Naiinip na muling nilinga ni Ellen ang paradahan ng tricycle sa kabilang kalsada mula sa sinasakyang Toyota Fortuner. Ang inaabangan nya ay sampung minuto ng huli. Sinulyapan nya ang matandang driver na nagbabasa ng dyaryo. Bago pa nagkapangasawahan ang kanyang panganay na anak na si Evelyn at manugang na si Ramon ay driver na ito ng pamilya. He used to drive for her husband na matagal ng namayapa. Bukod sa hindi ito madaldal ay sigurado sya sa loyalty nito kaya hindi sya nagdalawang isip na isama ito sa lakad na iyon.
Napaunat sya ng upo nang matanaw na bumaba sa tricycle ang inaabangan. Si Cara.
Iniuwi ito ni Ramon mahigit dalawang linggo na ang nakalilipas at hindi maganda ang kutob nya rito. Ayon sa manugang ay anak ito ng isang pumanaw na kaibigan at nais nitong tulungan. Pumapasok ito bilang front desk staff sa isang condotel hindi kalayuan sa subdivision. Nakatakda itong mag enroll sa susunod na pasukan para sa regular na posisyon sa pinagtatrabahuhan. It is a good thing to help people in need but she believes Cara’s case is different. She is young and beautiful. Deep setted eyes, matangos na ilong and slightly wide mouth na nagdagdag ng appeal sa exotic na ganda nito. Her hair long and wavy at itim na itim. At bagaman morena ito ay makinis at pantay pantay ang kutis nito. Wag ng idagdag na mataas ito kesa sa karaniwan at balingkinitan ang katawan. Hindi nya nais bigyan ng malisya ang pagtulong ng manugang dito ngunit narinig nya ang pagtatalo ng mag asawa. Kung walang magawa ang anak para mapaalis si Cara ay sya ang gagawa ng paraan. Hindi naman nakapagtataka kung patulan nito ang manugang. Bukod sa may pera ang manugang na nagtatrabaho bilang head ng isang real estate company ay magandang lalaki ito at matipuno pa rin kahit may edad na.
“Sundan mo, Pablo.” Utos nya sa driver nang makitang sumakay ng jeep ang babae. Pangalawang araw na nila itong ginagawa at bagaman wala namang kakaiba sa routine nito ay hindi nya ipinagwawalang bahala na hindi miminsang naisabay ito ni Ramon pauwi. Ayon kay Ramon ay nadaanan ito sa paradahan ng tricycle. Bukod doon ay ilang beses din itong isinasabay ni Ramon at ni Evelyn palabas ng subdivision hangga sa sakayan ng jeep.
Bumaba ito bago ang trenta minutos na biyahe at pumasok sa isang mataas na gusali. Kung mag aaral itong muli ay alam nyang hindi rin ito mahihirapan kahit magpatuloy ito sa trabaho. Magaan lamang ang byahe mula sa pinapasukan nito at sa unibersidad na nakatakdang pasukan nito. Nakikita nyang masipag at magalang ang dalaga ngunit kung ito ang magiging dahilan ng pagkasira ng pamilya ng anak ay hindi nya mapapayagan iyon. She has to go one way or another.
Naghintay sya ng mahigit kalahating oras bago ipinabalik sa mansyon ang sasakyan. Hindi nya tiyak ang eksaktong oras ng uwi nito kaya hindi na sya nag aabalang hintayin ito hanggang uwian.“James is in Manila.” Salubong ni Venice. Nag iisang anak ito nina Ramon at Evelyn. Isa sa maraming dahilan kaya ayaw nyang masira ang pagsasama ng mag asawa. Nasa huling taon na ito sa kolehiyo sa kursong Marketing.
“Your uncle James.” Pagtatama nya matapos itong humalik sa kanya. “Bakit hindi sya nagpasabi? Where is he staying?”
“Uncle James…” she pouted. Hindi nito kailanman tinawag na uncle ang kanyang bunsong anak na matanda lamang rito ng siyam na taon. James is a menopaused baby. Isa na itong chef at may hotel/restaurant sa La Union na labis nyang tinututulan. Kasama ang ilang kaibigang surfers ay itinayo ng mga ito ang hotel/restaurant na iyon. Bukod sa malayo sa kanya ay hindi sya naniniwalang seryoso ito sa negosyong iyon. Maari nitong pamahalaan ang ilang pawnshops na pag aari nila gaya ng ginagawa ni Evelyn or magtayo ng sariling restaurant sa syudad kung saaan malapit sa kanila. But he is stubborn. Simula ng humiwalay ito sa kanya ay tila nais kontrahin lahat ng gusto nya. “He said he’ll drop by mamayang dinner. I forgot to ask kung saan sya tumutuloy.”
Naiiling na umakyat sya ng silid. Anim ang silid sa bahay na ito na nabili ni Ramon,idagdag pa ang dalawang silid sa ibaba at ang servant’s quarter sa likod, ngunit bihirang tumuloy roon si James.
Nagulat pa sya nang masalubong si Evelyn. “You’re still here?” madalas ay isinasabay ito ni Ramon sa pagpasok. Alam nyang maagang pumasok si Ramon ngayon kaya hindi naisabay si Cara ngunit hindi nya alam na hindi rin nito isinabay ang asawa.
“Late ako nagising, ma.” Nag iwas ito ng mata at isinuot ang sunglasses. Tumango na lamang sya at hindi na pinansin ang pamumugto ng mata nito. Nasa kanyang mga kamay nakasalalay ang ikaaayos ng pagsasama nito at ni Ramon. Matanda na sya para sa mga ganitong kumplikasyon ngunit hindi naman pwedeng wala syang gawin. Talking to Cara is not an option, kung makakarating iyon kay Ramon ay siguradong lalo lamang magtatalo ang mag asawa. Kung si Ramon naman ang kakausapin nya ay siguradong itatanggi nito ang akusasyon nya. Mayroon bang taong umamin ng kasalanan? Sinubukan na nyang kausapin si Evelyn ngunit itinanggi nito na may problema silang mag asawa. Walang gustong makipag usap sa kanya ngunit ramdam naman nya ang tensyon ng mag asawa nitong mga huling araw. Hindi na nya hahayaang maramdaman pa ni Venice iyon.
“James will be here this evening.” Pagbabalita nya.
“Yes nabanggit na ni Venice. I’ll be home early.” Anito at nagpaalam na matapos humalik sa kanya. Malungkot na sinundan nya ng tingin ang anak. Evelyn has always been submissive sa asawa nito. Hindi nya inaasahang maaayos nito ang pagkahumaling ni Ramon kay Cara.Bago mag alas tres ay nagpahatid sya sa driver sa isang malapit na supermarket. Nais nyang ipagluto si James ng paborito nitong mga ulam, sinigang na hipon at adobong manok. Ayon dito ay may kasama itong darating. Ang hula nya ay may ipapakilala itong nobya na madalas nitong gawin. Kada luwas nito ay iba ibang babae ang ipinapakilala sa kanila. At hindi na sya umaasang magseseryoso ang anak.
Nagtaka pa sya nang matrapik sila pabalik. Bagaman umuulan ay hindi naman binabaha sa lugar na ito.
“Ano daw ang nangyari?” tanong nya kay Pablo na nakausap ang isang traffic enforcer nang huminto sila.
“May nasagasaan daw po.”
Nilinga nya ang lugar. Hustong lingon nya nang dumaan ang stretcher sa tabi ng sasakyan. Mabilis na isinakay sa ambulansya ang nakahiga sa stretcher. Namumutlang bumaling sya sa driver.
“That’s Cara!” sindak na wika nya. Duguan ito ngunit hindi sya maaring magkamali.
“Ho? Sigurado ho kayo?” tumango sya na tila natutulala. Natatandaan nya ang printed nitong blouse na suot kaninang umaga. “Sundan natin ang ambulansya.” Utos nya hoping she was wrong.Bumaba sya ng sasakyan nang huminto ito sa isang kalapit na private hospital.
“I’m with the patient…yung nasagasaan…will she be alright?”
“Naku mam, nasa operating room pa po sila. Pakifill up nyo po muna ito.” Iniabot nito sa kanya ang form.
May ilang sandali syang nakatitig sa form bago nagsimulang magfill up sa nanginginig na kamay.
Habang naghihintay kay Cara ay inutusan na nya ang driver na ihatid ang mga pinamili sa mansyon. Hindi sya makakabalik on time at iniutos na ipaluto na ang mga pinamili.
She was nervous nang iabot sa nurse ang form. Inulit nito ang mga impormasyon na isinulat nya. Akmang uupo ulit sya sa waiting area nang lumabas ang doctor at hanapin ang kamag anak ng pasyente. Lumapit sya.
“Kailangan naming tahiin ang sugat sa ulo nya. Aside from serious bruises ay kailangan naming i-cast ang kanang braso nya. No internal bleeding. Hopefully ay magkamalay sya bukas para malaman kung may iba pang injury.”
Ayon sa doctor ay mananatili si Cara sa ICU habang hindi nagkakamalay.Nasa sasakyan na sya pabalik nang tumawag si James.
“Hey, ma…”
“Papunta ka na ba?”
She heard him sigh. “I’m not sure. Susubukan ko bukas.”
Ikinubli nya ang disappointment. “Is everything alright?”
“Yes, ma. May konting problema lang. Sorry..”
“Ipinahanda ko pa naman ang paborito mo.”
“Initin na lang bukas…” he joked at nagpaalam na.Pangalawang araw pa bago nagkamalay si Cara. Bagaman wala naman daw dapat ipag alala ay hindi pa rin nya napigil mag isip. Nailipat na si Cara sa pribadong kwarto nang dumating sya. Dalawang doctor ang nasa kwarto nito.
“Mabuti ho nandito na kayo.” Anang mas matandang doctor.
“Is she alright?” tunay ang pag aalalang naramdaman nya nang makita ang dalaga. Her face and arms badly bruised and wounded. May tahi sa noo. Nakacast ang braso. Ayon sa pulis na nakausap nya sa labas ay hit and run ang nangyari. May posibilidad na matrace ang sasakyan dahil may lumutang na witness at nakuha ang plaka.
“She will be alright. But due to head injuries…meron syang amnesia.”
“Amnesia! How did you know?” bulalas nya.
“Nagkamalay na sya kanina. She cannot remember her name. Not even the accident.”
“Is it bad?” sinulyapan nya ang natutulog na babae at may nakapang awa.
“It could be temporary. Hindi pa natin masasabi. Dahil sa mga gamot ay maaring madalas pa rin syang tulog. She needed the drugs para pain reliever sa mga sugat nya.” Nagpaalam na ang mga doctor. Ilang sandali syang nakatitig lamang sa natutulog na dalaga. Ramon has been worried about her at sinikap nyang magkunwaring walang alam. Ang driver ay mahigpit nyang binilinan na wag magsasalita. Inutusan nya rin ito na magtungo sa condotel at ipagpaalam na may trangkaso ang dalaga.
She dialed James’ number.
“Ma..” tila kagigising lang nito.
“I need to see you. May pag uusapan tayo.”
“Mamayang lunch time na lang, ma. Pupunta ako bago umuwi ng La Union.”
“James nasa hospital ako. We need to talk.” She sounded urgent.
Matapos sabihin kay James kung saang hospital sya ay ibinaba na nya ang cellphone. She looked at Cara’s face. Bakas sa mukha nito ang sakit mula sa aksidente. She wanted her out of their lives but not this way. Hindi naman sya masamang tao para matuwa sa kapahamakan ng kapwa.
Nang mag fill up sya ng hospital’s form ay hindi nya alam ang apelyido ni Cara. Nawawala ang bag nito mula sa aksidente. Ginamit nya ang sariling apelyido at inilagay ang sarili bilang tiyahin ni Cara. Ang ibang basic informations ay hinulaan na lamang nya. Wala syang ibang intention nang ipagamit ang sariling apelyido kay Cara. Ngunit ngayong nalaman na may amnesia ito, gaano man katemporary ay may ideyang nabubuo sa isip nya. Isang malaking desisyon iyon na napag isipan na nya bago pa nya tinawagan si James.
Nilakasan nya ang loob nang tawagan ang bunsong anak. Wala syang ibang maisip na maaring makatulong sa kanya. Kung hindi dahil sa pagdating ni Cara ay hindi rin naman hahantong sa ganito ang desisyon nya. And that was two weeks ago…..Please like and follow to support the story and the writer. Thank you ☺
BINABASA MO ANG
For Always
RomanceDahil sa kumplikadong sitwasyon at banta sa kaligtasan ay napunta si Cara sa poder ng kaibigan ng namayapang ina. Ngunit tila mas lalong naging kumplikado ang sitwasyon nang mapagkamalan syang "kabit" ng matandang lalaki at subukang ilayo ng biyena...