May pagdududang tinitigan ni Ellen ang babaeng kaharap sa hapag kainan. The woman is young and very beautiful. Wala syang makitang kapintasan sa panlabas na anyo. Ayon sa manugang ay anak ito ng isang namayapang kaibigan.
“So, Cara…hindi ka na nag aaral?” tanong nya matapos nguyain ang pagkain.
“Hindi ko po natapos ang isang semester…”
“How old are you?”
“Twenty Four na po.”
“You look younger.” May ismid na wika ni Ellen. “Young enough to be my son-in-law’s daughter.” Dagdag nito na may kasamang panunuya na hindi nakaligtas kay Ramon.
“Mas matanda sya kay Venice, ma.” Ani Ramon.
“And where is your daughter? Dumadalas umuwi ng gabi?”
“May practice sila ng presentation para sa finals nila, ma.” Ani Evelyn, asawa ni Ramon na sa wakas ay nagsalita.
“Sana ay makagraduate na sya.” Ani Ellen na tinapos na ang pagkain.
“How long will you be staying here, ma?” Pagbabago ng usapan ni Ramon. Si Ellen ay US citizen na at taon taon ay nagbabakasyon na lamang sa Pilipinas.
“Maybe a month. I’m your mother in law, Ramon. I can stay here whenever I want. Hindi ako kung sino sino lang na patutuluyin mo rito.” Sinulyapan nito si Cara na yukong yuko.
“Ma, walang masamang ibig sabihin si Ramon. You’re always welcome here. ” Ani Evelyn.
Nagkibit balikat lang si Ellen.Matapos maghapunan ay maagang umakyat ng silid si Evelyn upang magpahinga gaya ng nakasanayan na nito.
“Hayaan nyo na lang po akong humanap ng boarding house, tito.” Mahinang pakiusap ni Cara kay Ramon. Nasa terrace sila at hindi pansin si Ellen na nakatanaw sa kanila mula sa sala.
“This house is big enough. At hindi ko hahayaang mapahamak ka. Nangako ako sa inay mo.” May lungkot na nakiraan sa mga mata nito.
Hinawakan ni Cara ang braso ng matandang lalaki. He is always nostalgic and sentimental tuwing nababanggit ang kanyang yumaong ina. Ang akmang pagsasalita nya ay hindi natuloy nang tumikhim si Ellen na nakatayo sa pintuan palabas ng terrace.
“Dapat lang palang narito ako para nakikita ko ang mga hindi nakikita ni Evelyn.”
Binawi ni Cara ang kamay.
“Anong ibig nyong sabihin, mama?” tanong ni Ramon.
“Cara is very beautiful…sana ay hindi sya maging dahilan upang masira ang pamilya mo.” puno ng pagdududang wika ni Ellen.
“I don’t know what you’re talking about, ma.” Binalingan nito si Cara. “Umakyat ka na sa kwarto mo.”
IIling iling na nagpaalam si Ramon sa biyenan at umakyat na rin sa silid nilang mag asawa. Sanay na sya sa biyenan na sa simulat sapul ay lantaran ang disgusto sa kanya para sa anak.“Yeah, she’s beautiful. And I’m glad dad’s helping her.” Ani Venice kay Ellen. Kumakain sila ng agahan. Nauna ng natapos ang mag asawa at si Cara.
“Naniniwala ka bang anak lang sya ng kaibigan ng daddy mo?” she tried to choose her words.
“Well, madalas namang ganyan ang daddy. Laging tumutulong…” Huminto sa pagkain si Venice at tinitigan ang lola. “What are you thinking, gran?”
“She could be your father’s mistress…”
“Dad’s mistress…in our house.” Hindi makapaniwalang wika ni Venice. “I don’t think so,gran.” Tila kulang sa conviction na wika nito.
“We’ll see…” ani Ellen habang sinusundan ng tingin ang papalayong sasakyan sakay si Ramon, Evelyn at Cara. She looked at Venice na nakatingin rin.
“Isinasabay sya ng daddy at mommy hanggang sa paglabas ng subdivision. It’s convenient.” Tila para sa sarili ang ginawang paliwanag ni Venice sa matanda.“Bakit mo pinayagan na patirahin ni Ramon si Cara sa bahay?” tanong ni Ellen sa anak habang pauwi galing sa supermarket.
“He is helping her.” Paiwas na sagot nito.
“Cara is young and beautiful…”
“Anong tinutumbok ng usapang ito, ma?”
“Hindi ka ba nagdududa sa dalawa? I looked at them at iyon kaagad ang naisip ko.”
“May tiwala ako kay Ramon, ma. At hindi marumi ang isip ko.”
“Evelyn!”
Hindi sumagot si Evelyn at agad na bumaba ng kotse nang huminto sa harap ng mansyon.
BINABASA MO ANG
For Always
RomansDahil sa kumplikadong sitwasyon at banta sa kaligtasan ay napunta si Cara sa poder ng kaibigan ng namayapang ina. Ngunit tila mas lalong naging kumplikado ang sitwasyon nang mapagkamalan syang "kabit" ng matandang lalaki at subukang ilayo ng biyena...