Chapter Thirteen

1.7K 42 1
                                    

Tahimik ang naging byahe nila pa La Union.  Bagaman sinabi ng binata na bati na sila ay hindi nya nais na muling mapalapit dito.  With his looks and charm, he surely leaves a trail of broken hearts.  At nabanggit na rin iyon ni Venice nang minsang mapag usapan nila ang binata.  At sa kumplikasyon ng buhay nya, hindi nya gustong maiwang umaasa at umiiyak.

“Bakit sa unit mo?” protesta nya nang malamang doon sya tutuloy.  “Wala bang bakanteng room sa ibaba?”
“Mas maige na sa unit ko, sigurado akong ligtas ka.” Anitong hindi napawi ang agam agam sa mukha nya.  “Sa salas ako matutulog, Cara.  Kung ako ang ipinag aalala mo, pwede rin ako sa kwarto sa ibaba.” Nakaramdam sya ng bahagyang pagkapahiya.
“Hindi na kailangan.  Okay na.  Baka lang kasi makaabala sa iyo.” Pumasok sya sa pintuan ng unit nito.
“Hindi ka abala.  Gusto ko to.  Gusto kong andito ka.” Anang binata.  Nilingon nya ito ngunit nag iwas ito ng tingin bago ipinasok ang bagahe nya sa kwarto.
“Pwede kang magpahinga muna.  Aakyat na lang ulit ako mamaya para sunduin ka. Sa ibaba tayo maghapunan…or gusto mo hatiran na lang kita rito?”
“Sige, sa ibaba tayo maghapunan.” Aniya.
“Wag mong kalimutang idouble lock ang pinto paglabas ko at tatawagan kita sa intercom bago ako pumanhik mamaya.  Wag kang basta magbubukas ng pinto.”
“Hindi ka ba magpapahinga muna?” hinagod nya ito ng tingin.  Sinfully gorgeous in his white shirt and tattered jeans.
He sighed.  “Don’t look at me like that.” Lumapit ito at hinaplos ang mukha nya.
“Ano bang tingin ang ginagawa ko?”
“Na tila gusto mo ako…na namiss mo ako..?” bumaba ang labi ni James sa labi nya.  “At hayaan mong isipin kong iyon ang nakikita ko sa mga mata mo.” Bulong ng binata bago muling inangkin ang labi nya.  Ang isip nya ay naguguluhan ngunit kusang umakyat ang isang braso nya sa leeg ng binata at tumugon sa halik nito. 
Mabilis silang naghiwalay nang may kumatok.
“Sir James?” tawag ng nasa labas.  “Merienda po.”
May panghihinayang na lumayo sa kanya ang binata at binuksan ang pinto.  Pumasok ang staff nito na may dalang tray ng pagkain.
“Mag light snack muna tayo tapos late dinner na lang mamaya.” Anang binata.  “May live band rin sa tabing dagat tuwing Saturday, baka gusto mong pumasyal after dinner.”
Tumango sya at tinungo ang mesa.  Sumunod si James at walang imik nilang pinagsaluhan ang meriendang ipinanhik.

Marami ng nag uumpukan sa baybayin nang lumabas sila.  Ang live band ay nakapwesto sa gitna ng mga resorts.  Ang bawat resort ay may ilang mesa at upuan sa labas at okupado na ang karamihan.  Maging ang harapan ng hotel/resort ni James ay okupado na.  Ang ibang guests naman ay piniling sa buhanginan pumuwesto.
Hinapit nya ang shawl kasabay ng paghapit ni James.  Iginiya sya nito sa may gilid ng building nito  kung saan may duyan sa gitna ng apat na poste.  May malamlam na ilaw na nakatanglaw sa kanila at napansin nya ang maliit na pond sa gilid.  May sariling ilaw ang pond at natanaw nya ang ilang pirasong Koi fish.  Sa kabilang bahagi ng pond ay pang apatang mesa at upuan.
“Dito tayo?” bagaman tanaw ang live band mula sa pwestong iyon ay tila pribado iyon at hindi accessible sa mga guests.
“Baka wala na tayong mapwestuhan sa baybayin, malibang gusto mong maglatag ng towel?”
Muli nyang iginala ang mata sa paligid.  Maganda ang bahaging iyon ngunit ayaw na nyang mapagsolo sila. Hindi malinaw ang mga ipinahihiwatig ng binata at ayaw nyang sumugal.
“Let’s go.” Anito nang hindi sya sumagot.  Iginiya sya nito palapit sa baybayin.

Matapos ilatag ang malaking towel ay inalalayan sya ng binatang makaupo.  Naupo ito sa tabi nya at iniabot sa kanya ang baso ng wine na baon nito.
“Hindi ako umiinom..” tanggi nya.
“This will keep you warm.”
Tinanggap nya ang baso at maingat na sumimsim.  Matamis at hindi mapakla ang lasa niyon.  Diretso nyang ininom ang natitirang laman ng baso.
“Hey…hindi tayo maglalasing.” Natatawang wika ni James.
Nagkibit balikat sya at muling sinalinan ng binata ang baso nya.

Pangatlong baso at pakiramdam nya ay magaan na ang ulo nya.  Ipinikit nya ang mga mata at sinabayan ang pagkanta ng banda.  She heard James’ chuckled at hinapit sya kasabay ng pagdampi ng halik sa ulo nya.  She feels happy and contented.  Isinandal nya ang ulo sa balikat ni James.  Nakangiting yumuko ito sa kanya.
“Kiss me…” aniya.
His smile widened.  “You’re tipsy.”
“Of course not…tatlong baso pa lang iyon…see, nabibilang ko pa…” she giggled at inilapit ang mukha sa binata.  He doesn’t need much prodding.  Magaang dumampi ang labi nito sa labi nya.  She closed her eyes and returned his kisses. 
“James!” boses ng babae ang narinig nya.  Reluctantly James pulled away.  Nilinga nila ang pinanggalingan ng tinig.  The woman is tall.  At masyadong payat sa tingin nya.  Nang lumapit ito ay mas nakita nya ang mukha nito.  Tila manika ang mukha nito bagaman matalim ang tinging ipinukol sa kanya.
“Bella…” ani James.  Naramdaman nya ang paglayo ni James mula sa kanya upang tumayo.
“Let’s talk please.” Lumapit ang babae kay James at inabot ang mukha ng binata.  Bella?  Ito ang babaeng nang iwan kay James when he proposed marriage!  Hindi nya maipaliwanag ang sakit na nararamdaman.  Marahan syang tumayo at tinangkang alalayan ni James ngunit tinabig nya ang kamay nito.  Napaupo syang muli sa ginawa at mabilis na naitayo ni James.  Itinulak nya ito.
“Cara…”
“I can manage…” muli nya itong itinulak at bahagyang gumewang nang humakbang palayo.  “Mag usap na kayo, babalik na ako sa kwarto.”
Hindi na nya pinansin ang muling pagtawag ng binata.
“I can’t believe na ipagpapalit mo ako ng ganoon kabilis at pinatutuloy mo sya sa unit mo.” Narinig pa nyang wika ni Bella kay James.  Binilisan nya ang hakbang palayo sa dalawa.

Hinayaan nya ang mga luha habang nasa shower.  Ang bahagyang kalasingan ay nawala sa malamig na tubig.  My God!  Bakit ang sakit sakit?  Isipin pa lang na nagkabalikan ang dalawa ay tila gumuho na ang mundo nya.  Kahit anong tanggi nyang umiibig sya kay James ay ayaw ng tanggapin ng isip nya.  Hindi sya makakaramdam ng sakit kung wala syang nararamdaman para sa binata.
Mahigit kalahating oras marahil sya sa banyo at napatili pa nang paglabas nya ay biglang pagbukas ng pinto.  Nag aalalang mukha ni James ang sumalubong sa kanya. 
“Halos kalahating oras na akong kumakatok, napagalitan ko na ang staff dahil nawawala ang duplicate na susi.  Bakit hindi ka sumasagot?”
“Naligo ako…” hinapit nya ang maliit na tuwalyang tanging suot.  Tila noon lang napansin ni James ang gayak nya.  Mabilis na humagod sa katawan nya ang mga mata nito at mahigpit syang niyakap.
“Si Bella…” tinangka nyang kumawala sa yakap nito ngunit nabigo.
“Gone.” Bahagyang lumuwag ang yakap nito at naramdaman nya ang paghalik nito sa tuktok ng ulo nya.
“Lilipat na lang siguro ako sa ibaba para hindi nyo na pag awayan.”
“You’re not going anywhere, Cara.”
“Pero si Bella…”
“Listen…si Bella at ako ay hiwalay na.  Even before I met you.  She dumped me at ipinagpapasalamat ko iyon…”
“Hindi ba kayo nag usap kanina…di ba—“ mariing kinintalan ng halik ni James ang labi nya.
“Ssshhh…” wika nito.  Buong pagsuyo nitong hinaplos ang mukha nya.  “Nag usap lang kami.  Hindi kami nagkabalikan.  Wala na syang babalikan, Cara.  Narealized kong hindi ko sya lubos na minahal nang makilala kita.  Naging masyado lang akong comfortable sa kanya and I shouldn’t have mistaken comfort for love.  My feelings for her was nothing compared to what I’m feeling for you.”
“She was my comfort zone.  Pero ikaw, you brought my world tumbling down.  You made me feel alive.” Patuloy nito.
“Pero di ba sabi mo walang kahulugan ang mga halik mo noong may amnesia pa ako?”
“Dahil natakot ako, everything was new.  Saka ko naisip, first time ko palang mainlove.  And when I found the courage, hindi ko alam kung paano magsisimulang lumapit muli sa iyo.  Buti na lang tumawag ulit si Kuya Roman at ipinakikiusap na dito ka raw muna ulit.  I was so ecstatic.  Pagkababa ng telepono e nagbyahe na ako agad para sunduin ka.” His eyes twinkling.
“Ahhh…” she was speechless.  At kinikilig.  Sigurado syang naririnig ni James ang tibok ng puso nya.
Tumaas ang kilay ng binata.  “Yun lang?”
“Wala akong masabi…”
“Pwedeng I love you too…”
Umirap sya.  “Wala ka pa ngang I love you.”
Tumawa ang binata.  “Sa dami ng sinabi ko, hindi ko pa ba inamin?”  Nagseryoso ito at sinapo ang mukha nya.  “I love you, Cara.  With all my heart.  With everything that Iam.”
Naluluhang ngumiti sya.  “Mahal din kita, James.”
Masuyong dinampian ng halik ni James ang labi nya. 









For Always Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon