang engagement ring.  It was made in gold at may tatlong maliliit na brilyanteng nakapaikot.  It was a perfect fit at sa tingin nya ay bagay iyon sa daliri ni Cara.  Ibinaba nya ang kamay ni Cara and admire the ring on her finger.
Nasa ganoon syang posisyon nang bumukas ang pinto at pumasok ang doctor kasunod ang ilang nurses.  Tumayo sya at bahagyang lumayo nang icheck ng mga ito si Cara.
“Will she wake up soon?” tanong nya nang ulitin lang ng mga ito ang sinabi ng inang kondisyon ng dalaga.
“Yes of course.  Pero kailangan pa namin syang bigyan ng gamot para sa sakit ng mga sugat nya.  These medicines will make her groggy.”
Tumango sya. 
Nang lumabas ang mga ito ay dinampot na rin nya ang jacket at niyuko ang natutulog na dalaga.  “Sleeping Beauty…” he whispered.  “Will you wake up if I give you a kiss?”  her lips inviting.  Tila wala sa sarili na inilapit nya ang mukha.  Ilang pulgada bago tuluyang dumampi ang labi nya ay nagmulat ito ng mga mata.  Agad syang napaunat.
“Hi..” nakatingin lang ito sa kanya na tila kinikilala sya.  “I’ll call the doctors.” Aniya at mabilis na tumalikod.  Anong iniisip nya para tangkaing halikan ito!

For Always Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon